KARINA'S POV
Ang sarap ng simoy ng hangin na dumadampi sa aking balat.
Ganto talaga kapag maaga ka lagi.
Nalalasap mo ang sariwang hangin.
Nakakarefresh.
Lord, alam kong may gagawin ka sa araw na ito.
"I believe, Lord!" malakas kong sambit.
Wala namang tao hahahaha.
Gusto ko lang magdeclare habang naglalakad ngayon papuntang school.
"I know breathrough is coming..
By faith, I see a miracle..
My God made me a promise and it won't stop now..." kanta ko habang pinapakinggan ang worship song na aking pinapatugtog.Ang saya kapag alam mong yung pagtitiwala natin sa Diyos ay hindi nasasayang. Worth it!
Pagdating sa room, kinuha ko ang aking notebook at sinimulang magcalligraphy.
Way ko ito para kung may makakabasa, at least ma encourage sila.
Wala pa ako sa kalhati ng sinusulat ko ng makarinig akong may nagkakagulo sa labas ng room.
Dali-dali akong lumabas ng room at tinignan kung anong nangyare.
Nakakagulat.
Totoo ba ito?
Nagulat ako ng makita na nakikipagsuntukan si....
si Peter sa isang estudyante.
Di ako makapaniwala. Gusto ko syang awatin kaso may pumipigil sa akin.
"Maghintay ka." yan ang naririnig ko.
Maya maya pa lang, may umawat na sa kanila at biglang nag walk out naman si Peter dahil sa inis.
"Go!" yan ang narinig ko kaya sinundan ko si Peter.
Lord, just please help me. Hindi naman sa naaawa ako but I know the pain he is feeling.
Nakita kong umupo si Peter sa isa sa mga benches habang nakayuko. Bago ako lumapit sa kanya, bumili muna ako ng chocolate sa canteen dahil malapit lang naman.
"Oh." sabay abot ko sa kanya.
"Thanks." tipid nyang sagot.
"Di na kita tatanungin kung okay ka lang, kasi halata namang hindi. Pero gusto kong malaman mo na nandito ako para sayo. Ramdam kita. May problema din ako sa pamilya kaya naiintindihan kita."
Gusto ko lang iparamdam sa kanya ang pagmamahal ng Lord. Mukha kasing hindi na sya naniniwala kaya nakakalungkot.
"Salamat." mahina nyang sabi habang tuloy tuloy ang agos ng luha nya.
"Sige, iiyak mo lang yan. Kaso wala akong panyong maiiabot sayo ha." Gusto ko lang syang patawanin at nawa'y gumaan ang pakiramdam nya.
"Okay lang, may panyo ako." sabay ngiti nya.
"Okay lang ba na ipagpray kita? Pero kung-" naputol ang sasabihin ko ng biglang sumagot sya.
"Okay lang." tipid nyang sagot.
Iba ka Lord. Parang noon tumanggi sya sa amin nung gusto namin syang ipagpray. Siguro ito yung perfect time talaga ni Lord.
"Lord, ngayon po, aking idinudulog ang buhay ni Peter..."
Ramdam ko lalo syang naiyak. Siguro kaya sya tumanggi noong una kasi ayaw nya na makita namin syang mahina't umiiyak ng ganito.
"Lord, comfort Him right now, give Him peace. At Lord, iparamdam mo po sa Kanya na hindi sya nag iisa sa laban na ito. Iparamdam mo ang iyong pag ibig sa kanya. Release God...."
I just felt the peace of God right now.
".......Lord, salamat po. Kumilos ka sa buhay ni Peter right now. Open his heart and mind for you, Father. Sayo ko po ipinagkakatiwala ang buhay nya. Ikaw na po ang bahala. In Jesus name, Amen."
Salamat Lord. This is the stage two.
Unti unti, mabubuksan na ang puso nya para sayo.
"Salamat Karina."
"Wala iyon. Basta ha, tandaan mong mahal ka ng Diyos at hindi ka Nya iiwan ni pababayaan man. May maganda Syang plano sa buhay mo. Buhay na ganap at kasiya-siya. Tanggapin mo lang Sya bilang Diyos at Tagapagligtas at mararanasan mo ang pag ibig Nya para sayo. Wag mong hayaan na ilayo mo yung sarili mo sa Kanya. Wag ka ng lumayo. Mahal ka Nya."
Gusto ko lang talaga ipaabot sa kanya kung gaano sya kamahal ng Diyos.
"Salamat Karina."
"Alam mo, sobrang sakit lang kasi tanggapin na yung sarili mong ama, pinabayaan ka. Mama ko lang ang kasama ko ngayon at pilit na itinataguyod ako para makapagtapos. Simula 10 years old ako, nakikita ko kung gaano na sya nahihirapan hanggang ngayon. Sinisisi ko ang Diyos bakit sya pa ang naging ama ko. Nandun sya ngayon sa ibang bahay at masaya habang kami nagdudusa. Bakit ang unfair ng Diyos? Hindi ba pwedeng sumaya naman kami ng mama ko? Bakit pinagkaitan Nya kami? Tapos si Renan yung kanina. Isa sya sa naging matalik kong kaibigan. Lahat ng tungkol sa pamilya ko, alam nya. Hanggang sa isang araw, nagalit na lang sya sakin ng hindi ko alam ang rason. Kaya siniraan nya ako sa mga kaklase namin noon. Minaliit nila ako at iniwan mag isa. Wala naman sakin yun eh. Ang masakit kasi, yung matalik na kaibigan ko, tinraydor ako. Hanggang ngayon, nagtataka pa rin ako. Kanina lang, sinisiraan na naman nya ako. Sa tingin mo, dapat ko bang hayaan na sirain nya ulit ang tingin sakin ng mga tao?"
Sa wakas, nagkwento na rin sya. Kaya pala ang lalim ng lungkot na nararamdaman nya. Naipon ng naipon hanggang sa hindi na nya kinaya.
Alam kong masakit.
Alam kong hirap na sya."Naiintindihan kita Peter. Alam ko na naging sobrang sakit sayo lahat ng pangyayare. Alam mo, may rason naman ang lahat kung bakit natin yan nararanasan. Gusto ko iparating sayo na kahit ganyan ang pinagdaanan mo, mahal ka Nya. Kaya nga ginamit Nya ako para sabihin ito sayo. Di ka nag iisa. Di ka Nya pinabayaan. Kasi kung pinabayaan ka Nya, paano mo malalaman ito? Ang katotohanang may nagmamahal sayo."
Sana tanggapin mo Siya sa puso mo.
Sana tanggapin mo ang pagmamahal ng Diyos sayo.
"Paano ko ba mararanasan yung magandang plano Nya na sinasabi mo?" tanong ni Peter sa akin.
"Alam mo Peter, sabi sa John 10:10, 'Dumarating ang magnanakaw para lamang magnakaw, pumatay at manira. Naparito ako upang ang mga tupa ay magkaroon ng buhay, buhay na masaganang lubos.' Yan ang rason kung bakit napako si Jesus sa krus dalwang libo ng taon ang nakakalipas. Gusto Nya magkaroon tayo ng buhay na ganap at kasiya siya. Yan talaga ang plano ng Diyos sa atin. Kaso alam mo, dahil sa kasalanan natin, ito ang naging hadlang upang hindi natin maranasan yun plano at pag ibig Nya sapagkat ito ang nagiging malaking hadlang sa pagitan natin at ng Diyos. Pero alam mo ba, may lunas na rito sa hadlang na ito. Sabi sa John 14:6, 'I am the way, the truth and the life. No one comes to the Father except through me.' Sa pamamagitan ni Jesus, maaari na nating maranasan ang pag ibig at plano Nya. Kinakailangan mo lang tanggapin Sya sa iyong puso. Mahal ka Nya Peter kaya nais Nyang malaman mo ang mga bagay na ito. Kung pagbibigyan mo lamang Sya. Ang tanong, willing ka ba?"
Right at this moment, I know God, You're moving.
Never let this day pass without him accepting You in his heart.
"I'm willing." tugon nya.
"Sabayan mo ako sa panalangin ah. Repeat after me. Lord, ako po ay lumalapit sayo. Inaamin ko pong nagkasala ako sa iyo. Patawarin nyo po ako sa lahat ng aking kasalanan. Ngayon po, binubuksan ko ang aking puso. Tinatanggap po kita bilang aking Diyos at Tagapagligtas. Maghari ka ngayon sa aking buhay simula ngayong araw na ito. In Jesus name, Amen." sabay naming panalangin pero pagkatapos ay pinagpray ko pa rin sya.
This is the day, Lord!
And I'm excited for more young people to know you.
Lord, this school is for you!
I'm claiming it.
I'm receiving the victory.
YOU ARE READING
I Prayed for You
Spiritual𝘚𝘪𝘯𝘰 𝘰 𝘢𝘯𝘰 𝘬𝘢𝘺𝘢 𝘢𝘯𝘨 𝘢𝘯𝘴𝘸𝘦𝘳𝘦𝘥 𝘱𝘳𝘢𝘺𝘦𝘳 𝘯𝘺𝘢? 𝘈𝘣𝘢𝘯𝘨𝘢𝘯 𝘮𝘰 𝘴𝘢 𝘱𝘢𝘨𝘣𝘢𝘴𝘢 𝘮𝘰 𝘯𝘨 𝘴𝘵𝘰𝘳𝘺𝘢𝘯𝘨 𝘪𝘵𝘰. Note: Before you read this, pray first. Let this story serve as a testimony of God's faithfulness and...