Chapter 12

1 0 0
                                    


KARINA'S POV

Patuloy na lumipas ang mga araw at patuloy kaming nagkakaroon ng Campus Ministry every Friday.
Nakakabless ang Lord sa ginagawa Nya sa aming paaralan. Hindi ko inaasahan na talagang mangyayare ito. Nakita ko yung bunga ng mga bagay na aking pinapanalangin tuwing gabi.

Hanggang ngayon, naaamaze pa rin ako sa ginagawa ng Diyos sa aming section. Di talaga ako makapaniwala hanggang ngayon.

To God be the glory!

Ngayong week na ito ay ang aming Buwan ng Wika. Ang daming preparation ang kailangan naming gawin kasi kasali kami sa lalaban para sa Infomercial at BigSayWit. Tapos kailangan din naming magprepare para sa costume namin at sa mga ihahain naming pagkaing Pinoy kaya talagang busy kami kasi nitong darating na Friday na ang Araw ng Wika.

At heto nandito kami nila Iza, Peter, John, Trixie at Trisha sa may pinakalikod ng classroom at inaayos namin ang magiging costume ng klase. Yung iba kasi nagpapractice na para sa BigSayWit. Tapos mamaya, magshoshoot naman kami para sa Infomercial.

"Ganto kasi yun pre." sabay turo ni John kay Peter kung paano tatahiin ang telang hawak nya ngayon.

Natatawa tuloy ako habang nagtuturuan yung dalwa kung paano magtahi.

"Sana manalo tayo dito sa costume natin." sambit ni Trisha.

"Sure win na 'to. Ganda kaya ng design natin at ng gawa natin." banggit ni Trixie.

"Tingnan nyo yung dalwa dun, natatawa ako. Ang seryoso nila magtahi. Talagang napakadedicated eh." sabi ko.

Ang cute kasi nila tignan na natatawa ako. Makikita mo kung paanong napakadedicated nila sa ginagawa nila. Seryosong seryoso eh.

"Magseryoso din tayo sa ginagawa natin." biro ni Iza.

Kulitan at tawanan kami dito habang nagawa.

"Ang cute ng costume natin." banggit ko sa kanila.

Headdress kasi yung ginagawa namin ngayon tapos nilalagyan na namin ngayon ng mga feathers.

"Try mo nga isuot Trisha." sambit ni Trixie habang isinusukat kay Trisha.

Ilang buwan pa lang yung lumipas pero salamat sa Lord kasi nabuo yung closeness sa amin.

Sa bawat panalangin ko tuwing gabi, alam ko nagbubunga ito.
Kaya sa bawat paglapit ko sa Diyos, I come with an expectant heart na mangyayari ang dalangin ng aking puso para sa mga kaklase ko, kaibigan ko at most especially, sa pamilya ko.

"Aray!" malakas na sambit ni Peter kasi natusok sya ng karayom.

Natawa na lang ako at sinabing, "Mag-iingat ka kasi Peter kaya ka nasasaktan eh." sabay tinignan namin at baka nga seryoso yung nangyari. Pero buti na lang at konting galos lang.

"Kami na nga lang dyan. Palit tayo." sabi ni Iza. Naawa na din sa dalawa at kanina pang di matapos tapos magtahi.

"Nako, may Infomercial pa nga pala tayong kailangang gawin. Magshoot muna tayo? Kasi ieedit pa yun tapos Thursday na ang pasahan." saad ko sa kanila.

Kailangan talaga mamanage namin yung oras namin para matapos itong lahat kasi madami pa talagang kailangan iprepare.

"Oo nga, shoot muna tayo. May dala naman tayong costume so kaya naman yun ngayon since 1 minute video lang sya." dagdag ni Iza. Kaya agad kaming nagpalit ng damit para sa shooting.

Nang matapos na kaming mag-ayos ng aming mga sarili, pumunta kami sa may grounds ng school at naghanap saan maganda magvideo para maipakita na kami ay galing sa iba't ibang parte ng Pilipinas.

"Dito ka pumwesto Peter, tapos eto sasabihin mo." banggit ko sa kanya sabay inabot ko sa kanya ang script sa kanya.

Nilapitan ko si Trisha at sinabing, "Ito Trisha ang sayo, tapos doon ka sa may bandang puno na iyo kukuhanan mamaya."

Kinausap ko naman si John at sinabi sa kanya, "John, eto naman yung sayo, pakimemorize ah." sabay abot ng script.

"Trixie, Iza, ito yung sa atin. Imemorize na lang muna natin. Tsaka sinong may earphones sa inyo guys?" tanong ko sa kanila.

Biglang lumapit sa akin si Trisha at sinabing, "Eto Karina. May earphones ako."

Tapos sinubukan namin kung pwede naming gamitin bilang mic kaso di pala abot.

"Paano kaya yan?" tanong ko sa kanila.
Biglang nagsalita si Peter at sinabing, "Alam ko na!"

Tapos bigla nyang niyaya si John papunta sa may part ng school na puro kawayan. Ano kayang gagawin ng dalwang ito?

"Sige habang wala sila, i-practice na muna natin ang sasabihin natin." sabi ko sa kanila.

Maya-maya, dumating yung dalwa na may dalang manipis na kawayan.

"Ganito, akin na yung earphones. Ayan, tapos isaksak muna natin sa cellphone tapos isabit natin dito sa kawayan para hindi makita sa video." pag iinstruct sa amin ni Peter.

"Sige nga try, try." masiglang tugon namin nila Iza.

"Okay, rolling. Lights, camera, action."

"Sarilig sao indayum tinaum." salita ni Iza habang kinukuhanan sya ng video.

"Cut, pakinggan muna natin." sabi ko.

At ayun, pinakinggan muna namin yung video bago tumuloy.

"Aba, galing ah. Napakahusay nila Peter." masiglang tugon ni Iza pagkatapos panuorin ang video.

"Husay nyo Peter at John." tugon ko sabay apir sa kanila.

At ayun, nagtuloy tuloy na kaming magshoot ng video hanggang hapon. Medyo natagalan kami kasi puro tawanan at puro biruan ang nangyari.

Nang matapos kami magshoot, umupo muna ako sa isa sa mga benches dito sa school ground. Medyo napagod ako eh. Iniisip ko kung paanong edit ang gagawin ko.

"Oh." sabay abot sa akin ni Peter ng inumin.

"Uy, salamat dito." tugon ko.

Umupo rin sya sa tabi ko at nagsalita, "Ang saya 'no. Ilang buwan pa lang ang nakakalipas pero madami na agad ang nangyari."

"Oo nga eh. Iba talaga kumilos si Lord eh. Dahil rin ito sa matyagang panalangin natin sa Kanya." tugon ko.

Tumingin sya sa iba naming kasama at sinabing, "Salamat talaga sa Diyos dahil sa buhay mo. Ikaw ang tumulong sa bawat isa sa amin na lumapit sa Diyos at magbago."

Tumingin ako sa langit at sinabing, "Ganun kasi tayo kamahal ng Diyos. Sobra yung naranasan kong pag-ibig mula sa Kanya kaya gusto ko ring maranasan ng iba."

"Hindi ko nais na mapahamak ang iba kaya gagawin ko ito kasi mahal tayo ng Diyos." dagdag ko.

"Oo nga eh, sobrang lawak kasi ng pag-ibig Nya. Yung kahit di natin deserve pero inibig pa rin Nya tayo." tugon ni Peter.

"Oo nga eh, sya tara na para makauwi na tayo."

"Okay guys, pack-up na tayo para makauwi na rin tayo. Medyo hapon na eh." sabi ko kaya nagsimula na kaming magligpit ng gamit.

Natapos na kaming magligpit at mag ayos kaya nagpaalam na kami sa isa't isa.

"Byee!" paalam namin sa isa't isa.

Nang makasakay na ako ng jeep, nagulat ako dahil may biglang kumalabit sa akin sa likod. Lumingon ako kaso puro naman sila nagcecellphone. Sino kaya yun? Alam ko kung anuman yun, di ako pababayaan ng Diyos.

Maya-maya, may kumalabit ulit sa akin. This time, nakita ko na sya.

Kasabay ko pala sya sa jeep na ito?

Saan kaya sya papunta?

I Prayed for YouWhere stories live. Discover now