12

234 8 3
                                    

Sumalubong sa akin si Kylie at kinuha ang ibang paintings na hawak ko. She helped me to delivered it after class sa faculty. Halos lahat ng teachers nagustuhan ang mga paintings ko kaya pinromote ito ng ibang nakabili na kaya mas naging busy ako for painting and stuffs.


"Thank you po," I smiled at them. Nagyukuan naman sila saka ako, pagkatapos non ay umalis na kami agad ni Kylie. "Ano nang nangyari bessy?"


"Hindi pa ulit kami nag-uusap pero napunta punta sa kwarto ko nitong mga nakaraan," I shrugged.


"Hindi mo kinakausap?" Umiling ako. "Busy nga ako sa business, sis."


"Sige magsayang ka ng isa pang buwan! Ay sus," napasapo sya sa noo nya. "Hindi madaling makipag-usap sa tao na yon besh, lalo na ang hirap paniwalaan ang sinabi nya nung Sabado, parang.. ang bilis lang," naiiling na sabi ko pa.


"Nakakatakot,"


Naglakad kami papuntang seven eleven, may mga guards naman na nakasunod sa amin ni Kylie. "Multo ba sya, para matakot ka?" she asked. Umiling ako saka dumiretsong pasok sa 7/11, nagtayuan ang mga tao don para lang yumuko. Tumango ako sa kanila saka bumili ng gusto ko.


"Bukas ulit bessy, may delievery ka."


Napalingon ako sa kanya, "Talaga?" nginitian ko yung cashier, "Thank you po," saka kami naglakad palabas para don umupo. 


"Oo, yung sa kaklase natin na dalawa? Pati yung sa President ng Nursing,"


"Ah, bukas na ba yon?" tanong ko pa. "Bakit? Di mo pa nagagawa?" nanlalaki naman na mata na tanong ni Kylie. 


"Nagawa ko na, nakakapagod lang mag-deliver araw-araw." pinunasan ko ang noo ko gamit ang panyo. "Sis, nakatingin sayo yung kababaihan dito. Parang ginagaya ng mga kilos mo," napalingon naman ako sa kanila.


Napangiti ako. Heto na yung sinasabi ni Queen Mother, nakakatawa lang na pati pananamit ko ay ginaya nila. "Oo nga no," kumagat ako sa sandwich ko saka uminom ng tubig.


"Princess Ji," yumuko ito sa akin saka umayos ng tayo. "Nandyan na po ang Prinsipe."


"Ah, sige. Ubusin ko lang 'to." ngumiti ako. Hindi ako nagmadaling kumain, hindi ko naman ako excited na makita sya.


Sige na nga, kaunti lang.


Nang uminom akong tubig nasa gilid ko na si Chance. Nagtayuan ang mga tao saka yumuko sa kanya. Tumango lang sya sa mga ito saka ibinalik sa akin ang tingin.


"Tara na,"


"Wait lang, napagod ako eh." kinagat ko ang huling sandwich ko saka uminom ng tubig. "What? Why?" his brows furrowed.


"Ano.. Nag-deliver kami ng mga orders," nakangiting sabi ko. He heaved a sigh, "I'll go with you everytime you have to deliver,"

A Royal Contract (Royal Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon