KARINA'S POV
Recess na ngayon. Kaya nasa canteen kami ni Iza para kumain.
"Iza? May naramdaman ka bang kakaiba nung dumating si Peter kanina? I mean not in a negative way but I can sense na it's in a positive way." tanong ko.
"Ikaw Karina ha. Yiieee. Baka naman, ikaw ha." napaface palm na lang ako sa sinagot nya sakin.
"Iza, wala pa yan sa isip ko, okay? Di ba meron pa tayong kelangang ifulfill na vision?"
Totoo naman eh. Eto talaga ang nasa isip ko.
"Jinojoke lang kita Karina. Seryoso mo eh. Malay mo may gagawin talaga si Lord, diba?"
I know she has the same feeling with me.
"Look, Karina. Diba si Peter yun?" sabay turo ni Iza sa kabilang side ng canteen.
We saw Peter alone. Sabagay, first day pa lang naman nya kaya wala pa syang kaibigan.
"Pray muna tayo then after, lapitan natin sya?" excited na tugon ko kay Iza.
"I agree with that."
Kaya agad kaming tumungo at nagpray ng magkasama.
"Lord, we know you are here moving in our midst. I know Father, you know the deepest desire in our hearts to share you in this place. God, helps us win Peter right now. Open his heart, his mind and his ears as he listen to your word. And Lord, as we speak, hayaan mong Ikaw po ang magsalita sa aming kalagitnaan. Ikaw po ang maitaas. We claim the victory Lord! In Jesus name, Amen!" I just prayed with expectations that God will really move right at this moment.
"Tara na Karina!" excited na sabi ni Iza sa akin.
"Hi Peter!" masiglang bati ni Iza.
Talagang excited kami sa pinapagawa ng Diyos. Kaya bakit kami mahihiya? Para sa Lord itong ginagawa namin.
"Uhh. Hello. Sorry nakalimutan ko ang pangalan nyo." sagot sa amin ni Peter.
Normal lang naman yun kasi bago lang sya.
"Hi, ako nga pala si Karina at sya naman si Iza. Gusto ka sana namin maging kaibigan, okay lang?"
Lord, please. Sana okay lang sa kanya.
"Okay." cold na sagot ni Peter sa amin.
This time parang napipilitan sya. Pero no, hindi kami titigilan hangga't di ka naman na-wiwin Peter. This is just the stage one.
Let's win this, Lord.
"Kapag pala may questions ka, feel free to ask us, Peter. Since katabi mo lang kami, madali mo lang kaming ma-aapproach." masigla pa rin sabi ni Iza kay Peter.
"Yeah, thanks." tipid na sagot nya.
"If you don't mind, can we share this table with you?" magalang na tanong ko kay Peter.
Sana okay lang sa kanya. Gusto rin kasi naming maging kaclose sya. Mukhang may pinagdadaanan sya kasi right now na kaharap namin sya, mukhang malungkot sya deep inside.
"I don't mind." tipid na sagot nya sa akin.
"No matter what you're going through Peter, I want you to know that God loves you and He has a wonderful plan for your life." di ko na napigilan, kelangan malaman nya ang katotohanang ito.
"Really? Kung totoo yan, bakit kami inabanduna ng sarili kong ama?" sabay walk out nya.
Kaya pala nadiscern ko na may pinagdadaanan nga sya. Now I know, I'll never stop praying na makilala mo si Jesus.
Naalala ko noong mga panahon na nasa katatayuan nya ako. Once ko ng naramdaman na mapagkaisahan ng sarili kong pamilya. May pamilya ka nga, pero iba ang tingin nila sayo. Para akong black sheep sa pamilya. Hindi nila ako pinapaniwalaan kahit nagsasabi na ako ng totoo. Tapos kapag may binibili ang magulang ko, laging ang kapatid ko lang ang meron. Tapos sa kaibigan naman, hindi ako pinalad na magkaroon ng totoong kaibigan. Lahat sila sinisiraan ako.
Yung pakiramdan ko noon, wala akong kakampi, mag isa lang ako at walang may gusto sa akin. Yun ang naging dahilan bakit ako naging maldita, rebelde at nagseself-harm. Hindi ko makita yung worth ko. At siguro, ganun din yung nararamdaman ni Peter dahil inabanduna sya ng sarili nyang ama. Alam ko kung gaano kasakit iyon. Pero once na nakilala nya si Jesus, naniniwala akong Sya ang pupuno ng puso nya. Ipaparamdam ng Diyos ang kanyang pag ibig sa kanya.Kaya Lord, kumilos ka po sa puso ni Peter.
Iparamdam mo sa kanya na hindi sya nag iisa.Ngayon pa lang, iclaim the victory over his life!
YOU ARE READING
I Prayed for You
روحانيات𝘚𝘪𝘯𝘰 𝘰 𝘢𝘯𝘰 𝘬𝘢𝘺𝘢 𝘢𝘯𝘨 𝘢𝘯𝘴𝘸𝘦𝘳𝘦𝘥 𝘱𝘳𝘢𝘺𝘦𝘳 𝘯𝘺𝘢? 𝘈𝘣𝘢𝘯𝘨𝘢𝘯 𝘮𝘰 𝘴𝘢 𝘱𝘢𝘨𝘣𝘢𝘴𝘢 𝘮𝘰 𝘯𝘨 𝘴𝘵𝘰𝘳𝘺𝘢𝘯𝘨 𝘪𝘵𝘰. Note: Before you read this, pray first. Let this story serve as a testimony of God's faithfulness and...