23

5.1K 271 127
                                    

Tanggi

Nang maramdaman kong mas'yado nang matagal ang pag-iisa ng labi namin ni Caplan, agad akong nagmulat ng mga mata. 

Itinulak ko s'ya palayo sa 'kin at kamuntikan pa s'yang mahulog mula sa pagkakaupo. Agad din naman akong tumayo. 

Tinalikuran ko s'ya dahil hanggan ngayon, ramdam ko pa rin ang init ng buong mukha ko. 

Kinagat ko ang pang-ibabang labi at mariin na pumikit. 

Oh, Saint! Bakit ko nga ulit s'ya hinalikan? 

Napahawak ako sa dibdib ko. Hindi pa man nailalapat ang palad ay ramdam ko na rin ang mabilis nitong pagkalabog. I can't even breathe normally! Aatakihin pa ata ako ng sakit ko. 

You're gone mad, Fenella! You're gone mad... Hindi mo dapat hinalikan si Caplan. 

Bago pa man humarap muli sa lalaking 'yon, humugot muna ako ng malalim na hininga. I'm about to turn around but a huge and cold palm gently grab my arms. 

Nahugot ko ang aking hininga matapos masalubong ang kakaibang eskpresyon ng mukha ni Caplan. Nakaawang ang kan'yang labi samantalang ang mata ay malilikot. Hindi maintidihan kung titignan ang mata ko o ang aking labi. 

Kahit na ang paghinga n'ya ay malalalim din kagaya ng sa 'kin. 

Napalunok ako't agad na iwinasiwas ang kamay n'ya. Kumunot ang noo nito sa ginawa ko. 

"What?" ako pa ang nagtaray at nagawa ko ding pagkrusin ang magkabilang braso. Ultimo kilay ay itinaas ko rin. 

Bumaba ang kan'yang lalaugan. "Bakit mo 'ko ninakawan ng halik?" malalim ang boses nito at ikinagulat ko dahil seryoso rin ang kan'yang mukha. 

"W-what?" lalong nag-init ang mukha ko matapos n'yang ipaalala iyon. Sandali akong nag-iwas ng tingin. 

"Alam mo bang masama ang ginawa mo?" ani Caplan. Mas lalong nagdilim ang mukha n'ya kaya nawawala ako sa konsentrasyon. 

Totoo bang galit s'ya? 

Sasagot pa sana ako ngunit mabilis n'yang nahagip ang braso ko. Hinila ako nito't pinangunahan ang paglalakad. 

"H-hey! What are you doing? S-saan mo 'ko dadalhin?" I struggled with my words. 

Natataranta ako dahil patuloy ang paghila n'ya sa 'kin kung saan. Hindi kaya...dadalhin n'ya ako sa police station? Oh fuck! Bakit naman n'ya ako dadalhin do'n? 

Hindi n'ya ako sinagot kaya naman panay din ang bawi ko sa sariling braso! 

"Ano ba, Caplan!? Let me go!" asik ko. 

I saw him glanced at me. "I won't." bulong nito. 

"Saan mo ba 'ko dadalhin?!" unti-unti nang nawawala ang tao sa paligid namin. Padilim na rin nang padilim ang daan. Where. The. Fuck. Are. We. Going?

Ngayon lang n'ya ako binalingan ng tingin. Iyong nagtama talaga ang mga mata namin. Napalunok ako dahil seryoso pa rin s'ya! 

"I'll take you home," he simply said. Patuloy lang kami sa paglalakad. 

"Take me home? W-why? I d-dont want to go home!" tumaas ang boses ko dahil sa sinabi n'ya at nautal pa ako! Bwisit!

"Panagutan mo 'ko," seryoso ang bigkas niya roon at hindi man lang pinansin ang sinabi ko kanina. "Panagutan mo 'ko sa ginawa mong paghalik sa 'kin..." 

Wait. What? Panagutan sa ginawa kong paghalik? Argh! He even repeated it not just once but twice as fuck! I'm embarrased again!

Literal na umawang ang labi ko. Hindi ko rin makuhang magsalita dahil walang magproseso sa utak ko kundi ang buong mukha lamang ng lalaking nangunguna sa 'kin sa paglalakad.

Captivated Weakness [Alluring Series #3] - CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon