10

208 7 2
                                    

"Shit!"


Napabalikwas ako ng makita kong malapit na akong ma-late sa oras na usapan namin ni Kylie Miracle! Inayos ko agad ang sarili ko para sa umagahan at pag-alis sa school. Nagsuot ako ng stripes na kulay mustard at black shirt, pati pantalon at sneakers din. Lumabas ako ng room saka dumiretsong kusina. Pagdating ko roon, kumuha lang ako ng tubig saka tinapay at umalis na.


Hangga't maaari, ayoko munang makita si Chance ngayon. "Kuya, pwede bang mauna na ako? May report ako eh,"


Wala ng nagawa si Kuya saka sya tumango at saka kami umalis. Totoong may report ako pero hapon pa naman, ayoko lang makasabay si Chance mainit pa ang dugo nya sa akin, at naiinis din ako sa kanya. Kaya quits lang.


Pagdating namin doon, may mga taong nag-aabang na naman sa may labas ng gate, napapikit nalang ako saka sumandal ng ayos, habang hindi pa tumitigil si Kuya sa harap ng gate. Nakita ko ang mga mata ng tao nag-aabang sa lalabas ng limo. Huminga lang ako ng malalim saka tinanguan si Kuyang Driver ng pagbuksan ako ng pinto. 


Nakita kong inaabangan nila si Chance, naghintay ba kayo? Pasensya na ha, godbless. Magkaaway kami. Pucha sya. "Sis, nasan ang asawa mo?" tanong nya. 


Ngumiti lang ako sa naglakad papasok ng school, "Ay sis. Ito pala ang mga bayad sa paintings."


"Salamat, Mira."


"Oks lang, bessy tayo eh." inakbayan nya ako saka kami pumuntang cafeteria para kumain. Sinabihan ko syang agahan nya ang pasok. Kasi nga iku-kwento ko sa kanya yung nangyari kagabi sa hindi pagtuloy ng inom ko ng tubig. Hanggang ngayon ay nabu-bwisit pa rin ako!


"Ano?! Ang kapal naman ng mukha nya! Nasan sya?!"


"Wag na, makukulong ka pa." natatawang sabi ko pa. Naglakad na kami papuntang room, sakto namang makakasalubong namin sila nila Cameron. 


"Ang epal ng tadhana, dito pa kayo pinagkita." bulong nya sa akin. Siniko ko naman agad sya. Nagpatuloy ako ng lakad na para bang hindi ko sila kilala, hindi ko naman talaga sila kilala, tss!


"Uy, Ji." napalingon ako kay Cyden. "Bakit?" tanong ko agad, na sya lang ang tinitignan. Wala ng iba, saka ako ngumiti. "Magpapagawa ulit ako sayo, kung ayos lang."


Tumango agad ako. "Anong klase ba?"


Sa gitna pa kami nag-usap kaya halos lahat ng nadaan dito ay tumigil o kaya humahanap ng ibang ruta.


"Portrait naman," he smiled. "Shoot," I nodded. 


"Marunong ka na ng portrait bessy?" Kylie asked. "Oo, isang linggo akong hindi pumasok diba? Ayun ang pinagka-abalahan ko," bukod sa session namin ng Queen Mother, ngumiti ako sa kanya.


I turned to Cy, "Pa-send nalang ng picture." nginitian ko sila ni Cameron saka umalis agad don. "Wow, snobber treatment." Ky snorted. 

A Royal Contract (Royal Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon