Chapter 5

5 1 0
                                    

KARINA'S POV

Pagkauwi ko sa bahay, nalungkot ako ng marinig kong nag aaway na naman si mama at papa.

Madalas talaga sila mag away simula bata pa lang ako. Nakikita ko kung paanong sinasaktan ni papa si mama. Sobrang sakit makita noon.

Bilang panganay, naging mahirap sa akin makita ang sitwasyon na ito lalo na't may dalwa pa akong nakakabatang kapatid. Akala ko nga noon maghihiwalay sila dahil sa tindi ng away nila noon. Pero laking pasasalamat ko sa Diyos dahil hindi Nya hinayaan na lumaki ako sa pamilyang hiwalay ang magulang.

Pero sa nangyayare ngayon, tangi kong magagawa ay manalangin.

Kaya pagkapasok ko sa bahay, unang hinanap ko ang dalwa kong kapatid. Nakauwi na sila sa gantong oras kasi maaga ang uwian nila.

Pumasok kami sa aming kwarto para doon magsimulang manalangin.

"Lara, Grace, pray tayo? Ipagpray natin sina mama at papa. Ayoko ng lagi na lang ganto na nag aaway sila. Samahan nyo ko magpray ah." sabay pikit namin para manalangin.

"Lord, sa lahat ng nangyayare sa aming pamilya, alam ko po may purpose ka. Inilagay mo kami dito sapagkat may dahilan ka. This is all part of your pefect plan Lord. At ngayon po, nagkakaisa kaming ipanalangin ang aming magulang. Lord, huwag nyo pong hayaan na palagi silang hindi nagkakaunawaan. Move in this place, Lord. Move in their hearts. Maghari ka po sa tahanang ito. Hayaan mo na pagbuklurin mo kami ng iyong pag ibig. Fix every broken relationship, Father. Ikaw po ang mag ayos ng dapat ayusin. Lord alam ko po, ang pinag-isa mo ay hindi mapaghihiwalay. Kaya po kami ay dumudulog sayo na kumilos ka po sa puso ng aming magulang ngayon. Let peace reign in this house. Let your love reign right now, in the name of Jesus. We believe, walang imposible sayo Lord! Lord, we claim the victory over our family right now! In Jesus name! We know you're moving right now. Kaya Lord, we entrust you everything! Just move. Let Your will be done in this place. Thank you Lord. We claim it! In Jesus name, Amen!" sabay pahid namin ng mga luhang tumulo sa aming mga mata.

Hindi ko kayang makita na pati mga kapatid ko ay nasasaktan dahil sa nangyayare. Kaya bilang panganay, ang tangi kong magagawa ay ilaban ito sa panalangin. Wala man akong magawa pero alam kong merong magagawa ang Diyos na aking pinaglilingkuran.

Hindi ko hahayaan na nakawin lang ng kaaway ang kaligayahan at pagmamahal na deserve ng aming pamilya.

Not us! I will fight for my family.

"Lara, Grace, okay lang kayo?" tanong ko agad sa kanila.

"Oo okay lang kami ate. Nasanay na kami." malungkot na tugon sa akin ni Lara, ang sunod na mas matanda sa akin.

"Teka lang, may bibigay ako sa inyo." Sabay kuha ko ng chocolate sa bag ko para naman kahit papaano ay sumaya sila. Kaya pala naisipan kong bumili kanina.

"Yey! Thank you ate." sabay yakap ng bunso naming si Grace. Sya talaga yung pinakamalambing sa aming tatlo.

"Love ko kaya kayo. Kaya deserve nyo yan. Dapat nga mas higit pa yung dapat kong ibigay sa inyo eh kaso pagpasensyahan nyo na si ate ha. Yan lang ang kaya ngayon eh. Yaan nyo, pag ako nagkaroon na ng trabaho, bibigay ko ang gusto nyo. Teka, ano bang gusto nyo?" pang aaliw ko sa kanila. Para di na sila maging malungkot.

"Ako ate gusto ko ng coloring book tapos crayons. Tsaka ate gusto ko marami pagkain." masiglang sagot sa akin ni Grace.

Kakatuwa talaga. Napaka pure ng puso ano?

"Ikaw Lara? Baka may gusto ka?"

"Okay na ako ate sa bagong Bible"

"Yun lang ba ang gusto mo?"

Ako'y natutuwa sa Lord. Kasi hindi lang ako ang nakakakilala sa Kanya ngayon. Pati si Lara, nakilala na din nya si Jesus at tinanggap ito bilang Diyos at Tagapagligtas. Totoo nga na kung sa isang sambahayan ay may isang nakakakilala sa Diyos ang buong sambahayan ay maliligtas. At ngayon, dalwa na kami, pero dinedeclare ko na ngayon pa lang na maliligtas kaming lahat sa pamilyang ito.

"Tsaka marami ding pagkain ate hahaha" masiglang tugon ni Lara.

Sa wakas, ngumiti na din sila. Eto lang, makita silang nakangiti, masaya na rin ako.

"Sige ha, pero wag nyo ko mamadaliin. Wala pa akong trabaho tsaka Grade 11 pa lang ako hahaha"

Sabay nagtawanan at nagkulitan na kaming tatlo. Ang solid lang ng relasyon naming tatlo. Kahit may pinagdadaanan kaming tatlo, natutuwa ako sa Panginoon kasi nagagawa pa rin naming maging masaya sa biyaya Nya. Iba kasi kapag buong puso kang nagtiwala sa Kanya. Mababalot ang puso mo ng kapayapaan. Kakaiba talaga ang dulot ng pananampalataya sa Diyos!

Maya maya pa lamang ay tumigil na ang alitan nina mama at papa. Salamat Lord!

Lumabas muna ako ng kwarto at hinanap ko si mama.

Natagpuan ko sya sa kusina na umiiyak.
Nasasaktan akong makita na ganto si mama. Deserve nya rin sumaya dahil sa dami nyang sakripisyo sa amin.

Kaya niyakap ko sya ng mahigpit.

"Ma, mahal ka namin. Wag ka ng umiyak ha. Nandito kami para sayo ma." comfort ko kay mama habang hinahagod ko ang likod nya upang tumigil sya sa pag iyak.

Nasasaktan talaga ako. The enemy has no power over our family! In Jesus name!

"Salamat nak. Magtitiis ako para sa inyong tatlo."

Naiiyak tuloy ako.

"Kaya natin ito ma. Magtiwala lang tayo kay Lord."

Nagbitiw na kami sa pagkakayakap. Pero nakakaiyak pa din eh.

"Basta nak ha. Magpakatatag ka para sa mga kapatid mo."

Ayoko talaga ng ganitong senaryo. Parang nagpapaalam si mama.

Lord, wag naman po sana....

"Oo ma. Matatag kaya 'to." tugon ko kay mama na may kasamang ngiti.

"Ngiti ka na, ma. Magiging maayos din ang lahat." dagdag ko.

Naniniwala ako. Matindi ang kayang gawin ng panalangin lalo na't kapag nagkakaisa.

Kaya ang breakthrough, alam kong paparating na.



---------------------------------------------------------------------------------

Author's Note:

Pasensya na at medyo matagal bago ako nag update, naglipat bahay kasi kami. Maraming inasikaso kaya ngayon lang ako. But thank you sa support nyo and for patiently waiting. ♥ God bless you!



I Prayed for YouWhere stories live. Discover now