Date
Literal na umawang ang bibig ko sa nabasang chat nito.
"What? What are you talking about?" mariin kong napindot ang enter, halos marinig ko na ang pag-tap ko sa screen ng phone.
Hindi kaya...tama ang nasa isip ko? Argh! Well, it's not impossible since si Cess ang gumawa ng lobby! Maybe isinali n'ya roon si Caplan!
"I'm Acer, 'yung pinugutan mo ng ulo kanina."
I rolled my eyes and sigh. Sabi ko na nga ba. Kasalanan talaga 'to ni Cess. Hindi n'ya sinabi sa 'king kasama pala ang lalaking 'to sa laro!
"Whatever!" the last message I send before turning off my phone.
Malalalim ang buntong-hininga ko nang umayos ako ng pagkakaupo sa kama. Kahit doon sa larong 'yon ay nakabuntot s'ya sa 'kin. Pinapanindigan n'ya talaga ang pagiging bodyguard ko, ha...
Hindi ko alam kung bakit ako ngumiti sa naisip na 'yon. Mabilis ko namang iniling ang ulo at kinagat ang labi.
"Stop it, Fenella!" ginulo ko ang buhok at tumayo sa kama. Baka nagugutom lang ako kaya ganito.
I really need to eat a lot because I'm not myself when I'm hungry. Baka kumain ako ng tao sa sobrang gutom ko.
Isang linggo na ang nakakalipas nang tuluyan akong mag-quit sa trabaho ko. I missed working but I also want to avoid this feeling towards someone.
Pero bakit parang nahihirapan ako? Bakit parang lalo akong ginugulo ng damdamin ko?
Sa ilang araw na lumipas na 'yon, hindi nawala sa buong bahay na ito ang pangalan n'ya. Palagi na lang binabanggit ni Manang at ni kuya Vogart ang lalaking 'yon, pati sina ate Jea ay nakiki-epal na rin.
Hindi ko alam kung sinasadya ba talaga nila o wala lang silang alam na ayaw na ayaw kong maririnig 'yon.
Malalim ang naibuntong-hininga ko habang nakayakap sa dalawang tuhod at nakaupo sa malambot na couch.
Kasalukuyan akong nasa veranda at pinapanood ang paglubog ng araw. Kulay dilaw ang langit, kakaiba sa pangkaraniwang kulay ng sunset.
I don't know why is it color yellow, some are turning into orange. Napakaganda...
Mayamaya pa, umihip ang malakas na hangin dahilan para liparin ang ilang hibla ng buhok ko.
Because I love that feeling, sinamantala ko ang pagkakataong 'yon para ipikit ang mga mata ko.
Dahan-dahan ko 'yong ginawa at nang tuluyang maipikit, hindi ko inaasahan na biglang lilitaw sa isip ko ang nakangising mukha ni Caplan!
Agad akong nagmulat at napamura. "What the fuck?" sigaw ko sarili!
Bakit ko ba s'ya naiisip? Nakakadiring pangyayari!
Dahil doon ay tumayo ako sa upuan. Pinili ko na lang na magpahinga sa loob ng kwarto. Hindi magandang tumatambay ako rito sa labas.
Kung ano-anong masasamang pangitain ang nakikita ko!
I took a half bath before taking dinner. Nagdadalawang-isip pa ako kanina kung kakain ba ako o hindi. I don't want to gain weight but I don't want to starve myself either.
Hindi naman ako gaanong payat o mataba. I'm in between. I'm sexy.
Pero sabi ni Manang, hindi na raw dapat ako nagda-diet. Wala naman daw problema kung tumaba ako o pumayat, I'm still pretty pa rin naman daw.
Kaya ayon, torn between kakain o magda-diet na naman ako!
So, what I did, kumuha lang ako ng mga healthy foods at kumain pa rin.
BINABASA MO ANG
Captivated Weakness [Alluring Series #3] - Completed
Novela JuvenilAlluring Series #3 Second Generation of Seducing My Crush. Fenella Eustace San Mateo-Monterico Started: July 31, 2020 Finished: November 15, 2020 Credits to Voltage Inc for the background cover.