Gusto
"Sure ka ba na payag kami ng Mommy mo na r'yan mag-overnight?"
Napabalikwas ako sa pagkakahiga nang itanong na naman 'yon ni Nicolette.
Kinamot ko ang aking ilong at kunot-noong tinignan s'ya sa camera. We're on the video chat at halos isang oras na rin kaming nagtatawagan.
"Ang kulit mo. Oo nga! Payag sila. Nagpaalam ako kanina before I call."
"Overnight, Fenella. Overnight..." Si Cess naman ang nagsalita ngayon.
Wala silang tiwala sa 'kin ngayon dahil after the trouble I did last time, nag-aalala silang baka hindi ako payagan ni Mommy.
I let out a sigh. Tumango rin ako habang pinagtitinginan 'yung dalawa. Si Bright kasi ay kung ano-ano ang pinipindot sa kan'yang cellphone... Ata!
Nakaharap nga s'ya sa camera, wala naman sa 'min 'yung atensyon. His existence is somehow useless.
"Okay, sige. Punta kami r'yan mamaya! I'm freaking excited!" Si Cess, iwinasiwas pa nito ang kan'yang buhok sa hangin.
"Paalala ko lang ha. Hindi ako pwedeng mag-overnight."
Napanguso ako nang si Bright naman ang magsalita. Malaki ang boses n'ya pagdating sa telepono, kabaliktaran naman niyon kapag sa personal na.
"Kill joy mo naman, Bright! This is not the first time na mag-o-overnight tayong apat together! Nahihiya ka pa rin ba?" Panunuya ni Cess sa kan'ya.
Tumaas ang gilid ng labi ni Bright at natatawang umiling.
Nakatali na naman ang buhok niyang aabot hanggang balikat.
Ngumiwi ako. Mas gusto kong hindi iyon nakatali. Mas bagay sa kan'ya! Nagiging kamukha n'ya si Harry Styles kapag ganoon!
Attracted pa naman ako sa mga long hair men!
"I know... may aasikasuhin lang kasi ako sa plates ko. Hindi pa ako tapos sa pinapagawa ni Mr. Rodriguez. I can't develop my concepts for structures right now."
Natatawang paliwanag ni Bright pero alam naming magkakaibigan na pagod na ito. Halata naman sa itsura n'ya.
Maaga itong tatanda dahil sa stress at puyat!
Kung bakit ba naman kasi architecture pa ang kinuha? Puwede namang karpintero na lang. Marangal din namang trabaho iyon.
Nagkibit-balikat ako. Sabagay, he have a passion for buildings and environtments. Kapag kasi magkakasama kami, napakamapaniksik nito.
Lahat na lang napapansin n'ya.
"Okay, fine. Basta dapat na'ndito ka rin mamaya. I'm foreseeing your presence..."
Bahagya kong pinanliitan ng tingin si Bright pagkasabi noon.
Tumango naman s'ya habang ang dalawa ay napangiti lamang, sumasang-ayon din sa sinabi ko.
"And oh!" tumigil ako sa pagsasalita at inilayo ng bahagya ang mukha sa screen. "Don't forget your pajama jumpsuit!" Natutuwa kong sambit.
Agad namang nagsamaan ang mga tingin nila. Para silang binagsakan ng langit at lupa!
"Fenella!" Halos sabay-sabay nilang tugon.
Tumaas ang kilay ko, "What?"
"Are you serious?" Si Bright ang nagtanong.
I nod my head several times, "Fucking serious." Pagkatapos ay ngumiti.
They groaned and shook their heads. Napatawa ako.
BINABASA MO ANG
Captivated Weakness [Alluring Series #3] - Completed
Teen FictionAlluring Series #3 Second Generation of Seducing My Crush. Fenella Eustace San Mateo-Monterico Started: July 31, 2020 Finished: November 15, 2020 Credits to Voltage Inc for the background cover.