"Tapos ka na sa ipapasa bukas, Ji?" sandali akong tumigil sa pagsusulat ng notes saka tumingin sa kanya.
"Oo, tapos na, ikaw ba?" tumango rin sya. "Sabagay, ayaw mong natatambakan ng gawain, kaya ginagawa mo agad," she chuckled.
"Tara na, lunch na," tinaas ko ang hintuturo ko sa kanya saka nagpatuloy na magsulat. "Hoy, sis, ano na?"
"Sandale, last na," nagmadali akong magsulat. Sya naman ay nilinis na ang mga nakakalat kong gamit at nilagay lahat sa bag. "Alam mo ikaw, bakit hindi ka maghanap ng ibang friends pa?" she asked me.
"Luh, tanga ka ba, Miracle?" tanong ko pa sa kanya.
Nagugulat pa syang tumingin sa akin, "luh, tinanga mo 'ko, improving na friendship natin sis!" natatawa ko syang hinampas. "Gaga ka," nilagay ko na sa bag ko ang notes ko saka kami naglakad papuntang cafeteria.
"Oh, anong balita pala sa alis nyo bukas?" umiling ako. "Ayaw sabihin, ampucha," umiiling kong sagot.
"Baka kasi surprise, bobo ka," Inirapan ko sya, "Bakit pa nila sinabi saken nung Lunes kung hindi nila sasabihin kung saan kami pupunta."
Nabu-bwiset pa rin talaga ako kapag naaalala ko yung sinabi sa akin ng Nanay ko na 'you'll know, 'nak,'
"Pag pumunta rin naman kayo roon, magugulat ka rin, ignorante ka eh, pucha,"
"Hayop ka, Kylie," tumawa kaming pareho saka kami nakarating ng cafeteria at umorder ng pagakain. Mabilis lumipas ang oras, kaya nakabalik kami ng room ni Kylie ng 15 minutes before the time, "Nakapaglagay ka ba ng note?" umiling ako.
"Talaga ba, may oras ako dyan?" sarkastiko ko pang sabi. "Gaga, wala kang pinapalampas don ah?"
"Sismars, ang daming ginagawa, pumasok pa ako sa baking lessons," umiiling na sabi ko. "Naks, teacher na, painter pa, baker pa! Ang bongga mo roon, sis!"
Natatawa na lang ako sa paghangang binibigay nya sa akin, "Gaga bukod doon, ang galing mo pa sa piano at ang ganda ng boses mo, alam mo mapagkakakitaan kita eh,"
"Bobo ka,"
Nang mag-uwian na, ganoon pa rin naman kami ni Kylie, I'm nervous for tomorrow I don't know why. Sino bang ime-meet namin?
Pagkarating ko ng bahay, tinulungan ko agad si Mama sa gawaing bahay saka ako gumawa ng mga ipapasa sa Monday, ayokong natatambakan. Mas tinatamad ako.
"Jiara! Magbihis ka na! Aalis na tayo!" sigaw ni Papa sa akin mula sa labas ng kwarto ko, katatapos ko lang maligo.
Kakatapos ko lang mag paint actually, they wanted to be fast. Ganito lang naman umiikot ang routine ko tuwing Sabado't Linggo. Well, a week in school is super. Super frustrating. Ang hirap din naman ng buhay ko, buti nalang I have Kylie with me to help me. Hinanda ni Mama ang isusuot ko, I cringed when I saw my blue off shoulder dress.
BINABASA MO ANG
A Royal Contract (Royal Series #1)
Ficción GeneralI am your light through the darkness and you are my sunshine through the rain.