Three

411 9 0
                                    

Fiancee

Its been a month pero hindi pa ako nakakapunta doon sa binigay na address ni lolo, when he discovered it ay pinayagan naman niya ako pero may palugit, kainis talaga.

Kaya ito ako ngayon at tinatahak ang address na iyon, I don't have a choice dahil naka ban ako na pumunta sa condo ko, at ban din ako sa village namin kaya hindi ako makakauwi doon.

Kahit na kay Patch or Maye ako mag stay ay hindi din pwede dahil kakatok at kakatok parin doon ang tauhan ni lolo para lang mapapunta ako sa lugar na tinutukoy nito.

"I allow you to stay here just for a month Xylien."

"What? A month? Lolo naman." nagrereklamong sabi ko dito

"Don't worry hija, it's for your own good, tsaka bahay mo naman na iyon kaya doon kana tumira."

"Pero lolo-,."

"No buts Xylien, you can stay here for a month then after that you'll be ban on this village."

At dahil nga dapat masunod ang gusto ni lolo, ay ito, naka ban nga ako at ang bahay na iyon lang ang pwede kung puntahan, I can even go to our hotel's dahil hindi din ako tatanggapin doon dahil sa utos ni lolo, kaya wala talaga akong choice,psh.

After I park my car ay pumasok na ako sa loob may susi nga kasi ako diba.

Pero infairness may taste si lolo na pumili ng design, its a two storey house with a black and white design, hindi ko na ieexplain ang design ng loob, basta pagpasok ay sala na, tapos kusina, at ang sa taas naman ay kwarto, it has 3 rooms.

Bakit tatlo? e' mag-isa lang naman ako dito... 

Umakyat na ako sa taas para magbihis dahil inaantok ako, maaga pa kasi ako hinila ni mommy sa kwarto, kahit si mommy pinagtatabuyan na ako sa bahay,huhu.

Si Daddy at Kuya ay pumayag na din kaya isa din sila sa hindi ko pwedeng puntahan dahil alam ko na papaalisin lang din naman nila ako doon, alangan naman kasi na sa kalsada ako matulog.

Pagpasok ko sa kwarto ay humilata na ako sa kama, maayos na din naman ang mga gamit ko kaya di na kailangan ayusin.

I woke up at 6 in the evening, naligo muna ako bago bumaba dahil nagugutom na ako.

I smiled pagpasok ko sa kusina, it's also one of my favorite place in the house, the kitchen. Since bata kasi ako ay sa kusina na ako nakatambay, and I decided to learn how to cooked kaya ito ako ngayon at naglalabas ng manok galeng sa ref, I just want to eat chicken adobo.

Sinabay ko na rin ang pagsaing dahil hindi ako sanay na walang kanin everytime I eat, mapa breakfast, lunch at dinner pa yan dapat may kanin, kahit walang ulam ay papatol ako basta may kanin lang.

Exactly 7:00 pm ng matapos ako sa pagluto, nang may biglang bumukas sa main door.

"Sir Claveria." napakunot ang noo ko na napatingin dito, anong ginagawa niya dito?

"What are you doing here in my house Miss Laranesa? At paano ka nakapasok dito? Sa pagkakalaam ko ay wala naman akong hinire na katulong." sabi nito at sabay bukas ng ref to get some water.

Katulong? Ako? Anak ng.

"Good evening to you too, Sir Claveria, pero hindi po ako katulong dito, tsaka nakapasok ako dito dahil may susi ako, at anong sinasabi mo na bahay mo to e' bahay ko to." pagtataray na sagot ko

"This is my house, what are you talking about?"

"This is my house, ito ang address na binigay ng lolo ko."

"Address yung binigay sayo, hindi bahay kaya umalis ka dito sa bahay ko." masungit na sagot nito, sarap talagang bigwasan e' kainis.

"Address ng bahay, at ito ang bahay kaya nga may susi ako."

"Whatever you say Miss Laranesa, just get out." Aba sungit.

"Aba maka get out ka jan, hoy po sir, bahay ko ito ba't ako ang papaalisin mo diba dapat ikaw? Bahala ka nga dyan at nagugutom na ako."

Hindi ko na siya pinansin at kumain na ako, hindi ko na siya inaya, neknek niya.

"Tsk."

"Teka ka nga sir, kung bahay mo ito sino ang nagbigay aber?"

"Si lolo."

Lolo? Niya? Fuck dont tell me siya iyon? Anak ng butete, talaga naman .

"E' lolo ko din ang nagbigay sakin nito e, kung tutuosin nga ay hindi ako pupunta dito kung hindi niya lang ako binan sa bahay namin at sa condo ko." sabi ko habang kumakain,

"Ban?" Nagtatakang sagot nito.

"Yeah, hindi na ako makakauwi doon, tsaka hindi din naman ako makapunta kila kuya dahil ipagtatabuyan lang nila ako hanggang bumalik ako dito dahil hindi ko alam kung ano ang pinakain ni lolo sakanila para pumayag sa kaek-ekan nito." hindi ko alam kung bakit ako napapakwento sa ugok na to'...

"Kaek-ekan?" nagtatakang tanong nito, hindi ba ito napapagod sa kakatayo niya?

"Oo, dahil sa kamalas-malasan ay ako ang napagtripan niya, hindi naman ako makapag reklamo dahil kung ano ang gusto niya ay iyon dapat ang masusunod "

"Why?"

"Aba malay ko, dahil siguro ako ang bunsong apo niya at ako nalang ang apo niya na babae na wala pang pamilya o walang jowa kaya ayun ako ang nilagay sa isang arrange marriage na hindi ko alam na ikaw pala iyon, dahil magkasama tayo dito sa iisang bubong at alam ko na plano ito ng mga lolo natin."

"The Fuck."

Oo nga sir, the fuck, bwesit.. 

Umakyat na ako sa taas dahil hindi ko alam kung paano ko haharapin ang hinayupak na professor ko, tapos ko na din naman ligpitin ang kalat ko doon at kailangan ko ng confirmation kay lolo.

"O napatawag ka hija, kamusta ang bagong bahay?"

"Lo, what's the name of my fiance?"

"Ah, nameet mo naba siya? Jekyll Hyde Claveria, hija"

Kung ano-ano pa ang pinagsasabi ni lolo bago ibaba ang tawag pero isa lang ang tumatak sakin.

"Tinupad ko lang naman ang pangako niyo noon."

************************************************************************

My Professor's Love [ UNEDITED ]Where stories live. Discover now