12

3.9K 228 97
                                    







Ha?

"Kuya, ikaw na lang ang magbigay nito sa room 402," dinungaw ko pa ang silid na 'yon bago ibalik ang tingin kay Kuya Ronel. "Tell her I'm going to pick her drafts, huwag mong sasabihin na kasama mo 'ko! If they ask who's with you, sabihin mo mag-isa ka lang? Understand?"

Kumunot ang noo ni Kuya, "O-opo, sige po, Ma'am." Bakas ang pag-aalinlangan sa boses nito nang tanggapin ang maliit na papel galing sa 'kin.

Napabuntong-hininga ako matapos ko s'yang talikuran at dali-daling bumalik papunta sa kotse.

Pasalampak kong inupo ang sarili. Ramdam ko ang namumutil na pawis sa noo ko kaya nilakasan ko ang aircon sa sasakyan.

"So what if they are in a secret relationship? Pakealam ko naman do'n? That's not my business, tho." Bulong ko sa sarili habang nakatingin sa rear mirror ng sasakyan.

I snorted and shook my head several times. Kinuha ko rin ang inhaler sa bag ko at kaunting nag-press sa aking bibig.

Hinapo ako sa sobrang bilis kong maglakad kanina, dinagdagan pa ng init ng araw.

Ilang sandali pa, mula sa bintana ng sasakyan ay natanaw ko na si Kuya Ronel. May bitbit itong paper bag na kulay purple.

Dali-dali s'yang sumakay sa driver's seat. Nauna pa itong magsalita kaysa iabot sa 'kin ang dala.

"Ma'am, nandoon po pala si Caplan!" Gulat na aniya, pagkatapos ay natawa.

Umakto akong hindi ko alam. "And, so what?"

Nawala naman agad ang ngiti sa mukha nito at inabot na nga sa 'kin ang paper bag.

Tumikhim ako, "Sinong nagbigay sa 'yo nito? 'Yung babae ba, si Katterine?" Paninigurado ko.

Tumango si Kuya, "Opo, Ma'am, pero si Caplan ang nagbukas ng pinto. Nagulat nga po ako, e." Muli na naman s'yang tumawa.

Tumaas ang kilay ko, "Did he asked me? Hinanap n'ya ba 'ko sa 'yo?"

Napanguso si Kuya sa tanong ko, pagkatapos ay umiling. "Hindi, Ma'am."

"What?" Hindi ko napigilan ang pagtaas ng aking boses, "Bakit hindi mo sinabing kasama mo ako?"

"Eh, Ma'am sabi n'yo 'wag kong sasabihin kapag tinanong kayo?" Napakamot s'ya sa ulo.

I rolled my eyes and crossed my arms. "Whatever. Magdrive ka na, kuya. Doon mo 'ko ibaba sa building ng mga Brassard." Dere-deretso kong sambit.

Ngumuso ulit si Kuya pagkatapos ay tahimik na minaneho ang sasakyan.

Pagkarating namin sa tapat ng building, bumaba rin si Kuya para payungan ako at ihatid sa loob.

Nang makarating naman sa ground floor, hindi na ako nagpahatid sa loob. Pinabalik ko na si Kuya sa sasakyan.

"Don't forget to tell Manang, Kuya Ronel!" Sigaw ko rito nang ibigay n'ya sa 'kin ang paper bag.

"Opo, Ma'am." Sagot ni Kuya habang napapakamot pa rin sa ulo.

Tinalikuran ko na ito pagkatapos. Habang naglalakad, napatingin ako sa cellphone ko dahil nagring 'yon.

Pangalan agad ni Cess ang nakita kong nagpop sa screen.

Babasahin ko pa sana ang message n'ya ngunit natigilan ako sa paglalakad nang may mabunggo ako.

Umawang ang aking labi nang mahulog ang paper bag na hawak.

"I'm sorry," agad na sabi noong lalaki. "Hindi kita napansin."

Captivated Weakness [Alluring Series #3] - CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon