KARINA'S POV
Pagpasok ko pa lang ng classroom. Ako pa lang yung tao kaya naisipan kong magpray muna.
"Lord, right now, move in this place. I know, You are working in here, in our midst. I claim it right now that I will be able to lead my classmates, teachers and staffs to You, Jesus. Not by my might but your strength and power alone. Don't let one year pass na walang nangyayare. Let this 1 year be very productive and fruitful for You. I believe. I claim it. I receive it. In Jesus name, Amen!"
Anything is possible when we believe.
Maya maya pa ay dumating na si Ianna. Isa sa mga pinakasikat sa room namin. Napakafriendly nya kasi. What more she can do kapag nakakilala sya sa Lord, 'no?
Siguro madami din syang iwiwin na kabataan.Sunod na dumating ay si Marie at Ela. Naging magbestfriend sila dahil sa parehas silang fashionista. Alam na alam ang bagong uso at bagong trend kahit sa balita, updated sila. Iba talaga ang nagagawa ng technology sa kanila. Paano kaya pag nakakilala sila? Siguro marami din silang mawiwin na kabataan sa social media.
Napakafuturistic ko. I prefer to see yung potential nila kesa ijudge sila base sa nakikita ko lang ngayon. Alam kong grabe ang gagawin ng Diyos kapag nabago sila.
At ayun na nga, sunod sunod ng dumating ang mga kaklase ko.
"Karina, ang aga mo ata ngayon." banggit ng katabi kong si Iza. Isa sa mga tinuturing kong bestfriend kasi Christian rin sya. Kami ang nagkakaintindihan sa vision na nakikita namin para sa mga kabataang ito.
"Oo eh, talagang naging habit ko na ang pumasok ng umaga para na din makapagdeclare at maipagpray ko itong school habang nandito ako." sagot ko maman sa kanya.
Talagang yung puso ko kasi, nakaset na may gagawin ang Diyos sa taon na ito rito. Kaya minabuti ko ng magdeclare bawat umaga sa pagpasok ko dito.
"Iba talaga ang puso mo, Karina. Gusto ko sana samahan ka tuwing umaga kaso alam mo na, kailangan ko pang tumulong sa bahay bago umalis. Kailangan maging pagpapala ako kasi syempre, panganay rin ako." iba din ang sipag nitong si Iza eh. Makikita mo talaga kung gaano sya kasipag at dedicated sa ginagawa nya kahit sa bahay nila.
"Ano ka ba? Wala yun. Naiintindihan kita. Pero alam kong kasama kita sa vision na ito. Together with the Lord, let's win them this year!" sabay nag apir kami. Iba pa rin talaga kapag may kasama kang gawin ang layunin na nakalagay sa puso mo.
"Goodmorning class! Today let me introduce first your new classmate. He will be in this class for this school year. Okay, introduce yourself." sabi ni Ma'am Grace na adviser namin for this year.
"Hello everyone! My name is John Peter Perez. I'm 16 years old. You can call me Peter." just even the way he speak, parang may kakaiba.
"Okay Peter, you can sit over there in that vacant chair."
Bigla kong naalala, nasa likod pala ako kaya yung vacant seat ay sa......
Pero bakit kinakabahan ako?
Bakit?
YOU ARE READING
I Prayed for You
Spiritual𝘚𝘪𝘯𝘰 𝘰 𝘢𝘯𝘰 𝘬𝘢𝘺𝘢 𝘢𝘯𝘨 𝘢𝘯𝘴𝘸𝘦𝘳𝘦𝘥 𝘱𝘳𝘢𝘺𝘦𝘳 𝘯𝘺𝘢? 𝘈𝘣𝘢𝘯𝘨𝘢𝘯 𝘮𝘰 𝘴𝘢 𝘱𝘢𝘨𝘣𝘢𝘴𝘢 𝘮𝘰 𝘯𝘨 𝘴𝘵𝘰𝘳𝘺𝘢𝘯𝘨 𝘪𝘵𝘰. Note: Before you read this, pray first. Let this story serve as a testimony of God's faithfulness and...