Twenty Seven (Andrea, Seth, Grae, and Karina)

406 6 3
                                    

Seth's POV

Halos 1 hour na akong nakakatitig sa mga work files na ito, pero hindi ko pa din alam ang susunod kong gagawin. 

Finally, natapos na ang gulo sa pamilya namin, nakulong na ang mga dapat na makulong.

After ng lahat ng nangyari, na-realize ko na si Andrea pa din talaga ang nasa puso ko. Pero nakita ko din papano nya tignan si Grae, kase ganun nya ako tignan dati.

Pero naiisip ko din si Karina. Sya ang naging kasama ko during the hard times namin dito sa Pinas. Tinulungan nya akong bumangon, at maging mas matatag pa.

Sa dami ng mga nangyari mula nung bumalik ang mga San Juan, hindi ko na alam kung san ko ilulugar ang sarili ko at ang nararamdaman ko.

My thoughts fell nung may kumatok sa pintuan ng office ko. I turned to the glass door, and it's Kyle. I motioned him to enter.

"Oh, ano na nangyari sa mga files mo?" He asked.

"Hay." I sighed. "Hindi ko na alam, Kyle."

"Seth, I'm asking about the work files." He tells me. "Hinahanap na kase ni Kuya Quen."

"It's not yet done." I tell him before slumping at my chair.

Umupo si Kyle sa isang chair across me.

"Is it Andrea?" Him mentioning her name made my heart a bit crazy.

Umayos ako ng upo, at tumingin kay Kyle.

"I'm not sure what to do with my feelings, Kyle." Sabi ko sakanya. "Alam mo naman kung gaano ko kamahal si Andrea kahit dati pa."

"Seth, I understand." Kyle tells me. "You have to do what is right, talk to Andrea."

"About what?"

"About on how you really feel for her." Kyle answered.

"E papano kung hindi na ako ang nasa puso nya?"

"Then, so be it." Napatigil ako sa sagot na ito ni Kyle. "Ang mahalaga, nasabi mo sakanya."

Silence took over the room. Iniisip ko kung susundin ko ba ang advice ni Kyle saken. Tama din naman sya, ang mahalaga ay malaman ni Andrea na hindi nagbago ang feelings ko for her.

"Sige na, I'll tell Kuya Quen na patapos ka na sa pinapagawa nya." Kyle tells me before leaving my office. 

Time flew fast in the office. Palabas na sana ako when my phone rang.

"Sir, may gusto pong bumisita sa inyo dyan sa office nyo." Sabi ng assistant ko.

"Sino daw?"

"Grae Fernandez daw po."

Anong ginagawa ni Grae dito?

"Sige, papasukin mo na."

Maya maya pa, pumasok na si Grae sa office ko. Umupo kami sa couch, at nagpadala ako ng drinks sa assistant ko.

"Napadalaw ka, Mr. Fernandez?"

"Grae na lang." Ngiti nya saken.

"Okay, Grae." Sabi ko. "Is there anything I can do for you?"

"I'd like you to know na babalik na kami ng Australia tonight."

"Kami?" My heart started to race sa salitang to. Sinong kasama nya pabalik doon?

"Yes." He confirmed. "Andrea and I decided to go back sa Australia."

I can feel my heart slowly breaking dahil sa sinabi nya. Si Grae ba ang pinili ni Andrea?

Collide || FinishedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon