Sorry...
Naramdaman ko ang mainit na kamay ni Caplan sa braso ko pagkatapos ay puwersahan n'ya akong inagaw mula kay Jereniah.
Mahigpit ang hawak nito sa 'kin kaya hindi ko maiwasan ang idaing iyon. Ilang sandali pa ay gumaan ang pagkakahawak n'ya sa 'kin.
Hindi ako makagalaw sa tabi n'ya kung saan ako nakapwesto. Ang mga mata ko ay namimilog pa rin, tiklop ang bibig, at hinahabol ang hininga habang pinagmamasdan ang walang malay na si Jereniah.
Ang walang hiyang iyon! Ano't hinalikan n'ya ako!
Nang bumalik ako sa wisyo ay inalis ko ang kamay ni Caplan na nakahawak sa 'kin. Nag-abot ako ng tissue na nakapatong sa table at marahas iyong ipinunas sa aking labi!
This is not the first time na ninakawan niya ako ng halik! Noong una ay nasampal ko s'ya noon because I was in Senior High School back then. Tapos ngayon! Argh... this can't be!
Gusto ko s'yang sampalin o kaya naman ay sipain sa kinabukasan n'ya but he's so dumb wasted! Hindi ko rin naman s'ya masisisi ngayon pero bakit kailangan n'ya akong halikan!? What the actual fuck!?
Mayamaya pa ay dumating na rin sina tita Victoria. Kasama nito ang pamangkin na si Chulu. Mas bata ng dalawang taon kay Jereniah pero batak ang katawan. Kayang-kaya n'yang kaladkarin ang pinsan palabas ng club!
Tita greeted me. "Thank you so much for letting me know, Fenella. We're so worried about this man!" bakas na bakas ang pag-aalala sa boses nito matapos n'ya akong yakapin.
Kasalukuyan na kaming nasa car park at naisakay na rin si Jereniah sa kotse nila. Sobrang lasing na lasing nito at nakuha pang sumuka sa hallway kanina.
A smile touched the corners of my mouth. "You're always welcome po, tita Victoria. I'll talk to him tomorrow as well. Sasabihan ko po itong bunso n'yo," sambit ko at nilingon si Jereniah sa loob ng backseat.
Sakop na sakop n'ya ang kabuoan noon.
Hinawakan ako ni tita sa magkabilang braso pagkatapos ay niyakap.
"Thank you so much..." muli nitong saad.
Binigyan ko lang ulit ito ng isang ngiti. Pagkatapos naming mag-usap, sumakay na ito sa sasakyan. Nahirapan pang puwesto si Chulu roon sa backseat dahil ni Jereniah kaya naman medyo natagalan sila. Muli akong nginitian ni tita bago sila umalis.
Hindi ko inaakalang matunog ang kalalabasan ng pagbuntong-hininga ko kaya naman naagaw ko ang atensyon ni Caplan at noong bodyguard ko.
I rolled my eyes as Caplan's gaze occupies mine.
"What?" Tinaasan ko s'ya ng kilay.
Off ko na bilang personal assistant n'ya kaya maaari ko na s'yang sungitan. Besides, wala na kami sa company nila.
Ang kunot ng kilay nito ay doble pa sa pagkakakunot ng akin ngunit mas kapansin-pansin ang pagsulyap-sulyap nito sa aking labi.
Napalunok ako at itinikom ang bibig. What is he doing!?
Dahil akong napalang sagot mula sa kan'ya, pinangunahan ko na ang paglalakad.
"Let's go. Gusto ko ng magpahinga," anunsyo ko sa kanila.
Agad namang sumunod sa 'kin ang aking bodyguard samantalang naramdaman ko ang pagpapahuli ni Caplan sa paglalakad.
Hindi ko na lamang 'yon pinansin hanggang sa makarating kami sa kotse. Ang bodyguard ko na ang nagda-drive, si Caplan naman ngayon ang nasa passenger's seat, at dahil sinabi kong antok na ako, rito ako nakapuwesto sa backseat. Solong solo ko! Mabuti naman at hindi tumabi si Caplan!
BINABASA MO ANG
Captivated Weakness [Alluring Series #3] - Completed
Teen FictionAlluring Series #3 Second Generation of Seducing My Crush. Fenella Eustace San Mateo-Monterico Started: July 31, 2020 Finished: November 15, 2020 Credits to Voltage Inc for the background cover.