Chapter 13

1 0 0
                                    


KARINA'S POV

Friday na ngayon at ito na ang Araw ng Wika. Busy ang lahat ngayon sa pagpeprepare ng mga pagkaing Pinoy at pagdedecorate ng aming classroom. Yung iba naman, naghahanda na para sa competition mamaya at nga pala, mamaya na rin iaannounce kung sino ang nanalo sa Infomercial.

At heto kami nila Iza, inaayos namin yung paglalatagan ng ihahanda naming pagkain.

"Iza, abot mo naman sa akin yung dahon ng saging." saad ko.

Kailangan kasi maayos rin at maganda ang presentation ng pagkain dahil mamaya ay darating ang mga judges para ijudge ito.

"Okay, ayos na yung latag natin. Simulan na natin ilagay yung mga pagkain dito." sambit ko sa mga kasama ko ngayon.

"Boys, yung mini kubo natin, pakitayo na doon sa gilid." utos ko sa mga lalaki. Naisipan kasi namin magtayo ng mini kubo. Simple lang naman sya. Gawa sa kawayan at palapay ng nyog. Kinakabit lang yun gamit ang kawad kasi naayos na namin kahapon kung paano sya itatayo.

"Tapos yung iba naman, isuot nyo na yung costume nyo." dadag ko. Kasama din kasi yun sa grading. May contest din sa pagandahan ng costume.

Maya maya pa ay natapos na kami sa pag aayos. "Okay, set na ang lahat."

"Pray muna tayo lahat. Dito tayo sa unahan at tayo ay bumilog." pangunguna ko sa kanila.

"Okay, pangunahan tayo ni Iza sa panalangin." dagdag ko.

"Let's pray....." wika ni Iza.

Lord, pangunahan mo po kami sa araw na ito. Patunayan mo Lord na ikaw ang Diyos na aming pinaglilingkuran. Alam ko Lord di mo kami bibiguin.

"......Lord, whatever happens, let Your will be done. Pinagkakatiwala po namin sa Iyo ang lahat. Maitaas ka po sa lahat ng aming gagawin. Sa Iyo lahat ng papuri't pasasalamat, in Jesus name, AMEN!"

Inilahad ko ang aking kamay sa gitna para sabay sabay kaming magcheer at sinabing, "Guys, let's do this. We have God on our side. 1,2,3, Go Section B!" sabay sabay naming hiway.
Nagsimula na nga ang program. Nasa school grounds kaming lahat at pinapanood ang mga nagpeperform ng BigSayWit.

Galing magperform ng ibang section. Halata mo sa kanilang prepared talaga. Kumpleto kasi sila sa costume at props.

At ang mga kaklase ko ngayon, halatang kinakabahan na base sa itsura nila.

Kaya chineer up ko sila, "Guys, kaya natin ito. Kasama natin si Lord! Fighting!"

"Okay let's welcome the next performers, Grade 11 Section B." tawag ng Emcee sa section namin.

"Go guys! Kaya nyo yan" cheer ko sa kanila.

Eto na, magpaperform na sila. Grabe, prepared din sila. May hinanda din silang props. Praktisadong praktisado talaga.

"Woo!" sigaw namin ng pagchecheer sa kanila. Talagang may emosyon eh at damang dama ng bawat isa ang bawat linyang kanilang binibigkas.

Maya maya pa, natapos ang pagpepresent ng BigSayWit. Ang sunod naman ay judging na ng mga presentasyon ng pagkain. Kaya nagmadali kaming pumunta sa classroom.

"Okay guys, alisin nyo na yung mga gamit nyo. Lagay nyo sa ilalim ng mga table." utos ko sa kanila.

"Kaya natin ito!" cheer ni Peter. At ang lahat ay nag agree.

Maya maya pa'y dumating na ang mga judges at tinikman ang mga pagkaing aming hinanda. Lumibot din sila at tinignan ang decorations ng aming room.

Pagkatapos nilang mag-grade ay umalis na rin sila kaya't nakahinga na kami ng maluwag.
Ngunit hindi pa pala natatapos doon dahil mamaya pa iaannounce ang mga nanalo.
At dahil tanghalian na rin naman, sinabihan ko ang aking mga kaklase. "Guys, pwede na tayong kumain. Pumila na lang tayo pamula doon."

I Prayed for YouWhere stories live. Discover now