5

274 8 2
                                    

To: Kylie Miracle
San u? Start na class uwu


Ngayong araw ay hinihintay ko si Kylie sa room, sabi nya ay hindi sya makakapasok ng unang subject dahil na-late sya ng gising. Kanina pagkapasok ko ng school may mga estudyanteng nakatingin sa akin. Mukhang nabalitaan na nila na ako ang Crown Princess, kuno. 


Ang sasama ng tingin sa akin, akala mo namang ginusto ko. Nag-aaral ako ng matiwasay dito! Wala akong panahon sa mga tingin nyo. 


Sumbong ko kayo sa Papa ko eh.  Char.


Lumabas muna ako ng room, dumaan ako ng locker room. Siniguro kong walang tao para makapag dikit ako ng post note sa locker number 26, saka dumiretsong cafeteria para bumiling tubig. Pagpasok ko naman ng room, ay agad na nagtunguhan ang mga kaklase ko sa akin.


Luh? Napatungo rin ako, nakakahiya. Di ba, same vibes. 


Pagkatapos ng isang subject ay wala kaming teacher kaya dumiretso ako ng library saka ko tinext si Kylie. Binasa ko ang librong binigay sa akin ng Reyna, its their rules, nakakakaba na ewan.


"Oy, pwede pala akong magkulong ng mga tao," bulong ko sa sarili ko. "Grabe, ang dami ko pang kailangang i-improve at pag-aralan," nape-pressure na sabi ko pa. 


"Hoy sis!" napatingin ako kay Kylie. "Hi," binalik ko ang mga mata ko sa libro.


"Hi?! Hindi mo sinabi sa akin na Crown Princess ka?! Best friend mo pa ako, ah!" nagwawalang sabi nya pa paupo sa harap ko. "Shh!" sita sa amin ng librarian.


"Wag kang maingay, hindi ko rin naman alam." bulong ko sa kanya. "Lumabas nga tayo, para nakakapag-react ako ng tama!" bumuga ako ng hangin saka nilagay ang libro ko sa tote bag at nagsimulang maglakad palabas ng library.Umupo kami ni Kylie sa isang bench, at saka sya nagsimulang umirit. 


"Hoy," kinulbit nya ako ng malakas, saka, tumingin pa ako sa mga tao sa paligid. "Wag kang maingay,"


"Paano ngang nangyare sis?!"


Grabe, napaka-OA.


Napapailing akong tumingin sa kanya, "Basta, nung araw na yon, pumunta kami sa mansion ng royal family tapos nung kinagabihan ay biglang may pasabog na ganon ang Hari," napapahilot ako sa sentido kong sabi.


"As in, hindi mo alam? Luh, pwede ba yon? Di ka informed?" hindi pa sya naniniwala, akala ko ba magkaibigan kami? "Pota ka, bakit hindi ka nalang maniwala sa akin?" naiiling na sabi ko pa. "Pero.. hindi, hindi naman. Pero 'di ba, naalala mo nung unang beses kong sabihin sayo na may lunch kami with bestfriend ni Daddy?" tumango sya. "Yung Hari yon,"


"ANO?!" napatakip ako sa tenga ko. "Big time naman pala si Papa!" 


Apaka-ingay, langya. 


"Tapos habang kumakain kami, sinabi nya na Perfect daw ako bilang Crown Princess," nakangiwi kong sabi. "Hala hala kaaa! Edi chance mo na yan!"

A Royal Contract (Royal Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon