09

4.4K 205 85
                                    





Ngisi

Gumuhit ang ngisi sa mga labi ni Caplan matapos kong tanungin 'yon.

Gusto kong bawiin ang sinabi ko pero may kung ano sa sistema kong pumipigil. Seems like I certainly want to know the answer.

Marahil ay inaalala ko lang si Nicolette. Baka mahulog 'yung kaibigan ko rito sa lalaking may girlfriend naman pala.

Yes. That's right. That's the reason why I have to know if he's already in a relationship.

It's for my best friend's sake. It's for Nicolette. Walang malisya roon.

"Nagkakamali ka ng iniisip..." pagtatanggol nito sa sarili. Pinigilan n'yang hindi ngumisi at nagawa naman n'ya 'yon.

Sandaling tumaas ang kilay ko, kumunot din ang aking noo. Nagawa ko pang humalukipkip bago muling magsalita.

"Then what are you doing there? Anong ipinunta rito ni Katterine?" At bakit mo s'ya kausap? Gusto ko pa sanang itanong 'yon ngunit baka kung ano na ang isipin n'ya. Ayoko na magkaroon kami ng hindi pagkakaintindihan.

Mayamaya pa, imbis na magsalita ito, inangat n'ya ang hawak na paper bag at ngayon ko lamang 'yon napansin. Agad akong napatikhim.

Bakit kasi hindi maalis ang tingin ko sa mukha n'ya? I snorted.

"Naiwan mo raw ito sa rest room. Sa kan'ya pinadala ni Jereniah, at ako na ang kumuha dahil mahimbing pa ang tulog mo..." sagot ni Caplan.

Naglabas ako ng hangin sa ilong at mas tumayo ng tuwid, nanatili ang pagkakahalukipkip ko. Nilalabanan din nito ang mga tingin ko sa kan'ya.

Ibubuka ko na sana ang bibig ko ngunit nagsalita ito.

"At 'yung tanong mo kanina... I am not into a rela—"

Agad kong itinaas ang palad ko, sandali akong nag-iwas ng tingin bago magsalita. "I don't care. Hindi naman ako interesado kung may girlfriend ka ba o wala."

Tinalikuran ko na ito matapos kong sabihin 'yon. Hindi ko naman maiwasan ang paglukot ng mukha dahil sa inasta ko kanina. Paakyat na akong muli sa hagdan. Iniisip ko pa rin kung bakit ko ba naitanong 'yon?

My God, Fenella...

It's already 9 in the morning. Kakatapos ko lang maligo at kasalukuyan kong pinatutuyo ang aking buhok gamit ang blower. Ayokong lalabas o mag-iikot sa kwarto habang basa ang buhok. I prefer if it was dry. Nagagawa ko ng walang hassle ang mga bagay na gusto kong gawin.

After drying my hair, pinuyod ko 'yon paitaas at inikot. Hindi ko mas'yadong hinigpitan dahil sumasakit ang anit ko kapag ganoon.

Naglagay din ako ng bunny headband para maalis ang mga baby hair na lumilitaw sa aking noo. Napakarami ko pa naman g baby hair.

After doing my routine, dala-dala ko ang sketchpad at cellphone palabas ng kwarto. Nakita ko na rin naman si Caplan sa gilid ng aking pinto. Bahagya pa akong napatigil at nagtama rin naman ang tingin namin.

Bumati ito sa 'kin at nagbaba rin ng tingin. Lumakad na ako pagkatapos, muli s'yang nakasunod sa aking likod.

Nang makarating sa salas, doon ako pumwesto sa paborito kong sofa, katapat ng wide screen tv. Binuksan ko rin ang aircon kahit na maaga pa.

Wala rito si Manang, siguro ay abala ulit s'ya roon sa stock room. Mahilig s'yang magkumpuni ng kung ano-ano roon kapag nakakatapos s'ya ng gawain dito sa baba.

Captivated Weakness [Alluring Series #3] - CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon