Twelve

376 13 4
                                    

A/N: another surprise for you guys! Comment nyo saken/dito pag nahanap nyo ;)

Seth's POV

Dumating ang Monday and papasok na kami ulit sa school. Car muna ni Kyle ang ginamit namin since hindi pa ako makapag-drive ng maayos.

Naiwan sa hotel si Andrea since may lagnat pa din sya. Dala naman ni Francine ang medical note from a family doctor na pinapunta nila sa Ascott nung Sunday.

Dumerecho ako sa homeroom since hinatid pa ni Kyle si Francine sa homeroom nila. Nakaupo ako sa upuan ko when a figure came in front of me. I looked up and si Darren pala ito.

"How's your arm?" Tanong nya saken after nyang tignan ang casted kong braso.

"Ayos naman." Sagot ko, trying to hide yung pagkainis ko sakanya dahil sa ginawa nya saken.

"Good to know." Ngiti nya. "Get well soon." Then umupo na sya sa upuan nya.

Ang aga aga, at Lunes pa. Hindi ko mawari kung concern ba talaga tong si Darren or hobby lang nya ang mang-inis.

Maya maya, pumasok na din si Kyle and kalikod nya si AC. Ito namang isang to, hindi ko malaman kung ini-stalk yung kapatid ko or what. 

Mabilis dumaan ang oras ng klase. Papunta na kami ni Kyle sa cafeteria to meet Francine for lunch.

Papalapit na kami ni Kyle kay Francine na nakaupo sa usual table namin nung bigla syang tabihan ng mga Zobel.

"Oh, shoot." Sabi ni Kyle na nagmadaling lapitan si Francine with the Zobels.

"Hey, Kyle." Narinig kong bati ni AC sa kapatid ko when he stopped in his tracks.

"You guys didn't tell me na Andrea is sick pala." Tingin ni Darren samen.

"Kelangan mo pa bang malaman yun?" Bigla kong sabi, and agad naman napatingin ang Zobel twins saken.

Medyo natawa si AC. She then stood up and walked to me.

"Look at you, Seth Ayala." Tingin nya saken na para bang hinuhusgahan ang buong pagkatao ko. "Playing as Andrea's knight in shining armor."

"AC, stop." Mahinang sabi ni Kyle kay AC to avoid any attention from the people around.

I glared at AC then tumingin ako kay Darren who gave me this annoying smile. Ngayon alam ko nang nananadya tong kambal na to.

I looked back at AC. Then her eyes raked down to my casted arm.

"Aww." She pouted. "Get well soon." Sabi nya before turning gaze back on my eyes. "Let's go, Darren. I lost my appetite."

We watched as the Zobels walk away from our table. Tumabi si Kyle kay Francine, then I sat across them.

"Ano bang problema nung dalawang yun?" Medyo inis kong tanong.

"Pabayaan na natin sila." Sabi naman ni Francine. "Hindi lang talaga natin alam ang ugali ng dalawang Zobel."

"Well, they grew up far from us." Kyle added.

"Hay nako," Sabi ni Francine nung tumayo sya. "Tara na nga muna sa Yellow Cab for some pizza."

Agad naman kaming nagtungo sa Yellow Cab for lunch. Aaminin ko na medyo bothered pa din ako sa Zobel twins. Hindi ko sila matansya, kung ano ba talagang trip nila.

Bothered ako sa kung ano talaga ang pakay ni AC kay Kyle. Hindi maitatanggi na lapit sya ng lapit kay Kyle. Given their history sa US, I can say na hindi lang friendship ang habol nya. I'm worried na baka masira nito ang blossoming feelings nila Kyle and Francine sa isa't isa.

Collide || FinishedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon