KARINA'S POV
"Goodmoring Peter!" bati ko sa kanya pagpasok ko ng room.
Napapadalas ata na maaga sya ah.
"Goodmorning Karina!" nakangiting bati nya.
Mukhang iba ang ngiti nya ngayon. Yun bang totoong masaya talaga sya.
Iba talaga kumilos si Lord eh.
"Kamusta?" tanong ko sa kanya.
"Simula kahapon, kakaiba yung pakiramdam ko. Kahit andaming nangyare sa buhay ko noon, ewan ko bakit sobrang saya ko. Di ko mapigilang ngumiti." masayang masayang pagkekwento sa akin ni Peter.
Dito ko talaga nakikita na grabe kapag pinanalangin natin sa Diyos at kapag nagtiwala lang talaga tayo sa Kanya.
"Dahil sa Lord yan, Peter. Masaya ako para sayo. Gusto mo pa ba lumago sa Lord?" tanong ko sa kanya.
"Oo naman." todo ngiti pa sya dyan.
"Sige, sama ka samin ni Iza this coming Friday. Dyan lang tayo sa may mga bench. Okay lang sayo?" tanong ko sa kanya.
"Sige, sasama ako sa inyo."
"Wow! Praise God! Aasahan ko yan ha. O heto, basahin mo." sabay abot ko ng papel sa kanya na ni-lettering ko kagabi.
"Itago mo ha, baka gamitin yan ni Lord para iremind ka." dagdag ko pa sa kanya.
"Salamat dito ah. Itatago ko ito."
"Sya sige, punta lang ako sa may CR haha." paalam ko sa kanya.
Gusto ko rin kasi muna maglibot sa school since maaga pa naman. Gusto kong ideclare ang gagawin ng Diyos sa school kong ito.
"Aray!" malakas na sigaw ko.
Ang sakit kasi ng pagkakatulak nya na nagdahilan para matumba ako.
Pero wait, napapdalas ata ang pagtulak sa akin ng mga tao haha. Pero okay lang.
"sorry, sorry talaga." sabay takbo nya ulit. Mukhang may humahabol sa kanya.
Teka.
Si ano yun eh.
Kaklase ko rin yun.
Ah oo, tama.
Si Tristan yung tumatakbo. Pero sino kaya yung humahabol sa kanya? Mukhang takot na takot sya eh.
Okay Lord, may susunod na naman na makakakilala sayo.
Pero Lord, iligtas mo po sya ngayon.
Maya maya, may nag abot ng kanyang kamay para tulungan akong tumayo.
"O bat ka naman dyan umuupo? Halika nga. Tumayo ka." sabay abot ko sa kamay ni Iza.
"May tumulak kasi sa akin. Si Tristan. Ang lakas ng pagkakatulak nya sa akin kaya napaupo ako." kwento ko kay Iza.
"Matagal ng may humahabol sa kanya. Alam mo ba nakita ko yung mga yun na binubully sya sa may canteen. Pinapabili ng maraming pagkain mula sa mismong pera ni Tristan. Alam mo naaawa nga ako sa kanya. Lagi syang ginaganyan eh." bigla tuloy ako nalungkot para sa kanya. Pero alam kong may magagawa ang Diyos.
"Ipagpray na lang muna natin sya." tugon ko.
Bumalik na kami sa room dahil magsisimula na ang klase.
***RRRRRRRRRIIIIIIIIINNNNNGGGGG***
Sign lang yan na tapos na ang klase. Kaya agad agad na nagsilabasan ang mga kaklase ko.
"Karina, Iza, tara kain tayo sa labas bago umuwi?" yaya sa amin ni Peter.
"Wow, iba ka na Peter ah. Sige ba!" mabilis na sagot ni Iza.
Syempre libre eh. Pero dapat kami ang nanglilibre eh.
"Ano ka ba Peter? KKB ha. Walang kokontra. Kapag KKB, sasama ako." sagot ko sa kanila.
"Sige, gusto ko lang kasi makaclose kayo eh." nahihiyang sagot nya sa amin.
Pagdating namin sa Mcdo, agad kaming naghanap ng pwesto. Malapit lang kasi ito sa school kaya ito ang napili namin.
"Anong gusto mo Iza? Ako na ang mag oorder sayo." sambit ko kay Iza.
"Sige ako na bantay ng gamit natin dito. Fries at sundae lang ang akin." sagot nya.
"Ayaw mo ng burger?"
"Okay na ako dun." sabay ngiti nya.
Nagpunta na ako sa counter kung saan nakapila ngayon si Peter. Mukhang namimili pa sya kung ano ang ioorder nya.
At dahil namimili pa sya, ako na ang nauna.
"What's your order, Ma'am?" tanong sa akin sa cashier.
"2 fries po at 2 sundae."
"Anything you want to add po?"
"Okay na po yan."
"Repeat ko lang po ang order nyo. 2 fries at 2 sundae po."
"Yes po." sabay abot ko ng bayad.
"Sige po pakiwait na lang po sa may gilid.
Ayun, naghintay na lang ako sa may gilid para sa aming order. Habang si Peter naman ay umoorder na.
"Number 307. Here's your order!"
Pagkarinig ko noon ay lumapit na agad ako para kunin yung order namin at saka nagpunta sa aming table.
"Sukli mo bes." sabay abot ko sa kanya ng sukli at ng pagkain nya.
"Alam mo may nakalimutan tayo. Wala tayong drinks hahaha." sabay tawa namin.
"Yaan mo na, may ice cream naman." sagot ko.
Nakakamiss din yung paglabas naming gantong dalwa eh. Madalas kasi kaming nagbobonding last year. Nagfofoodtrip kami. Eto yung way namin para mas maging malalim yung relasyon namin bilang sisters in Christ. Iba din kasi yung nagagawa kapag meron kang kasama gawin yung pinapagawa ng Diyos. Kaya sobrang thankful sa buhay ni Iza. Nakilala ko lang sya sa church at ngayon magkaklase na kami. Napakabuti talaga ng Diyos.
"Para sa inyo to" sabay abot ni Peter ng Milk Tea sa amin ni Iza.
Fave ko ito eh. Yung Classic Milk tea.
Namiss ko itooo.
"Wow, thank you Peter!" sabay naming sabi ni Iza.
"Pasasalamat ko sa inyo yan dahil tinulungan nyo akong makilala si Lord."
Wow Lord. Kakaiba ka po talaga.
Sobrang unexpected nito. Wala naman akong hinihinging kapalit sa ginagawa ko pero binebless mo pa rin ako Lord."Wala yun ha. Mahal ka kasi ng Lord at ayaw nya na malungkot ka. Kaya smile ka lagi ha." sagot ko kay Peter.
"Alam mo ba simula nung araw na yun, naniniwala akong tutulungan nya ang mama ko. Basta yun ang tiwala ko." sagot sa amin ni Peter.
"Alam mo ba Peter, walang imposible sa Lord. Itong si Karina, simula bata pa yan ay nag aaway na palagi ang magulang nyan hanggang ngayon pero hindi siya tumigil manalangin. Alam mo ngayon, nakakilala na ang kapatid nya sa Diyos. Pero naniniwala kami na someday, buong pamilya na sila." sabi ni Iza.
Simula kasi nung nakilala ko si Iza, sya ang naging prayer partner ko. Pinapanalangin namin ang isa't isa kaya open kami.
"Wow. May matindi ka palang pinagdadaanan e. Pasensya na Karina, Iza ha. Pero totoo akong nagpapasalamat sa inyo."
"Para sa Lord!" sabay naming banggit ni Iza.
Para sayo Lord ang laban na ito.
YOU ARE READING
I Prayed for You
Spiritual𝘚𝘪𝘯𝘰 𝘰 𝘢𝘯𝘰 𝘬𝘢𝘺𝘢 𝘢𝘯𝘨 𝘢𝘯𝘴𝘸𝘦𝘳𝘦𝘥 𝘱𝘳𝘢𝘺𝘦𝘳 𝘯𝘺𝘢? 𝘈𝘣𝘢𝘯𝘨𝘢𝘯 𝘮𝘰 𝘴𝘢 𝘱𝘢𝘨𝘣𝘢𝘴𝘢 𝘮𝘰 𝘯𝘨 𝘴𝘵𝘰𝘳𝘺𝘢𝘯𝘨 𝘪𝘵𝘰. Note: Before you read this, pray first. Let this story serve as a testimony of God's faithfulness and...