Halik
Mariing napakagat ng labi si Caplan pagkatapos nitong hawiin ang sariling buhok. Hinawakan n'ya sa braso si Haxxon at nauna sa paglalakad.
I rolled my eyes and crossed my arms before following them.
Pinagtitinginan kami ng mga empleyado at walang dudang silang dalawa ang mas nakakakuha ng atensyon.
Sino ba naman kasi ang hindi mapapatingin? Halos kawayan na ni Haxxon ang mga officemates na nagtatrabaho sa kani-kanilang table.
Pagkaakyat namin sa office ni Caplan, naupo agad ako sa table ko. Samantalang sila naman ay nagpunta pa roon sa kabilang room. Glass ang nagsisilbing harang noon kaya kitang-kita ko ang dalawa kapag pasimple akong sumusulyap.
Tawa nang tawa si Haxxon, si Caplan naman ay napapailing na lang. Nakapamaywang ito at masama ang tingin sa kaibigan.
So, they are friends? Kaya ba nakita ko noon si Haxxon sa Brassard's Company dahil binisita n'ya si Caplan or I am wrong?
Mayamaya pa, agad akong nagbaling ng tingin nang sulyapan ako ni Caplan. Nahuli ko pa ang nakakunot nitong kilay bago lumingon si Haxxon sa 'kin.
Probably, they are talking to me.
I bit my lips and wrote something. Ano bang pakialam ko sa kanila? Wala naman! Wala rin akong pakealam kung mahilig si Caplan sa sexy. Duh?
But why did it felt like it bothers me?
Napatango-tango ako at kumunot ang noo. Of course! Pinag-uusapan nila ako kaya nabo-bother ako!
I heaved a sigh and after a few minutes, lumabas na rin sila roon.
Pigil ang tawa ni Haxxon nang magtama ang paningin namin. Naramdaman ko na palapit s'ya sa table ko kaya mas binilisan ko ang pagsusulat.
"Hi again, Eustace," sambit ni Haxxon nang makalapit. Nakatayo s'ya ngayon sa harapan ko.
Nag-angat ako ng tingin at sandaling itinigil ang pagsusulat. "Fenella, not Eustace." I made a cranky smile.
Tumawa siya. Napakalalim ng kan'yang boses. "Eustace na lang... Fenella na tawag sa 'yo ni Cap, e."
"So, what?"
Muli akong ngumiti para hindi s'ya ma-intimidate na kausap ako. Mapagkamalan pa n'ya akong mataray. Ang gwapo pa naman n'ya kaso kaibigan s'ya ni Caplan. For sure, parehas sila ng ugali. Parehas may itsura kaya malamang, parehas ding babaero.
Sasagot pa sana si Haxxon kaso pinigilan ito ni Caplan. Hinawakan n'ya ang kaibigan sa braso at dinala papunta sa sliding door.
"May lakad ka pa, hindi ba?" Rinig kong sambit ni Caplan habang hila si Haxxon.
Tumawa naman ng malakas si Haxxon at humawak sa pinto. Nakatingin s'ya sa 'kin.
"'Wag kang papadala sa mga banat ni Caplan, babaero 'to, 100 percent sure--"
Agad na sinupalpal ni Caplan ang kan'yang kamay sa bibig ni Haxxon dahilan para tuluyan na itong lumabas sa office.
Hindi ko na narinig ang boses nilang dalawa at ilang sandali pa ay pumasok na muli si Caplan.
Ang kaninang dalawang bukas na butones ay tatlo na ngayon. Kinalas niya iyon gamit ang isang kamay pagkatapos ay tumingin sa 'kin.
"Wag kang maniniwala kay Hax, Fenella," saad ni Caplan.
Nagtaas ako ng isang kilay at ngumisi. "As if I care about your things. Don't worry, wala akong pakealam." I smiled widely and bring back my focus in the laptop.
BINABASA MO ANG
Captivated Weakness [Alluring Series #3] - Completed
Fiksi RemajaAlluring Series #3 Second Generation of Seducing My Crush. Fenella Eustace San Mateo-Monterico Started: July 31, 2020 Finished: November 15, 2020 Credits to Voltage Inc for the background cover.