Hickey
I wore my fitness outfit. Gagawin ko kasi ulit ang daily exercise ko para naman mabawasan ang pagka-bored ko rito sa bahay.
Tinignan ko ng isa pang pasada ang suot ko sa human-sized mirror. Ibinaba ko ng kaunti ang puting nike sports bra, kulay transparent ang strap nito kaya para akong naka-tube ngayon. Inayos ko rin ang short na may split na one inch sa magkabilang side dahil mukhang tabingi sa salamin.
Pagkatapos ko sa short, sunod ko namang isinuot ang itim na jacket para pagpawisan ako mamaya kapag naglalakad. Ini-stretch ko muna ang paa ko bago ilakad ang bagong white sneakers palabas ng kwarto.
I checked my wrist watch habang naglalakad pababa ng hagdan. Namataan ko naman agad sina Manang doon na nasa kusina. Bumati lang ako sa kanila at lumabas na.
Habang naglalakad, isinuot ko ulit ang earpod at pinatugtog ang paborito kong music. The one who really comforts me. Music. Anything that is connected with music.
Maaga pa naman kaya malaya ako kay Caplan. I guess, tulog pa s'y ngayon. Mabuti naman! Ayoko kasing pati sa paglalakad ko ay may kabuntot ako. He's not even my dog.
Hindi pa rin sumisikat ang araw kaya nararamdaman ko pa sa balat ko ang lamig ng hangin. It's rainy day season kaya dapat makailang kilometro na agad ang marating ko bago umulan.
Banayad lang ang paglalakad ko sa kalsada, ngunit agad akong napatigil nang matanawan ko ang pamilyar na lalaki sa kinatatayuan ko.
He's wearing a black baseball cap, may tatak din na nike. Mang-gagaya. Nakajacket na red, zipper were locked. Medyo nadumihan na rin ang suot nitong shorts na white na over the knee. I don't know if it was a dirt or he's just wearing a dirty white short. But who cares, though?
Tinaasan ko s'ya ng kilay nang tumigil ito sa harapan ko. I also crossed my arms in front of my chest.
"What?" I asked as I raised my brow.
"Good morning," bati nito.
He didn't smile at me, wala ring mababakas na kahit anong remarks. The hell? Alam ba n'ya kung sinong kausap n'ya.
Dahil doon ay hindi ko s'ya binati. Mukhang pabalik na s'ya sa bahay at kakatapos lamang mag-exercise kaya nagkasalubong kami. Nilampasan ko s'ya at nagpatuloy sa paglalakad.
Mayamaya pa ay nakaramdam ako na parang may sumusunod sa 'kin and as soon as I turned my back, tama nga ang hinala ko.
I rolled my eyes when I saw Caplan following me. Hindi ko na s'ya sinuway pa dahil masisira lang ang araw ko kung papatulan ko pa s'ya.
Mag-aalas siete na rin at mamaya lamang ay naka-duty na s'ya.
Tahimik lang akong naglalakad. Minsan ay titigil ako kapag napapagod. Lumilingon din ako para tignan si Caplan. Ilang dipa ang layo n'ya sa 'kin at tumitigil din s'ya kapag tumitigil ako.
Everytime I did that, hindi ko maiwasan ang umikot ang mga mata. I'm still pissed on his presence. Ayos sana kung si Tatiana ang kasama ko.
She'll probably understand me. Makikipagkwentuhan pa ako sa kan'ya about anything and everything. But it sads that she's not here.
Kalahating oras lang ang tinagal ko sa paglalakad. Unti-unti na ring sumisikat ang araw, medyo masakit na sa balat so I urgently go back to the house.
Hinintay akong makalagpas ni Caplan bago s'ya muling maglakad. Hindi ako tumingin sa kan'ya, nakita ko lang s'ya sa gilid ng aking mata. He's also gasping to breathe some air.
BINABASA MO ANG
Captivated Weakness [Alluring Series #3] - Completed
Roman pour AdolescentsAlluring Series #3 Second Generation of Seducing My Crush. Fenella Eustace San Mateo-Monterico Started: July 31, 2020 Finished: November 15, 2020 Credits to Voltage Inc for the background cover.