29

3.9K 204 108
                                    

Surprise.

Hinintay kong magflash sa screen ang pangalan ni Jereniah.

Hindi ko alam kung bakit kailangan pa n'yang magpaalam when basically he would just bug me without any short notice.

Anong meron at may 'Can I call' pa?

Mayamaya lang, lumabas na nga sa screen ang pangalan n'ya. Hindi naman ako nagmadaling sagutin 'yon.

"Hey!"

Imbis na ako ang mag-he-hello ay inunahan n'ya ako ng hey. Nailayo ko tuloy ang cellphone sa tenga dahil sa lakas ng boses n'ya.

"Hey mo mukha mo!" sigaw pabalik ko rito.

Narinig ko naman ang pagtawa n'ya.

"Buti pumayag kang magcall."

Hindi ko naiwasang pagkunutan ng noo sa sinabi n'ya.

"Ba't naman hindi?"

"Of course, may boyfriend ka na." naririnig ko pa rin ang hagikgik n'ya sa kabilang telepono.

"And so?" I rolled my eyes.

"Baka pagselosan ako ng boyfriend mo. Mahirap na. Mag-away pa kayo."

Kahit sa telepono lang kami nag-uusap, kitang-kita ko kung gaano kalawak ang ngisi n'ya ngayon. Sa tono pa lang ng boses n'ya, alam kong nag-e-enjoy s'ya sa sariling katangahan.

Natatandaan ko pa noong naging kami na ni Caplan, hindi ko s'ya nasabihan agad no'n.

Nalaman n'ya pa sa iba na may boyfriend na ako kaya ilang araw n'ya 'kong hindi pinansin.

Hindi ko naman alam noon na seryoso pala s'ya sa mga sinasabi n'ya. At hindi pwedeng mangyari 'yon. Gusto s'ya ni Nics and they are destiny.

Pabebe pa lang si Jereniah kaya hindi pa n'ya nafi-feel.

Napatawa ako sa sinabi n'ya kanina.

"Kapal ng mukha mo. Wala namang kaselos-selos sayo." I joked.

"Ouch naman!"

I laugh again. "So ano nga?"

Dami ng chikang out of the topic.

"Oh. Fuck. Oo nga pala. Ganito kasi, we're starting to build up the company again."

Hindi ko maiwasan ang panlakihan ng mata sa sinabi n'ya. Halos mapaayos din ako pagkaka-upo.

"Oh! Wow! That's great! Mabuti naman at naisipan mo 'yan? All I thought you're going to spend the rest of your time at your room, e!" pang-aasar ko pa.

"Nah... you know me too well, Kitten." he said.

Hindi na lang ako nagsalita.

"And for your information again, I am the new boss. Modeling na itatayo namin ni Mommy. May mga natira namang clothes at may interesado pa ring makipagpartnership sa 'min since hindi naman kami 'yung nangscam."

Wow. He's the new boss? I wonder if he can. Pero alam kong kaya naman ni Jereniah. He's also a business minded person. Hindi lang halata sa mukha n'ya.

"That's a good start, Jereniah! Nice plan. And if you're the boss, please, be careful on choosing business partners. Not because you find them sexy, appointed na agad!" napairap na naman ako kahit hindi n'ya kita.

Tumawa s'ya. "Wow! Kasalanan ko pang mga fucking scammer sila? And, hindi naman ako tumitingin sa bodily features nila. Akala ko mayaman, eh!"

Napasinghap ako. "Kaya nga be careful, 'di ba?"

Captivated Weakness [Alluring Series #3] - CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon