Selos?
Unti-unti akong nakaramdam ng paninikip ng dibdib habang nakatingin sa kan'ya.
Bumibilis na ang paghinga ko at hindi ko na ma-control. Sinubukan kong ikalma ang sarili ko ngunit bigo ako.
Bago ko pa maramdaman ang kapusin ng hininga, nalaman na agad ni Caplan kung ano ang nangyayari sa 'kin.
Napabangon ito sa kinahihigaan at iniupo ako.
Hinawakan ko ang dibdib ko at mariing ginusumot ang tela ng damit.
Why does I suddenly felt chest tightness and shortness of breath?
"Miss!" Rinig kong boses ni Caplan. "Sandali! Dito ka lang!"
Nakita ko na lang s'ya na tumakbo papunta sa sasakyan. Maybe he's going to get the inhaler.
Mayamaya pa ay agad na sumulpot ito sa harapan ko, dala ang bagay na magpapakalma sa 'kin. Inalog n'ya muna ito ng ilang beses bago ibigay sa 'kin.
Agaran ko naman 'yong kinuha at isalpak sa bunganga ko.
"Breath all the way slowly..." rinig kong bulong nito. "Relax, Miss." Dugtong pa niya.
Dahil sa takot ay dalawang beses kong ini-spray ang inhaler sa bunganga ko. Ilang beses din akong bumuga ng hangin.
Ilang sandali pa, sa tulong ng inhaler at sa pagga-guide sa 'kin ni Caplan, nabawasan na ang bilis ng paghinga ko. Unti-unti ko na ring naramdaman ang normal na pagdaloy ng hangin sa sistema ko.
Nang ibaba ko ang inhaler, nanghihina akong napatungo at bumagsak ang dalawa kong palad sa lupa.
Mangiyak-ngiyak ako habang nakapikit at kahit malakas ang hangin ay ramdam ko ang malamig na pagpapawis ng katawan ko.
"It's fucking sucks having asthma..." mura ko habang patuloy lang sa paglanghap ng hangin.
"Let's go. This is not a safe place for you. Kaya siguro inatake ka ng sakit mo ay dahil purong gabok at usok ng sasakyan ang nalalanghap mo..."
Sinuri ko ang paligid at tama nga ang sinabi ni Caplan. Maling lugar ang tinigilan namin kahit na sabihing open-air ito.
The place was too dangerous for those people like me. Kung wala lang siguro akong asthma ay pwedeng pwede akong magtagal dito.
But no... this wonderful place is breathtaking and it'll kill me.
Inalalayan ako ni Caplan na tumayo at maglakad papuntang sasakyan. Hindi na rin n'ya ipinatong sa 'kin ang jacket dahil nabahiran na rin iyon ng gabok.
Pagkasakay namin, nakita ko pa itong sumulyap sa 'kin bago ko ipikit ang mga mata ko.
I was thankful that he's not the reason why my sickness suddenly attacked me.
Nakahinga ako nang maluwag for thinking that it's not his eyes made my heart skips a beat and felt losing of air.
At imposibleng mangyari 'yon. Napaka-imposible, Fenella...
He's not the kind of a guy that can take your breath away.
Hindi na nadagdagan ang tanong ko kay Caplan dahil sa pagod ko kanina.
Gustuhin ko man na kausapin pa s'ya ay hindi ko magawa. Sobrang nanghihina ako at kailangan ko ng magpahinga.
Dahil na rin siguro sa pagod ko sa pagtatrabaho kina Jereniah, na-trigger ang asthma ko.
Nakabantay sa 'kin si Caplan at wari ko'y dikit na dikit ito. Bawat hakbang ko ay hakbang niya ang kasunod. Hindi katulad noong dati na halos isang dipa ang agwat namin.
BINABASA MO ANG
Captivated Weakness [Alluring Series #3] - Completed
Fiksi RemajaAlluring Series #3 Second Generation of Seducing My Crush. Fenella Eustace San Mateo-Monterico Started: July 31, 2020 Finished: November 15, 2020 Credits to Voltage Inc for the background cover.