"Tara na po, Mahal na Prinsesa,"
Nilingon ko si Kuya Arman ng tanguan nya ako, I heaved a sigh nung tumalikod sya sa akin. "Mahal na Prinsesa...?"
Mahal na Prinsesa.. I missed that.
I looked at him as he closed the door, "Ayos lang po ba kayo?" pumasok sya sa driver's seat. "Ready na po kayo?" I just smiled as he started the engine. Tinanguan ko lang sya nung tingnan nya ako sa rear mirror.
Nakatingin lang ako sa labas habang naglalagay ng airpods, hindi ko rin kinausap si Kuya Arman. Na.. natatakot ako, what would my life be.. when I didn't marry Chance?
"I like shiny things, but I'd marry you with paper rings.. uh huh, that's right," I hummed. Nakita ko namang tumingin sa akin si Kuya Arman kaya nginitian ko sya.
"Mamimiss namin kayo, Mahal na Prinsesa," he said. I didn't expect that, so I just smiled at him. "Kayo po ang nagbigay ng kulay hindi lang sa Prinisipe, kundi sa amin ding nasa Mansyon," he said as he continued driving ng mag-green yung stoplight.
"Simula ho nung dumating kayo, madalang nang sigawan ng Prinsipe ang mga katulong," natatawa pang sambit nito.
I laughed as I remembered Chance shouting to Ate Marie nung labhan nya yung damit ni Chance na hindi naman pinapalabhan.
"Did I tell you to wash these?!" pinapakita nya pa kay Ate Marie yung damit nya. Si Ate naman ay nakatungo lang at sorry nang sorry sa kanya. "Hindi ko po kasi alam kung la.. kung lalabhan ko na rin po, pasensya na po,"
Napatago ako ng tumingin ng masama sa akin si Chance kaya pagtingin ko sa kanila ni Ate Marie naglalakad na sya papalayo at si Ate Marie naman, naroon pa rin at nakatulala.
"Tsk," napailing ako. "Okay lang kayo, Ate Marie?"
"Kung minsan pa nga ho, papasok sya ng mansyon ay napatigil sya ng makita nya kayong nagpa-piano roon," napakunot ang noo ko.
"Ho?" napalipat ako ng upuan ko saka tumingin kay Kuya Arman.
"Hindi mo alam, anak?" napangiti pang sabi nito. "Kinuhanan ka nya ng litrato! Sinabihan nya pa akong h'wag sabihin kung kanino at sisisantihin nya ako," magiliw pang sabi nya.
"Stalker sya, Kuya Arman!" I joked.
"Hindi ko itatanggi yan," natatawa pang sabi nya. "Ho?" mas lumaki ang mga mata ko.
"Ano pa po ang hindi ko alam?" naguguluhang tanong ko pa. "Marami, anak." he winked at me then chuckled.
Akala ko ba pamilya kami ni Kuya Arman? Hindi na sya nagsalita nung nagtanong ako! Ano ba tong pabaon mo, Chance Joseph?!
BINABASA MO ANG
A Royal Contract (Royal Series #1)
Aktuelle LiteraturI am your light through the darkness and you are my sunshine through the rain.