KARINA'S POV
Saturday ngayon kaya walang klase.
Balak ko sanang igala ng mga kapatid ko sa park pagkatapos ng gawaing bahay dahil malapit lang naman ito sa amin.
At dahil unang buwan pa lang ng klase namin, wala pang masyadong school activities.
"Lara, Grace, tara sa may park mamaya. Gusto nyo?" tanong ko sa kanila.
Para namang maarawan kami. Vitamin D na rin.
"Opo ate." masayang sagot ni Grace.
"Sya, paalam tayo kay mama kung papayagan tayo." dagdag ko.
Syempre, kelangan muna ng permiso ng magulang bago umalis at baka hanapin kami eh.
"Sige ate, ako na ang magpapaalam kay mama." sagot ni Lara.
Habang naghihintay, nanood na muna kami ng TV ni Grace.
"Ate, gusto ko din maging katulad ni Sofia the first, prinsesa." biglang sabi ni Grace sakin.
"Prinsesa ka naman namin bunso." tugon ko at sabay kiss ko sa kanyang pisngi para naman maramdaman nya na love ko sya.
"Edi meron din ako ate na gown?"
Saan kaya ako kukuha ng gown? Hahaha.
"Yaan mo bunso, kapag may trabaho na ako. Ipaggagawa kita ng gown."
"Yey ate!" sabay yakap ulit sa akin.
"Ate, pwede daw sabi ni mama." biglang sabi ni Lara pagkarating nya sa sala.
"Ay sya tara na!" tugon ko.
*****
Ngayon ay naglalakad na kami papunta sa park habang magkakahawak kaming tatlo.At noong makarating na kami, nagsimula ng magsitakbo ang dalwa papunta sa mga slides. Habang ako, binabantayan ko lang silang dalwa.
Maya maya pa'y may tumama na bola sa likod ko.
"Aray!" sambit ko. Sobrang lakas kasi ng pagkakatama sa akin at napaiyak ako sa sakit. Pagkakita ko ay bola pala ito ng volleyball. Napaupo na lang ako kasi ramdam na ramdam ko talaga yung hapdi.
"Sorry ate." biglang lapit sa akin siguro nung pumalo ng bola.
Nagulat ako pagkakita ko ay si......
Peter?
"Ikaw pala yan Karina. Pasensya ka na, di ko talaga alam na sayo tatama yung bola. Pasensya na talaga. Paano ako makakabawi sayo?" sabi ni Peter.
Mukhang sincere talaga sya. Pero dahil masakit nga, di ako makapagsalita. Feeling ko lalong sasakit kapav gumalaw ko. Kaya nanatili ako sa pwesto ko.
"Pasensya na Karina." ulit nya.
"Alalayan kita patayo. Doon tayo sa may bench umupo." dagdag pa nya.
Unti unti, nakatayo naman ako dahil tinulungan nya ako. Grabe ang sakit talaga. First time mangyare ito sa akin.
Wait. Yung mga kapatid ko.
"Hala nasan ang kapatid ko?" nag aalala kong tanong.
"Wag ka mag alala Karina. Nandoon pa rin sila at naglalaro." sagot ni Peter.
Teka, di ko pa naman pinapakilala sa kanya yung mga kapatid ko eh. Sigurado kaya sya?
"Wag ka mag alala, nakita ko kayo kanina nung nasa gate kayo papasok ng park. Nakilala ko agad ang itsura nila." sagot ni Peter.
YOU ARE READING
I Prayed for You
Spiritual𝘚𝘪𝘯𝘰 𝘰 𝘢𝘯𝘰 𝘬𝘢𝘺𝘢 𝘢𝘯𝘨 𝘢𝘯𝘴𝘸𝘦𝘳𝘦𝘥 𝘱𝘳𝘢𝘺𝘦𝘳 𝘯𝘺𝘢? 𝘈𝘣𝘢𝘯𝘨𝘢𝘯 𝘮𝘰 𝘴𝘢 𝘱𝘢𝘨𝘣𝘢𝘴𝘢 𝘮𝘰 𝘯𝘨 𝘴𝘵𝘰𝘳𝘺𝘢𝘯𝘨 𝘪𝘵𝘰. Note: Before you read this, pray first. Let this story serve as a testimony of God's faithfulness and...