Chapter 4

9 0 0
                                    


KARINA'S POV

Bagong umaga na naman.

Another chance.
Another hope.
Another strength na naman ang matatanggap natin mula sa Lord.

Kay sarap bumangon sa bawat umaga na si Lord yung unang pumapasok sa isip natin.

At heto, nandito na naman ako sa aking paaralan. Mag isang naglalakad papasok ng gate. Nakita ko yung ibang estudyante na nasa hallway habang nagbabasa at yung iba, nagkukulitan.

Hanggang sa...

"Aray!" nasambit ko dahil naitulak ako ng isang estudyanteng nasa Grade 7 pa lang. Nagtatakbuhan kasi sila.

"Sorry ate, di ko po sinasadya." mukha namang di talaga nya sinasadya. Ang cute nya magsorry kasi nag bow pa talaga sya. Natutuwa tuloy ako kahit masakit yung pagkakatulak nya sa akin.

"Okay lang yun, wag ka mag alala. Ako nga pala si Ate Karina. Ikaw? Anong name mo?" masiglang tugon ko sa kanya.

Mukhang may next target na akong sharehan ng salita ng Diyos.

"Ako po si Jane. Nice meeting you ate! Maglalaro lang po ulit kami! Sorry po ulit!" sabay nag bow ulit sya sa akin.

I will win you, Jane.

Lord, make way. I know you will help me win these young people for you.

I believe.
I claim it.

Nandito na ako sa classroom namin. Nagulat ako kasi nandito na rin si Peter.
Woah! Iba ka Lord.

Let's do this, Lord. Excited na ako.

"Hi Peter! Goodmorning!" masigla kong bati sa kanya.

Pero, mukhang malungkot sya ngayon eh. Kakaibang lungkot.

Wait.

May naalala ako.

Bumili nga pala ako ng Goya kanina kasi balak kong ibigay kay Iza. Pero mukhang mas kailangan ito ni Peter.

Bigla akong kumuha ng isang papel at nagsimulang magsulat.

'I will never leave you nor forsake you.'

Yan yung sinulat ko sa papel at sinumulang idikit ito sa Goya para ibigay kay Peter.

Lord, use this avenue para maramdaman nya na mahal mo sya. Move in his heart, Father.

"Peter, sayo na lang." sabay ngiti ko sa kanya. Kaso binigyan nya lang ako ng look na nagtataka. Hindi siguro sya makapaniwala.

"Mahal ka ng Diyos. Hindi ka Nya pababayaan." dagdag ko pa.

I know, unti unti, mabubuksan rin ang puso nya para pakinggan ang salita ng Diyos.

"Goodmorning Karina, Peter! As always, maaga ka ha!" masiglang bati ni Iza sa akin.

"Well, I still have things to do first thing in the morning kaya syempre, dapat maaga ako." tugon ko sa kanya.

"Peter, okay ka lang?" tanong ni Iza sa kanya.

Mukhang napansin rin ni Iza.

"I'm fine." sagot nya habang nagpupumilit ngumiti.

"Okay lang ba na ipagpray ka namin?" tanong ko sa kanya. I'm sure something's going on. But I know God is moving right now.

"Sabi ko okay lang ako. Ang kulit nyo!" at bigla syang lumakad palabas ng room.

Something is really happening in his heart. Mukhang malaki talaga ang pinagdadaanan nya.

But I will remain believing that in the midst of these trials na nararanasan nya, He will encounter the Lord.

I know.
I pray, Father. Just move. Let Your will be done!

"Iza, let's keep praying for him huh? I still believe na makikilala nya ang Diyos ngayon. I claim it!" sambit ko kay Iza na mukhang worried din.

"I know, Karina. Don't worry, we're in this together! Let's win this school for the Lord."

"Btw, may napanaginipan ako last night. I saw you Karina."

"Really, anong nangyare?" tanong ko kay Iza.

Kapag kasi si Iza yung nakakapanaginip, mostly nangyayare talaga.

Once ko ng nasaksihan kung paano nagkatotoo ang panaginip nya.
May napanaginipan syang bata noon na umiiyak na nasa tabi ng kalye malapit sa kanila.

Kinabukasan, kinuwento nya agad yun sakin. Kaya nung pauwi na kami, sinamahan ko sya pauwi sa kanila. Habang nasa daan kami, may nakita kaming bata na umiiyak. Bigla lang syang nagulat kasi sabi nya, sya yung batang nasa panaginip nya. Nagulat na lang din ako. Kaya nilapitan agad namin yung bata. Buti na lang may lolipop ako na hawak noong oras na yun kaya agad ko itong inabot sa bata. At noong kumalma na sya, pinagpray namin sya ni Iza. After noon, nagsimula ng magkwento yung bata. Kaya pala ito umiiyak ay hindi sya makauwi sa kanila noong umaga pa. Iniwan daw sya ng yaya nya kasi nainis raw ito sa kakulitan nya kaya iniwan daw sya rito sa labas at hindi na binalikan. Naawa na lang kami sa batang ito dahil sa murang edad nya, naranasan nya ang bagay na ito. Porket malikot ito, hindi naman ito basehan upang ganto ituring ang isang musmos na bata. At napag-alaman din namin na 7 years old pa lang sya. Kaya nga siguro hindi talaga sya makakauwi at hindi pa marunong bumyahe. Kaya noong tinanong namin sya ni Iza kung saan ito nakatira, napag alaman namin na kakilala ko pala ang magulang ng batang ito. Kaya inihatid namin siya pauwi.

Kaya, alam ko, may gagawin na naman si Lord and I'm excited for it.

"Ganto kasi yun Karina. I saw you. You're sharing God's words sa isa sa mga grade 7 dito sa school. Hanggang sa sinabi nya sayo na gusto nya pa makilala ang Lord kaya nagdecide ka raw na magkaroon ng Care Group para sa kanya every Friday. Until, nag invite raw ito kaya dumami kayo hanggang sa naging Campus Ministry ito."

Wow! Naamaze ako habang nakikinig sa panaginip ni Iza. Woah! Ibang klase ka Lord. Pero sino kaya itong Grade 7 na tinutukoy nya sa panaginip nya?

"Wait. Kakilala ba natin itong Grade 7 na ito?" tanong ko kag Iza.

Wala naman kasi kaming kakilalang Grade 7. Mostly puro Grade 11 ang kakilala namin since Grade 11 din kami. Medyo malaki kasi itong school kaya hindi masyadong magkakakilala.

"Ang totoo nyan, hindi ko rin kilala eh. Pero naniniwala ako na mangyayare ito." excited na excited na sabi ni Iza.

"I know, it will happen."

And I'm excited for it, Lord!

I Prayed for YouWhere stories live. Discover now