Today is our first day in HC, also my first time! Nakakakaba! Medyo na-late kami ng gising pareho ni Chance dahil sa jetlag. Kaya nauna akong naligo, pagkagising nya naman ay nagpa-room service. I wore something comfortable and cute since we are in the beach side hotel.
Pagkatapos kong magbihis, sabay kaming kumain ni Chance. "Good morning," he chuckled. "Tsh, good morning."
Pagkatapos kumain, naligo sya, ako naman ay nag-ayos ng sarili. Paglabas ni Chance ng cr, nakasuot sya ng shorts na gray saka black na tee shirt. Sinuot nya rin ang dala nyang tsinelas. Paglabas namin ng hotel, may naghihintay sa aming sasakyan. I smiled at the bellboy.
"Saan tayo?" I asked.
"Around here lang," tumango ako saka kami sumakay ng kotse. Dala-dala ko ang camera na nasa kwarto at nagkuha ng mga litrato, ng mga nadadaanan namin, ang bayan, ang ganda ng Coast.
"Isa sa mga kuha ko, pwede kong ipinta," wala sa sariling sambit ko habang tinitignan ang mga nakuhanang litrato. Chance was just looking outside the window. Kaya hinayaan ko nalang sya. Nagpasak na rin ako ng airpods habang bumibyahe. I also took pictures around here, nag-video rin ako, nag-iisip ako na mag-vlog na rin. To enjoy everything here.
"Nasan tayo?" pagbaba namin ni Chance, agad syang humawak sa balikat ko saka kami lumakad. "Subterranean River National Park,"
Agad akong kumuha ng mga larawan saka tumanaw sa ganda ng tanawin. "Ang ganda dito," kumuha lang ako ng kumuha ng larawan. Kinukuhunan ko rin ng larawan si Chance ng hindi nya alam.
Hindi kami nagtagal sa labas, dumiretso kami ng underground river. At lunch, we decided to eat at the restaurant.
Masasarap ang pagkain, lalo na yung crab! "Masarap, Yara?" tumango agad ako. "Do you want this?" I asked him. I handed him the food, pero sinubo nya yon.
"Baby ka? Kailangan sinusubuan?" I raised a brow.
"Oo, baby mo." he smirked.
Tumawa kami pareho, saka ako umiling. Pagkatapos, agad kaming umalis para dumiretso sa susunod na pupuntahan namin, sa Rock n Adventures. This adventure is a limestone rock formation which stands siguro hanggang 75 feet high in the middle of the rice field first, pero before magpunta sa viewpoint, safety first muna tapos they even informed us what to do before entering the cave entrance.
Habang naglalakad, inexplain ni ate yung mga dadaanan namin ay gawa raw ng mga tectonic movements na nangyari million years ago. She added also that the cavern was a place used to be refuge during WW2.
"Hala, omg!" I giggled. "You like it?" he asked looking at me,
"Oo naman, ang ganda dito." I smiled.
Nang makalagpas sa cave, we reached the spelunking area. Since I was so afraid in heights, nagdadalawang isip ako kung tutuloy ba ako or hindi na. Hindi ko yata nabanggit sa kanya yon, nakakanginig ng laman. Sandali lang!
BINABASA MO ANG
A Royal Contract (Royal Series #1)
General FictionI am your light through the darkness and you are my sunshine through the rain.