KARINA'S POV
Friday na ngayon.
I'm so excited sa mga mangyayare at talagang ipinanalangin ko na sa araw na ito ay makakamit namin ang tagumpay.Nakabili na rin kami ni Iza ng mga pagkain para mamaya. Kahapon pa lang ay na-iready na namin kasi talagang excited kami.
Nasa klase pa kami ngayon. Ang oras ngayon ay 2:00 at mamaya pang 3:00 ang tapos ng klase. May isang oras pa kaming iintayin.
Pero halata ko ng excited na sina Peter at Iza na katabi ko ngayon. Parehas nakangiti eh.
Buti na lang at madali lang ang subject namin ngayon.
May pa-surprise din ako mamaya sa mga aattend kaya lalo tuloy ako'y di mapakali dito sa aking upuan.
Sorry po, excited talaga eh. Haha.
*RIIIIINGGGGG***
Hudyat na iyan para matapos ang klase.
Pagkalabas ng aming teacher, nagsalita na agad ako.
"Guys, sa may park tayo ha. Sumama ang gustong sumama. Magpipicnic tayo."
Sabay naghiyawan sila. Mga excited din.
Kaya nagmadali na kami ni Iza pumunta sa park para makapagprepare.
Nang makarating kami, inilatag na agad namin ang tela kung saan namin ilalatag ang pagkain.
"Mukhang maraming sasama ngayon ah." banggit ni Iza.
"Mukha nga eh, unti-unti, ma-wiwin din natin sila." tugon ko.
Maya-maya pa, dumating na din yung iba naming kaklase kasama si Peter. Sya kasi yung inusap ko na sumundo sa kanila papunta dito.
"Wow, daming pagkain ah." banggit ni Trixie.
"Oo sabi ko sayo picnic ito eh." sagot ko.
"Pero bago tayo magsimulang kumain, tara munang maglaro." banggit ni Iza.
Sinabihan ko kasi sya na maglaro muna kami para naman makaclose namin ang bawat isa.
"Ayan, dahil nandito na kayong lahat, magsimula na tayong maglaro." dagdag pa ni Iza.
"Alam nyo yung larong 'We will'? Yan ang lalaruin natin. Ganto ang mechanics ng game...."
Habang nag eexplain si Iza, sinimulan ko ng tumayo para kumuha ng picture at video.
Gusto ko kasing i-document ito para naman mababalikan namin balang araw. Sobrang nagagalak ang puso ko habang pinagmamasdan silang nagtatawanan. Naniniwala akong mas higit pa na kaligayahan ang mararanasan nila once na nakilala nila at pinapasok sa kanilang puso si Jesus.At habang naririto ako na nakatingin sa kanila, ako'y nananalangin sa Diyos na gumawa ng himala sa araw na ito.
"Nag-enjoy ba kayo?" Masiglang tanong ni Iza sa kanila.
"Ang saya!"
"Isa pa ulit!"
"Mamaya ulit, maglalaro tayo. May sasabihin daw sa inyo si Karina ngayon." banggit ni Iza.
"Grabe guys, sobrang saya ko na kasama ko kayo ngayon. Kayo ba?" tanong ko sa kanila.
"Sobrang nag enjoy kami, pero pwede rin bang kumain?" tanong ni John, sabay nagtawanan sila.
"Oo naman haha. Kuha lang kayo. Habang nakain kayo dyan, may sasabihin ako sa inyo pero pwede bang mahingi ko naman ang pandinig nyo?" tanong ko sa kanila.
"Yes Pres!" sabay sabay na tugon nila.
This is it.
"May tanong ulit ako sa inyo. Sino ng nakaranas umibig dito? Taas ang kamay."
YOU ARE READING
I Prayed for You
Spiritual𝘚𝘪𝘯𝘰 𝘰 𝘢𝘯𝘰 𝘬𝘢𝘺𝘢 𝘢𝘯𝘨 𝘢𝘯𝘴𝘸𝘦𝘳𝘦𝘥 𝘱𝘳𝘢𝘺𝘦𝘳 𝘯𝘺𝘢? 𝘈𝘣𝘢𝘯𝘨𝘢𝘯 𝘮𝘰 𝘴𝘢 𝘱𝘢𝘨𝘣𝘢𝘴𝘢 𝘮𝘰 𝘯𝘨 𝘴𝘵𝘰𝘳𝘺𝘢𝘯𝘨 𝘪𝘵𝘰. Note: Before you read this, pray first. Let this story serve as a testimony of God's faithfulness and...