KARINA'S POV
Pagkauwi ko sa bahay, dumeretso agad ako sa Prayer room ko, ang aking kwarto.
Agad akong lumuhod sa Panginoon.
"Lord, salamat!" I said with my two hands lifted high habang nakaluhod.
Right now, I just want to give back all the glory to God!
Alam ko nagcecelebrate ngayon sa langit dahil ang isang makasalanan ay nanumbalik sa Diyos.
It's all because of His love and grace.
"And it's You, we adore...
Singing Hallelujah, in praise..." awit ko ng pasasalamat sa Panginoon.Ito yung pinakamasarap sa pakiramdam. Yung may nakakilala sa Diyos pero alam mo sa sarili mo na hindi mo ito magagawa kung hindi dahil sa Kanya.
Kaya ngayon, I don't want to take the credit.
I just want to go back to the Lord and humble myself and celebrate this day for this victory!
After kong manalangin, nag ayos na ko ng sarili ko at pumunta sa may sala. Naabutan ko silang lahat na naroon.
Masaya akong makita na ganto kami.
Walang alitan.
Walang bangayan.Ang peaceful.
Habang pinagmamasdan ko sila isa isa, nakikita ko kung anong kayang gawin ng Diyos sa aming pamilya.
One day, sama sama kaming magpupuri sa Kanya.
One day, sama sama kaming mananalangin.
One day, sama sama kaming magkakaroon ng daily devotion.
One day, sama sama kaming magchuchurch.Ngayon pa lang. I'm claiming the victory over my family.
"Kain na tayo. Gutom na ko!" biglang sabi ni Grace kaya lahat kami nagtawanan.
Gabi na rin kasi at oras na para maghapunan. Kaya nagsipuntahan na kami sa kusina upang ihanda ang pagkain at mga pinggan.
Nang matapos kami maghanda, lahat ay nagsi-upo na sa kanya kanyang pwesto.
"Pray po tayo?" tanong ko sa kanila.
"Sige nak, pangunahan mo." malumanay na tugon ni papa.
"Lord, thank you po sa blessings na meron kami sa aming harapan. Salamat po dahil tapat ka na nagkakaloob nito sa amin. Panginoon, linisin mo po ang pagkaing aming nasa harapan at gawin mo po itong kalakasan sa amin. At nawa po'y sa susunod pa ay pagpalain mo pa po kami ng aming kakainin. Salamat po. In Jesus name, Amen!"
"Amen!" sabay sabay naming sabi.
"Kainan na!" sabay na banggit ni Grace at Lara. Mukhang excited na excited kumain kasi masarap ang ulam haha.
Nang matapos kami kumain at maglipit, dumeretso ako sa aking kwarto.
Nagmumuni muni.
Ganto lagi ang habit ko. Nagseself reflection ako sa mga bagay na nangyare sa araw na ito.
Naalala ko tuloy kanina dahil sa sobrang saya ko, kumakanta ako habang naglalakad pauwi kaya pinagtitinginan ako ng mga tao. Siguro baka sa pandinig nila ay wala ako sa tono haha. Pero masaya ako eh. Gusto kong purihin si Lord kahit sa harap ng maraming tao. Sa puso naman nakatingin si Lord. Napaka expressive ko lang talaga ngayong araw. Di ko mapigilan eh.
Nagsimula na akong magdevotion.
Dinala ako ng Lord sa book of Luke.
Binabasa ko ngayon ang chapter one hanggang sa tumatak sa akin ang verse 45. Sabi rito, "Blessed is she who believes that the Lord would fulfill His promises to her!" Talagang nangungusap ang Lord sa akin ngayon. Napakapalad natin na umaasa sa Kanya kasi we know that whoever trust in the Lord will never be put to shame. Hindi mawawalan ng saysay yung pagtitiwala natin sa Panginoon. Meron tayong mga panalangin na hindi pa Nya tinutupad but take heart, wag kang mawawalan ng pag asa.Ang sarap talaga sa pakiramdam ng naglalaan ng oras para sa Panginoon.
Nakakarefresh.
Nakakagaan ng loob.
Kaya talagang sa isang araw, hinding hindi pwede na hindi ako magdedevotion.
Kaya ngayon bago ako matulog, syempre di ko kakalimutang ipanalangin ang pamilya ko, ang kaibigan ko at ang school. Syempre palagi silang kasama sa panalangin ko. Alam ko, one day, magkakasama kaming magpupuri sa Lord.
Umaasa ako sa Kanya na hindi Nya ako bibiguin.
Yan ang confidence ko.
YOU ARE READING
I Prayed for You
Spiritual𝘚𝘪𝘯𝘰 𝘰 𝘢𝘯𝘰 𝘬𝘢𝘺𝘢 𝘢𝘯𝘨 𝘢𝘯𝘴𝘸𝘦𝘳𝘦𝘥 𝘱𝘳𝘢𝘺𝘦𝘳 𝘯𝘺𝘢? 𝘈𝘣𝘢𝘯𝘨𝘢𝘯 𝘮𝘰 𝘴𝘢 𝘱𝘢𝘨𝘣𝘢𝘴𝘢 𝘮𝘰 𝘯𝘨 𝘴𝘵𝘰𝘳𝘺𝘢𝘯𝘨 𝘪𝘵𝘰. Note: Before you read this, pray first. Let this story serve as a testimony of God's faithfulness and...