24

4.6K 287 90
                                    


Captivated Weakness.

"You look so disappointed when you saw me..."

Nag-angat ako ng tingin kay Jereniah nang lapitan ako nito matapos salinan ng red wine ang kaniyang baso.

Sandali akong napasinghap at ibinalik muli ang tingin sa mga kaibigan kong nagtatawanan hindi kalayuan kung nasaan kami.

"Because I thought you'll be gone for too long..." I answered without looking at him. Panay rin ang paikot ko sa hawak na wine glass sa aking kamay.

I heard his little husky laugh. "I am not. I would just need some time to clear my mind."

I saw him in my peripheral view that he glanced at me before taking few sip on his wine.

Napanguso ako sandali dahil naalala ko iyong nangyaring scam sa pagitan ng mga investors ng kompanya nila.

Iilang linggo pa lang ang nakakaraan nang mangyari 'yon. It's still fresh in my memories. Paano pa kaya sa kanila?

But then, hindi ko pa rin maiwasang sungitan siya. Pati iyong ginawa niyang paghalik sa akin sa Playmates ay sariwang-sariwa pa rin sa utak ko!

"I know... I just didn't expect you'll go back too early," I said and narrowed my sight at him. Nagkatinginan kami. "Bakit naman bumalik ka agad? You're wasting your money, you know?"

Natawa na naman siya at mamaya lamang ay pinaglaruan din ang baso sa kan'yang mga daliri.

"Sabihin na lang ulit natin na na-miss kita," he said.

I don't know if it was a joke or whatever but I didn't find any traces that he's making fun of me. But Jereniah's a boy version of me. We're both good at flirting when we wanted to.

Napailing ako at ibinalik ang tingin sa mga kaibigan. Mayamaya ay aksidente namang nagawi ang tingin ko kay Nics.

Nakita ko siyang lumingon din sa 'min pero agad ding nag-iwas ng tingin at muling nakitawa. Naandon din sina Caplan at ang body guard kong si Kuya Vogart.

I know what she's thinking.

Tinignan kong muli si Jereniah, nagbaba na naman siya ng tingin sa 'kin.

"That's a stupid reason." lumapit ako sa rectangular table at ipinatong doon ang baso. Tumigil ako sa harapan niya at nakipagtitigan sa kulay asul nitong mata. "Ang sabihin mo, bumalik ka rito sa Pinas dahil malamig ang climate roon sa America't hindi ka makakaligo!"

Pagkasabi ko noon ay tinalukuran ko na siya. Nakita at narinig ko pa itong tumawa bago umalis.

Nang makalayo kay Jereniah, hindi ko naman alam kung saan ako pupunta.

Ayokong makisali sa ginagawa nina Cess malapit sa pool dahil nandoon si Caplan.

Nakapaikot sila sa bilog na table malapit sa pool side habang naglalaro ng uno. Si Kuya Vogart naman ay hindi nakikisali dahil panay ang hipan lang nito sa torotot.

Argh. I'm still in shock when they surprised me earlier. Napaluha pa tuloy ako dahil doon!

Lahat sila ay hindi ko inaakalang gagawin ito. Even my Mom and Dad was here, too. Hindi pa rin sila umaalis kahit na alas otso na ng gabi. Itatanong ko sana kung wala ba silang trabaho kahit Christmas na bukas. Jeez.

And as far as I know, it was Caplan's idea after all. Si Cess ang nagsabi sa 'kin kanina matapos nila akong paiyakin at bago kami magsikain.

May plano na rin daw talaga silang i-surprise ako but their idea's too shallow. Sinabihan lang daw sila ni Caplan about this, sila naman itong slightly stupid at nakipag-deal pa sa binabalak ni Caplan.

Captivated Weakness [Alluring Series #3] - CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon