Seven pt. 1

492 11 0
                                        

Daniel's POV

We just arrived at the Net Lima building where Kath bought a floor for her HQ. She is an Interior Designer, her career started in the US. Ngayon, she has her own HQ na din dito sa Pinas with all her Pinoy employee.

"This will be quick." Sabi ni Kath as we walk inside the elevator.

Kath and I arrived at the 10th flr of the building. Sinalubong kami ng mga inspectors. Inabutan kami ng helmet bago pumasok sa inaayos na area.

Sumabay si Kath sa lakad ng mga inspector and medyo naiwan ako sa likod. They stopped by the window at dun sila nag-continue mag usap. Even in a silhouette, I can still see how pretty Kath is. I really admire her and her hardwork. Pinatunayan nyang she can stand on her own kahit pa na dala nya ang surname sa isa sa mga front runner ng business industry.

After an hour, Kath and I headed to a coffee shop sa ibaba ng building.

"Thanks sa pagsama, DJ." Sabi nya saken as we walk around.

"Walang anuman." Sagot ko bago uminom ng iced coffee.

We sat at a bench na nakaharap sa kalsada. Buti na lang at hindi mainit sa area na 'to.

"So, you're staying here for good?" Tanong ko.

"I'm not sure." Napatingin ako sakanya dahil sa sagot na ito.

"E diba magbubukas ka ng HQ mo dito?"

"Oo." She answered. " Pero I don't want to stop there."

"You already made your name, Kath." Sabi ko sakanya. "Lahat kami proud sayo."

"Salamat." She smiled at me. "I just want to do more."

Hindi ko alam kung ano pang gustong gawin ni Kath. Pero alam ko lang, I want to be there for her, every step, every milestone, success, failure. Lahat.

Gusto kong makasama sya sa lahat ng ngiti, iyak at pagod sa pag abot pa ng mga gusto nyang maabot para sa sarili nya.

Teka? Ganito na ba talaga kalakas ang tama ko kay Kathryn San Juan?

Later on, bumalik na din kami ni Kath sa hotel.

Enrique's POV

I opened my eyes and agad kong nakita ang clock. Shoot, hapon na pala. Last night was a mess. Last night is painful. Umupo ako sa kama to get my composure kung babangon ba ako or what.

I went out of my room and si Daniel ang sumalubong saken. He just entered the main door.

"Where'd you go?" Tanong ko.

"Pumunta kami ni Kath sa BGC." Sagot ni DJ. "Tinignan lang namin ang HQ nya."

I headed to the kitchen to check if may makakain pa.

"Hapon ka nanaman bumangon?" Tanong nya. "Napano ka nanaman?"

Umupo kami ni Daniel sa dining area.

I let out a sigh before looking at him.

"Liza and I talked last night." Sabi ko, na ikinagulat naman ni Daniel.

"Oh, anong nangyari?"

"Wala." Dismayado kong sagot.

"Kuya, bakit ba kase talaga kayo nagbreak ni Liza?" He asked for the nth time. "Hanggang ngayon hindi namin alam kung anong nangyari."

I was about to tell them what happened nung nasa Batangas kami. Pero natakot ako, natakot ako sa magiging reaction ng mga kapatid ko pag nalaman nila ang totoo.

Collide || FinishedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon