19

4.9K 236 219
                                    





Invitation



"Hey..." malaki, malalim na boses at marahang tapik ang naramdaman ko sa aking braso.

"Fenella, are you alright?"

Muli ko na namang narinig ang boses n'ya at sa pagkakataong iyon ay nagmulat na ako ng mga mata.

Nang magawa kong buksan ang nanlalabo at mabibigat na talukap ng aking mata, bumungad sa 'kin ang kunot-noong mukha ni Caplan.

I took a gulp and looked around. Naipatong ko ang aking kamay sa ibabaw ng lamesa at nang gumalaw ako ay agad kong nakapa ang batok.

Napangiwi ako matapos maramdaman ang pangangalay roon. I massaged my neck and stared back where's Caplan.

Wait! What was just happened!? Hindi ko naiwasan ang pamimilog ng aking mata.

"Ayos ka lang ba?" Muling tanong nito. Ang pag-aalala ay mababakas sa kan'yang boses.

Nakatayo s'ya ngayon sa aking tabi, naka-bend ang balakang para pantayan ang aking tingin. Ang isang kamay n'ya ay nakatuon sa aking lamesa upang may paglagyan ng balanse. Ilang distans'ya lang ang layo n'ya sa 'kin at halos masamid ako nang lunukin ko ang sariling laway.

Ang lapit n'ya!

Nagbaling ako ng tingin at hindi agad nakapagsalita.

"Hmm, I'm sorry if I disturbed your sleep... umuungol ka kasi."

My eyes widened because of surprise upon hearing those words. "M-moaning? What!?" Hindi ko napigilan ang pagsigaw.

Nakuha pa nitong ngumisi pero sandali lang 'yon. "Yeah." Tumango-tango ito. "Having nightmares?"

Nakagat ko ang aking labi. Hindi ko mahagip ang sariling dila at hindi ko rin alam ang sasabihin ko.

What the fucking actual fuck!? Did I just had a dream about him? I dreamed about Caplan's kissing me?

"Oh my God," naisatinig ko ang dapat na sana ay sa utak ko lang sasabihin.

Dahil doon ay narinig ko ang mahinang pagtawa ni Caplan. Nagbaling s'ya ng tingin at kitang-kita ko ang nangingilid nitong mga ngisi.

"So, binangungot ka nga?" Tanong nito. "Wala bang 'thank you' r'yan kasi ginising kita?"

Humugot ako ng malalim na hininga bago magsalita. Anong nakakatawa't kanina pa s'ya ngisi nang ngisi?!

"Yes! It was a nightmare and I don't want to come it to reality!" Naiinis kong sagot. Laking pasalamat ko't hindi ako nabulol!

Natawa na naman s'ya. Mas bumaba ang pagkakakunot ng aking noo nang makita ko ang pag-angat ng malayang kamay nito na nasa tagiliran.

Natitigilan ko 'yong pinagmasdan at ilang sandali pa ay dumapo iyon sa gilid ng aking labi.

Nanlaki ang mga mata ko. Gustuhin ko mang ilayo ang sarili ko sa kan'yang kamay ay hindi ko nagawa.

"Your saliva dripped off..." bulong nito matapos pasadahan ng malambot na hinlalaki ang aking labi.

Pakiramdam ko ay tumigil ng ilang segundo ang tibok ng aking puso dahil sa kahihiyan.

Nang makakuha ako ng lakas ay marahas kong iwinaksi ang kan'yang kamay. Natawa na naman s'ya at umayos na sa pagkakatayo.

"Mind to share what happened in your nightmare?" Diniinan pa nito ang pagbanggit sa huling salita.

Captivated Weakness [Alluring Series #3] - CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon