CHAPTER 3: Stay In

1.5K 58 16
                                    

Chapter 3: Stay In

Kahit labag sa loob ko, kailangan kong gawin 'to. Wala nang pag-asang matatanggal ko pa yung bagay na 'to sa buhok ko kung hindi ko gugupitin.

"I'm sorry, Ma."

Matapos kong sabihin 'yon ay pumikit ako kasabay ng pag-gupit ko sa parte ng buhok ko na nalagyan ng slime.

Dumilat ako at tinignan ang buhok na hawak ko ngayon. Naiiyak nanaman ako.

Hindi na pantay ang buhok ko. Wala akong choice kundi pag-pantay pantayin 'to.

Hindi ako nag-papagupit sa mga salon dahil ayoko nga ng hinahawakan ang buhok ko. Kaya ako nalang ang nag-gugupit sa buhok ko mula noon.

Yung dati kong buhok na hanggang balakang, hanggang newang nalang ngayon.

Pinaka-iingatan ko yung buhok ko dahil eto nalang ang natitira kong ala ala kay Mama. She always love my hair so much.

I miss my Mom.

Nang matapos na ako sa pag-gugupit ng buhok ko ay nilinis ko na ang mga buhok na nag-kalat sa kwarto.

Hahaba pa naman 'to. Pero hinding hindi ko mapapatawad si Kevin dahil sa ginawa niya sakin.

"Oh, buti naman naisipan mong gupitan 'yang buhok mo, ang tagal ko nang naaalibadbaran sa'yo. Mag-saing ka na nga!"

Hindi ko nalang pinansin si Marites. Dumiretso nalang ako sa kusina para mag-saing. Mamaya ako naman ang mag-huhugas ng plato.

Habang yung mga anak niya, tamang cellphone lang. Kaya walang alam sa gawaing bahay kasi sakin lahat inaasa.

What a bad, unlucky and unfortunate day.

.

Maaga akong gumising para gawin ang lahat ng gawaing bahay dahil kailangan kong pumunta sa school nang maaga.

Nag-mamadali akong nag-bihis at nag-ayos.

"Bakit ang aga mong aalis? Baka makipag-landian ka lang don." rinig kong sabi ni Marites nang maka-labas na ako sa kwarto.

Umiling iling nalang ako tsaka lumabas at malakas na isinara ang pinto.

"Hala sige! Sirain mo!" rinig kong sigaw niya mula sa loob.

Dumiretso nalang ako sa sakayan ng tricycle tsaka bumyahe papunta sa school.

7:30 pa ang simula ng klase namin pero 6 o'clock palang ngayon.

Pag-dating ko sa school ay wala pang mga estudyante. Dumiretso na agad ako sa room tsaka ibinaba ang mga gamit ko. Ako palang ang estudyante dito sa room.

Palabas ako ng room nang may makasalubong ako kaya agad akong huminto sa pag-lalakad.

"Ang aga mo ngayon ah." sabi ko sa kanya.

"Sinabihan ako ni Mama eh. Nalaman kasi niya yung nangyari kahapon." sagot niya.

Dumiretso na siya sa loob tsaka ibinaba ang gamit niya sa upuan niya. Patakbo siyang lumapit sa akin.

"Tara na." aya niya.

Hindi natuloy ang parusang tatanggalin ang scholarship ko dahil sa ginawa ni Ken. Bumaba lang ang parusa ko, or namin. Kailangan naming mag-linis sa park for one week. At masasabi kong mas okay na 'yon.

Nang maka-kuha na kami ng gagamitin namin sa pag-lilinis ay agad kaming nag-simula.

Tahimik lang kami habang nag-wawalis.

"Ginupit mo yung buhok mo. Ang ganda pa naman." rinig kong sabi niya.

Nilingon ko siya tsaka ako tumango.

Innocent •SB19 KEN• [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon