Stay still
Ilang oras akong nakatayo sa kwarto. Ang aking cellphone ay kanina ko pang hawak. Hindi ko alam kung nakailang ikot na ako pabalik-balik.
Dapat ay natutulog na ako ngayon pero hindi ko alam kung bakit naghihintay ako.
Kung bakit hinihintay ko ang pagdating ni Caplan.
Ilang sandali pa, napatigil ako sa paglalakad nang may marinig akong yabag ng paa palapit sa aking pinto.
I tiptoed towards the door, quietly and carefully.
Napahawak ako sa pinto at inilapit ang tainga roon.
"Akala ko ba ay day off mo, hijo? Bakit ka bumalik?" Boses 'yon ni Manang, hindi kalayuan sa aking pinto kaya rinig na rinig ko.
So, he's really here?
"Natapos ko na ho agad 'yong kailangan kong gawin, at mukhang... ma-mi-miss ho ako ng alaga n'yo."
Ganoon na lang ang pagkunot ng kilay ko matapos 'yong marinig kay Caplan. Mariin ko ring nakagat ang pang-ibabang labi dahil sa inis.
Napaka-kapal ng mukha n'yang sabihin 'yon porke't wala ako sa harapan n'ya!
"Ikaw talaga... oh s'ya sisilipin ko lang kung tulog na si Fenella."
Narinig ko pa ang tawa ni Manang bago ako nagdahan-dahang bumalik papunta sa kama.
Naka-lock naman ang pinto pero kailangan ko pa rin mag-ingat.
Habang tuliro kong inaayos ang sarili sa kama, narinig ko ang pagpihit ni Manang sa door knob.
"Fenella... tulog ka na ba?"
"Opo, Manang!"
Agad kong natutop ang bibig dahil sa isinagot ko. Awtomatiko namang nahampas ko ang aking noo dahil sa katangahan.
Bakit ba ako sumagot?
"O-oh, sige. Matulog ka nang mahimbing, anak... Good night." Nabosesan ko rin ang panunuya ni Manang doon. Marahil ay pinagtatawanan na nila akong dalawa.
I rolled my eyes. Binagsak ko sa higaan ang katawan ko at inis na tinakluban ang sarili ng makapal na kumot.
Hindi ko na alam ang gagawin sa 'yo, Fenella... you better sleep than think of crazy things!
Kinaumagahan, hindi na ako nagulat kung bakit tinanghali ako ng gising.
It's because of Caplan! Pinuyat n'ya ako. Though, not literally but he's the reason why I'm still awake when it's already 12 midnight!
Agad akong nagtungo sa salamin. Mabuti naman at hindi gaanong nagpakita ang eyebags ko. Medyo nangitim lang ito pero kayang takpan ng concealer.
I groaned before walking towards the shower room.
Nakalimutan ko tuloy na dapat ay maaga pa lang, nasa Mall na ako.
After tooking a bath, hindi na ako nahirapan sa pagpili ng susuotin dahil naihanda ko na 'yon Yesterday.
Hindi ko alam kung magpapaalam pa ako kay Mommy and Daddy. But I think, it's not necessary. Kasama ko naman si Caplan, mas may tiwala sila sa lalaking 'yon kaysa sa 'kin.
I smiled sarcastically while looking at myself on the mirror. I hurt my own ego upon thinking of it.
Mabilis ko lang din na blinower ang buhok ko. Hindi ko na pinakealaman 'yon dahil pupunta naman akong parlor mamaya. I need to dye my hair.
BINABASA MO ANG
Captivated Weakness [Alluring Series #3] - Completed
Novela JuvenilAlluring Series #3 Second Generation of Seducing My Crush. Fenella Eustace San Mateo-Monterico Started: July 31, 2020 Finished: November 15, 2020 Credits to Voltage Inc for the background cover.