18

175 7 4
                                    

Monday came, I was busy buying ingredients for brownies, as I said, I will bake for Chance. "Ate Crisan, may kulang pa, wait lang," tumigil ako sa paglalakad patungong cashier, saka nag-scroll sa phone.


"Ate saglit lang," ngumiti ako saka bumalik sa pinagkunan namin ni Ate Crisan. "Ah, excuse me po," napalingon ako.


"Bakit?" I asked smiling, "Ah, kayo po ang Prinsesa!" nagugulat na sabi nya. Ngumiti ako sa kanya saka tumungo, nahihiya ako.


"Ah, sige po." I excused myself saka pumunta kay Ate Crisan. "Pinagkaguluhan ka ba? Sabi ko sayo wag ka nang sumama, kaya ko naman,"


"Ay, si Ate Crisan naman, ayos lang naman saka wala pa akong painting na gagawin. Ayoko hong maburyo don sa bahay," nakangiting sabi ko saka kami pumila.


Lahat ng tao roon ay binigyan kami ng daan pero hindi ako pumayag. "Naku, ayos lang po," nginitian ko sila saka pinauna.


"Hindi ka ba nagmamadali?" tanong niya. "Hindi naman po," umiling ako saka nag-scroll sa phone.


Ay iba rin, nag-trending din naman na narito ako sa supermarket. Napahinga ako ng malalim saka pinatay ang phone.


#SupermarketPrincess pa nga. Hays.


Hindi naman big deal sa akin ang mamili, sila ang nagbibigay ng laman. Humarang na ang mga guards sa mga tao nang naglapitan sila. Daig ko pa artista, jusko! Nakayuko lang ako saka nagpatuloy sa paglalakad. Pagdating ng kotse, sumakay agad kami.


"Pagagalitan ba ako ate Crisan?" tanong ko sa kanya.


Tumawa lang sya saka tumango. "Halaaaa, bakit? Kinakabahan na akooo," mas lalo syang tumawa saka umiling. "Sabihin mo lang ang totoo, ayos na yon," ngumiti sya.


Nakapasok agad kami sa village dahil malapit lang naman ang pinuntahan namin na mall. Pagdating nakaabang na ang Hari at Reyna. Oh my god! Mama! "Ate Crisan, pakihintay nalang po ako sa kusina," bulong ko sa kanya.


"Good morning po," napatingin ako sa orasan ko kasi hindi ko alam kung anong oras na. "Bakit ka namili hija? Pwede namang ipagawa mo yan kay Crisan," umiiling na sabi ni King Ibarro.


"Oo nga, hija. Sa susunod ha, wag mo nang gagawin yon." malumanay na sambit ni Queen Kate.


"Ano po.. kase.." nakayukong sabi ko. Umangat ako ng tingin saka tumango. "Opo," ngumiti ako.


"Sige na, baka hinihintay ka na ni Crisan," tumango ako agad saka pumunta sa kwarto para magpalit ng damit pang-bahay na mukhang pang-alis dito. Nag white high-waisted shorts ako pati black tanktops at slippers. "Grabe lang talaga, bawal na bang mamili?" bulong ko pa sa sarili ko.


Nakita kong paalis si Chance sa kwarto nya, agad akong napatigil saka ngumiti. Sya naman ay tumingin lang sa akin saka nagpatuloy ng paglalakad pababa.

A Royal Contract (Royal Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon