20

178 7 1
                                    

After that heartbreaking scene, hindi ulit kami nagkita ng ilang linggo ni CJ. Tapos nalaman ko nalang nagde-date na sila ni Mikee. Ngayong araw effective yon, Chance didn't talk or look at me. 


Okay lang naman, sensodyne naman ako. Kaya ko pa. Hindi ganon kasakit, para lang kagat ng dinosaur.  


Nagde-date sila every after class, kaya nasosolo ko ang limo pauwi. Tapos sinusundo nalang sya pagkatapos. Araw-araw yon, even in school lagi silang magkasama, kasama rin nila sila Cyden at lunch. Hindi ko na sila pinakialaman. 


Even Kylie, medyo layo kay Cameron dahil sa nangyari sa akin. I even told her na labas sila Cameron don.  Pero sabi nya, mas gusto nya raw na damayan ako sa pagiging broken ko kaysa masaya sya. 


"Tara, labas tayo." napatingin ako sa nag-uusap. Its Chance and Mikee. "Pagkakataon nga naman oh," napayuko ako, nasaktuhan pang wala si Kylie at pinatawag ng teacher. 


"Jiara," napaangat ako ng tingin. 


"Chance," ngumiti ako. 


"Magla-lunch ka na?" tumango ako. "Hinihintay ko lang si Kylie." pagkatapos non, naglakad na ako paalis saka dumiretso sa garden, umupo ako don sa eksaktong spot kung saan sinabi ni Cyden na gusto nya nga ako. 


"Ano ba yan.." huminga ako ng malalim. "Ji," napaangat ako ng tingin. Si Cameron at Cyden. "Hello," tumango pa ako sa kanila. 


"Si Ky?" tanong ni Cameron. "Pinatawag ng prof eh, papunta na yon dito." ngumiti ako. "Ah, heto oh, kain ka muna." binigyan ako ni Cyden ng pagkain. 


"Ah, salamat, Cy." 


Tinanggap ko yon saka kinain na, sinabayan nila akong kumain sa garden. Saktong umiinom ako dumating si Kylie. "Bessy-- ay Cameron, Cy." tinignan nya pa ako. 


"Kumain na ako, bessy, ito oh. Binilhan kita." binigay ni Kylie sa akin ang pagkain saka ako kumain lang nang kumain. "Thank you, Cam, Cy. Pasok na kami." nginitian ko sila saka umalis na. 


Hindi naman ako awkward kay Cyden dahil lang umamin sya. Hindi naman ako ganon. Kaya nanatili syang kaibigan ko. Pagdating ng Sabado, nagpinta lang ako sa garden. Nagsayang ako ng oras don, hindi ko na nalaman ang oras. Hapon na. 


"Ate Crisan, akyat na po ako." 


"Sige hija, nasa sofa sa baba sila Prinsipe Chance kasama ang mga kaibigan nya." ngumiti ako saka tumango kay Ate Crisan. Naglakad na ako papuntang pinto ng bahay. Narinig ko silang nag-uusap tungkol kay Mikee. 


"Oo, pre. Ang ganda ng boses, sya yung sinasabi kong hinahanap ko!" batid kong nakangiti si Chance habang sinasabi yon. "Ganon ba pre? Pakilala mo na yan!" masayang sabi ni Cameron.


"Paano nga pala si Ji, pre?" biglang tanong ni Cy.


A Royal Contract (Royal Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon