KARINA'S POV
Wednesday na ngayon at mayroon kaming Breakthrough Night of Worship mamaya.
At heto kami ngayon, nandito sa classroom dahil mayroon kaming klase. 7pm pa naman ang start nya at 4pm naman ang tapos ng klase kaya mayroon pa kaming 3 oras na free time.Kasalukuyan kaming nagsasagot ng activity sa Math kaso di ko talaga magets kung paano isosolve kaya tinawag ko si Iza at tinanong ng pabulong, "Iza, paano ba ito?"
Tumingin siya sa akin na nagtataka at sinagot ako, "Hindi ko rin alam eh. Pasensya ka na. Inaaral ko pa rin ngayon."
Kaya bumaling ako sa kaliwa ko at tinanong si Peter, "Peter, psst. Alam mo kung paano ito?"
"Madali lang yan. Logic lang yan eh." sagot niya.
Kaya naman hindi ko magets. Mahina ako sa logic eh.
"Paturo naman kung paano oh. Kanina pa ako sa number 1 kasi di ko talaga magets."
Kanina pa talaga ako dito. Mga 30 minutes ko na atang binabasa ng paulit ulit yung tanong kaso wala talaga eh.
"Ganto kasi yun..." at nagsimula na siyang turuan ako.
At habang ineexplain niya, unti unti kong nakukuha kung paano ito isosolve.
"Ganun lang pala yun. Salamat Peter." syempre pabulong ko pa rin na tugon.
Ngumiti lang siya sa akin bilang response.
Kaya nagmadali na akong magsagot kasi 30 minutes na lang ang natitira para masagot ko ito.
"Okay class, pass your activity." sabi ng teacher namin. Kaya binilisan ko na ang pagsasagot.
"Karina, bilisan mo." sabi ng nasa unahan ko kasi by column ang pagpapasa. Nagmadali lalo ako para matapos ko na.
"Yes!" sabi ko after kong masagutan lahat at agad na iniabot sa nasa unahan ko.
"Thank you Peter at natapos ako magsagot." sabi ko kay Peter na nasa kaliwa ko ngayon.
Ngumiti lang siya sa akin.
Thank you Lord!*********
Uwian na pero may 3 oras pa kaming maghihintay bago magsimula ang Breakthrough Night of Worship. Kasama ko ngayon sina John, Trisha, Trixie, Iza at Peter. Sila pa lang kasi yung pinayagan sa kanila na sumama sa amin ngayon.
"Saan tayo ngayon?" tanong ni Trisha sa amin.
"Wala akong maisip saan maganda tumambay eh." tugon ko.
"Alam ko na" biglang sabi ni Peter tapos bigla siyang nagyaya na sundan siya. Kaya, sinundan namin siya at doon pala siya papunta sa park kung saan una kaming nagkaroon ng Campus Ministry.
"Parang kailan lang, nagsisimula pa lang tayo dito." banggit ni Iza pagkarating namin sa park.
Umupo ako sa tabi ni Iza at sinabing, "Oo nga eh. Pero ilang buwan pa lang ang nakakalipas simula nung araw na iyon."
"Okay guys, sino ang may gusto? May dala akong chips dito." sabi ni Trisha sabay labas ng chips mula sa bags niya.
"Ako!"
"Pahingi!"
Nag una-unahan na sila sa pagkuha ng pagkain mula kay Trisha. Pag pagkain talaga. Nako!
Habang nagkakagulo sila sa pagkain doon. May nakita akong pamilyar na mukha sa may swing. Siya yung Grade 7 na nakabangga sa akin noon eh. May nagsasabi saking puntahan ko siya kaya ginawa ko'y nilapitan ko siya at tinabihan."Hi, tanda mo pa ako? Ako nga pala si Ate Karina." bati ko sa kanya.
Sana nama'y tanda niya pa ako.
YOU ARE READING
I Prayed for You
Spiritual𝘚𝘪𝘯𝘰 𝘰 𝘢𝘯𝘰 𝘬𝘢𝘺𝘢 𝘢𝘯𝘨 𝘢𝘯𝘴𝘸𝘦𝘳𝘦𝘥 𝘱𝘳𝘢𝘺𝘦𝘳 𝘯𝘺𝘢? 𝘈𝘣𝘢𝘯𝘨𝘢𝘯 𝘮𝘰 𝘴𝘢 𝘱𝘢𝘨𝘣𝘢𝘴𝘢 𝘮𝘰 𝘯𝘨 𝘴𝘵𝘰𝘳𝘺𝘢𝘯𝘨 𝘪𝘵𝘰. Note: Before you read this, pray first. Let this story serve as a testimony of God's faithfulness and...