Chapter 17

5 0 0
                                    

KARINA'S POV

Friday na ng hapon ngayon.
Nandito kami sa isang tabi at nagpapractice para sa magiging audition mamaya.

Halatang halata sa bawat isa yung kaba at excitement.

"Guys, kaya natin ito with the Lord." pagchecheer up ko sa kanila.

"Hindi natin ito gagawin para sa ating sarili kundi para sa Lord, na kahit sa pamamagitan ng kanta, makilala nila ang Diyos na mayroon tayo. At dahil dyan, magpray muna tayo." dagdag ko.

At nagsimula na nga kaming magpray para sa magiging audition namin.

"....Lord, we are doing this for you alone. That's why Lord, we humble ourselves today na sa pag awit naming ito. Maranasan at makilala ka ng mga taong makikinig. Hindi kami ang maitaas, kundi ikaw Panginoon sa aming buhay. Mangyari po ang kalooban mo. Sa iyo namin ibinabalik ang mataas na papuri't pasasalamat, in Jesus name, AMEN!"

"AMEN!"

"Next, Team Army na po!" tawag ng nag aassist.

Army yung name na ni-register ko kasi yun ang name ng aming Campus Ministry group.

"Go guys" isa isa nilang banggit.

This is for you, Lord.

Pagkarating namin sa unahan ng judge, inayos na namin ang aming pwesto at ang pag uupan ko para makapaggitara ng ayos.

Ramdam ko yung sobrang kabog ng aking puso.

Dugdug.
Dugdug.

Masyadong kinakabahan ako at pakiramdam ko, ganun din ang mga kasama ko ngayon.
Pero naniniwala akong kikilos ang Lord sa mga puso ng bawat makakarinig ng worship naming ito.

"You're Team Army, right?" tanong ng isang judge.

"Yes po!" sagot ni Trisha.

"Okay, you may start."

Heto na...

Dugdug.

Sana di ako magkamali sa pagtugtog.

Humarap sa amin si Trisha at sinabing, "Start na guys."

Habang kami ay umaawit, nararamdaman ko yung presensya ng Diyos.

Nireremind kami ng awiting ito na kami ay mahal Niya at ng identity namin bilang Kanyang anak.

At sabay sabay naming kinanta ang huling linya ng kanta, "That's who you are and I'm loved by You.."

Woah! Nakahinga na rin ako ng maluwag.
Medyo nagkamali pa nga ako kanina dahil nanginginig talaga ako pero tuloy pa rin.

"Okay, thank you Team Army." sabi nung first judge. Di ko kasi sila kilala.

"It was a heart felt performance. Magaling kayong kumanta at talagang kinikilabutan kami noong kumakanta kayo kanina. Worship talaga ang datingan nyo. But I'm sorry, we'll have to say no. Til' next time again. Thank you Team Army."

Sabay sabay na kaming umalis at kasabay nito ay ang pagsabi ni Trisha ng "Sayang naman."

Malungkot siya alam ko dahil pangarap niya ito pero naniniwala akong hindi sayang ang pagkakataon na ito.

"Okay lang yan guys, at least nagtry tayo diba?" pagchecheer up ko sa kanila.

Humarap din sa amin si Iza at sinabi, "Oo nga guys, ang mahalaga ay ginawa natin ang best natin."

Agad naman kaming sinalubong nina Peter at John. Ayun, abang na abang sila kung nakapasa ba kami sa audition.

"Kamusta? Nakapasa ba kayo sa audition?" tanong ni Peter.

I Prayed for YouWhere stories live. Discover now