47

223 9 1
                                    

[A/N] Hi, good noon! Good noon! Been busy last week, ang daming ISGs na binigay tapos nag-title defense pa kami last Saturday. Sooo, yeah. Medyo nabawasan na naman ng gagawin, kaya may *time* na ulit chz HAHAHAHAHA Enjoy reading, everyone. 

- Duz


---

"Alam mo ba yon?"


[Ha? Alin?] napakunot naman ang noo ko habang nakatingin sa labas ng bahay. "Eh, nakausap daw ni Kuya Arman si Yohannan," tsaka ako tumingin sa pinto ng kwarto ng kambal.


[Ah, oo bakit? Anong sinabi sa'yo ni Yohannan?]


"Sabi ni Kuya Arman, hawig daw ni Yohan si Chance!" napasapo ako sa noo ko. "Which is true! Alam ko yon, pero sa harap ba ni Chance sinabi?"  


[Kumalma ka! Hindi si Yohannan ang kausap, si Yohan mismo! At hindi, hindi sa harap nya. Kausap ni Chance si Cameron kanina nung sinabi yon ni Kuya Arman]


Nakahinga ako ng maluwag. Napakunot lalo ang noo ko nang makita kong may tao sa labas ng bahay. Napahigpit ang hawak ko sa phone ko saka nagpaalam kay Kylie at pinuntahan ang nasa labas. 


"Don Emilio..."


"Mi hija!" niyakap nya ako saka nilagay ang parehong kamay sa mga balikat ko. "Tulog na sila?" tumango lang ako saka hinarap sya. 


"Naalala mo yung sinabi ko sayo?" nakatingin lang ako sa kanya saka sya ngumiti ng nakakatakot. "Kung hindi... ipapaalala ko sa'yo.." 


Napapikit ako habang nakikinig sa kanya. Hindi ko malaman kung anong meron sa kanya at kay Lolo, pero bakit ako ang tinatakot nya? 


"Hindi mo sya maliligtas nang hindi mo binibigay sa akin si Yohannan, naiintindihan mo?" 


"Hindi ko ho ibibigay si Yohannan sa inyo," tumingin ako mata sa mata saka tinanggal ang pagkakahawak nya sa akin. "Sa susunod ho na pumunta kayo rito, baka hindi na ako ang makaharap nyo," 


Tinalikuran ko sya saka naglakad na papasok sa gate, napatigil ako sa paglalakad ng marinig ko ulit ang sinabi nya. "Kung hindi si Yohannan ang ibibigay mo, sya nalang ang iaaalay ko," 


Papa called just to say that tomorrow is the King's birthday. The King requested if I can bring the twins. But... not today. Nagbihis na ako saka kami dumiretsong bahay. "Ate Crisan, pabantay po muna. Susunduin ko rin po sila mamaya pagkatapos ng party." I smiled. 


"Yohan? Love, take care of your twin, okay? She's having cough and cold." I smiled and tapped his head.


"Alis na po ako," tumango ako kay Ate Crisan. "Mag-ingat ka, anak." ngumiti ako sa kanya.


Dala ang sariling kotse, nagpunta ako sa vacation house nila Chance. The guard just bowed at me and opens the gate. Malayo yung bahay na yon sa bahay nila Papa, pero ang bahay namin nang kambal, hindi naman ganon. Pagkatigil ko ng kotse, bumaba ako na dala ang regalo ko. Cyden held me in my arm then he hugged me. Camelion did the same. 

A Royal Contract (Royal Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon