37

3.7K 198 336
                                    




Confused.

Patuloy ang pagsakit ng tiyan at paninikip ng dibdib ko habang walang tigil ang pagtakbo pasakay ng elevator.

Hindi ko alam kung ano ang hahawakan. Kung ano ba talaga ang totoong masakit.

My chest?

Or my heart?

Namamanhid na ang lahat sa 'kin.

Kasabay ng pagtakbo ang pagpatak ng mga luha ko sa pinsgi. Halos lahat ng madaanan ay hindi maiwasang mapatingin sa gawi ko.

Lahat ng tinging iyon ay nagtataka, nag-aalala. Nahahagip ko pa roon ang ibang nakakakilala sa 'kin.

They want to help me but no urge to do so.

I don't know what I look like, and I don't give a fuck about that right now.

Tanggal na ang suot kong heels dahil hindi makatakbo nang maayos kanina. Bitbit ko iyon hanggang sa makalabas ng elevator.

I have to see him. I have to talk to him...

I sniffed, and brushed away my tears using a free hand. Kahit anong pahid ko, patuloy pa rin ang pagtulo noon.

"Caplan..." I muttered while looking at the exit. Tuloy ang pagtakbo.

Sandali akong napangiwi at mariing napahawak sa tiyan nang kumirot na naman iyon.

Baby... please hold on.

Doble na ang paghinga ko at talagang hindi ko na kakayanin kung hindi ako titigil sa pagtakbo.

Nararamdaman ko na ang pagbubutil-butil ng pawis ko. Malamig ang simoy ng hangin pero heto't tumutulo sila.

"Damn you, Caplan..." patuloy ang pagsigaw ko sa aking isip nang tuluyang makalabas sa building.

Nagpalinga-linga ako at hinanap sila.

Hindi ko alam kung saan lilingon. Para akong pinapaikot-ikot ng kapaligiran.

There's a lot of employees whose walking inside and outside the company. I can't find where they are.

"Fuck!"

Pumiyok ako matapos maramdaman ang pagkirot sa tagiliran. Impit kong kinagat ang labi at marahang pinasadahan ng hawak ang tiyan.

"Baby, I'm sorry..." mahinang sambit ko sa anak namin ni Caplan.

I don't really know what to do. Alam kong maling pinapahirapan ang sarili ko. Maling pinapagod.

The higher the emotion, the higher the stress I get.

I know it will affect my weak breathings, ganoon na rin ang anak kong nasa sinapupunan.

But I couldn't also lose Caplan. I just can't... especially right now that I'm fucking confused.

Hindi ko alam kung bakit na lang biglang ganoon.

It's just fucking one month.

Isang buwan lang s'yang nawala. Why does his appearance suddenly changed?

Hindi lang iyon... walang problema sa 'kin kung gusto n'yang magbago ng itsura.

But the way he stared at me...

Sa paraan n'ya ng pakikipag-usap sa 'kin—no... he even ignored me. Hindi n'ya ako kinausap.

Ang sakit alalahanin kanina kung paano n'ya ako nilampasan na para bang hindi n'ya ako kilala.

Captivated Weakness [Alluring Series #3] - CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon