Twenty Two

458 10 4
                                        

A/N: please read important short note sa dulo hehe. also, medyo mahaba to.

Seth's POV

We just got home, at agad namang umakyat si Kuya DJ sa room nya. Hahabulin ko pa sana sya, pero Kyle stopped me.

"Bayaan mo na muna." He tells me.

Hindi ko alam kung totoo ba, or panaginip lang yung nangyari na event kanina. Kyle, and I headed sa backyard. Hindi ko alam kung ako lang ba, or sya din is confused. How can they look on our eyes like that? Na para bang hindi na nila kami kilala? Hindi ko maintindihan kung bakit masakit pa din para sakin.

3 years, halos tatlong taon ko syang inantay. When they left, pinutol nila lahat ng connections namin. Oo, I understand na malaki ang kasalanan ng pamilya namin sakanila, pero bakit ganun? Bakit mabigat pa din for me to see her holding someone else's hand instead of mine?

"What are you thinking?" Kyle asked, causing me na mapatigil sa iba pang thoughts.

"Bakit ganun, Kyle?" Tingin ko sakanya. "Bakit ang sakit pa din?"

Nasubaybayan ko ang naging career ni Andrea sa Australia with her screen partner, Grae. Akala ko hanggang tv lang, pero iba pala yung makita mo na ng personal.

I sighed before looking up at the night sky. Siguro nga wala na talagang babalikan, wala na ang pinagsamahan naming lahat mula nung mga bata pa kami. Siguro nga binaon na nila ito when they left for Australia.

"I think the best thing we can do is to be happy na lang for them." Medyo malumanay na sabi ni Kyle.

Tumingin ako kay Kyle, hoping na sana hindi glare itong tingin ko sakanya.

"You have Karina, I have AC." He added. "I think ito na talaga yung landas for us, and for them."

Tama naman si Kyle. I have Karina, she's been with me when they left. She helped me, sinubukan nya akong patawanin, pasayahin. I super appreciate it naman. Pero siguro nga, ito na yung magiging buhay naming lahat. Wala na yung kinagisnan naming Ayala-San Juan tandem na nasimulan ng mga parents namin.

Nagpaalam na ako kay Kyle, and I headed up to my room. Gusto kong kalimutan ang mga nakita ko kanina sa event, yung kung papano ang naging pakiramdam ko nung nagkita kami ulit.

I closed my eyes, hoping na sana pagdilat ko, hindi na mabigat ang pakiramdam ko.

The next morning, maaga akong pumasok sa office since may meeting akong dapat attendan. Binabasa ko ang mga papers sa table ko when I felt someone entered the room. I looked up to see Karina, smiling at me.

"Good morning!" Masaya nyang greeting saken.

"Morning." I smiled back.

She walked to me and gave me a kiss sa cheek. Hindi ko alam pero medyo nagulat ako, kahit pa na madalas naman nyang gawin saken yun.

"Oh, parang nagulat ka?" Nagtataka nyang tanong saken. "Are you okay?"

"Y-yeah." Sagot ko. "I'm okay."

"I'm so excited sa Boracay trip naten." Sabi nya saken, dama ko naman ang excitement nya.

Wala akong maisagot, so I just gave her a smile.

Nagpaalam muna ako sakanya since it's almost time for my meeting. Kinakabahan ako sa meeting na ito, I'm not sure why. Para bang may kakaiba? I tried to get my head in the game, and focus. Lagi naman na akong umaattend ng mga meetings, pero bakit ngayong araw na to, medyo kakaiba?

I entered the boardroom, and nagulat ako sa mga nakita ko. Napatigil pa ako saglit sa may door. It's Ate Kath, her fiance, and their Tita na currently humahawak sa San Juan companies. I tried to get myself together, hindi pwedeng ma-distract ako, dahil business as usual naman ang mangyayari dito.

Collide || FinishedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon