23

172 6 0
                                    

"Hello po, Queen Mother," nakangiti akong pumasok sa library saka naupo sa tapat nya. "Kumusta po?" 


"Ayos ako, Princess Jiara," binaba nya ang libro saka ngumiti sa akin, "Bagay na bagay sa'yo ang pagiging prinsesa, hija," huminga sya ng malalim saka sya tumayo at sumilip sa bintana. 


"Nung araw na ako ang nasa katayuan mo, iniisip ko rin ang pamilyang dapat na nasa katayuan ko," napatigil ako sa paghinga saka malayong tumitig sa kanya. 


"May.. iba pong pamilya.. ang dapat sa trono?" dahang dahang tanong ko. Lumingon sya sa akin saka ngumiti. "Oo, anak." 


"Bakit po ako ang nandito wherein they can fought for what's for them?" I asked. Nakatingin pa rin sya sa bintana, "They.. are starting," saka sya lumingon sa akin ngumiti. 


[BESSY MARS MALIGAYANG PASKOOO!]


"Happy Birthday, Kylie." nakapikit na bati ko. [ANO?!?!]


Napabalikwas ako saka tumingin sa kalendaryo ng cellphone ko. "Oh my god! Sorry, Ky kagigising ko lang HAHAHAHA! Merry Christmas!"


[HAY NAKO SISMARS! Bakit ba kasi late ka na nagising?]


"May ginawa lang ako kagabi." napakamot ako sa ulo saka umupo sa kama. "Sige na sis, kita tayo after three days. Bye."


Pinatay ko ang tawag saka ako naligo. Pasko na, hindi ako sanay na hindi kasama ang mga magulang ko tuwing Pasko. Nagbihis ako ng blue dress at ankle boots, dahil may paskuhan dito sa mansion. Pagbaba ko, masayang nag-aayos ang mga kasambahay. Nandito na rin sila Cameron pati ang mga magulang nila.


Napatigil ako ng nakita ko si Mikee. I heaved a sigh saka ako naglakad papunta sa kusina.


"Ate Crisaaaan," nakangiting bati ko. "Ate Maricriiiiis," niyakap ko silang dalawa. "Maligayang Pasko ho,"


"Nako itong batang to. Maligayang Pasko rin," nakangiting bati ni Ate Maricris. "Maligayang Pasko, anak."


"Ano pong ihahanda nyo today?" I asked.


"Ang mga paborito ni Prince Chance, hija. Puro bisita nya ang narito eh." napatigil ako saka tumango at ngumiti.


"Jiara," napalingon ako at agad tumungo sa Reyna. "Pagkakain mo, diretso ka na sa hall. Magsisimula na tayo." Ngumiti ako, 


"Opo. Maligayang Pasko ho,"


"Maligayang Pasko, Ji, anak." ngumiti sya saka umalis. Pinaghanda naman ako nila Ate Crisan sa table at nagsimula akong kumain. Napabuntong hininga ako ng maalala ko na kasabay ko noon palagi si Chance. 


"Tama na, Ji." bulong ko sa sarili ko. Nagpatuloy ako sa pagkain, at uminom ng tubig pagkatapos. Nagpahinga ako saglit saka pumunta na ng hall. 

A Royal Contract (Royal Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon