"What did you say?"
Napatawa naman ng malakas ang babae saka tumingin kay Chance at binalik sa akin at binulungan ako, "Maling minahal mo sya,"
"Kung maling minahal ko sya, mas maling maghigante ng dahil hindi ka naging Reyna," bulong ko pabalik kaya nasampal nya ako ng napakalakas. "Ang kapal ng mukha mo!"
"Truth hurts, tanga," sabi pa ng Queen Mother.
"Since when you got the attitude to engage in conversation between the two of us?" tumingin pa sya ng masama rito saka binalik sa akin ang tingin. "Make them feel hell," saka sya lumabas kasama kami, hinawakan nya ang bibig ko papalabas para hindi ako makasigaw ng ayos.
Hinila nya kami ng Queen Mother papuntang elevator saka nya pinindot ang 'rooftop', she smirked when she saw me looking at her in the mirror of the elevator. Pahigpit ng pahigpit ang hawak sa akin nito pati ang isang may hawak sa Queen Mother, ramdam ko ang sakit nya, kitang kita ito sa kung paano sya mag-react.
Paano ba 'to?
"Remember, if you don't have any idea on how to escape, just squeeze your middle finger and your pinky to pinched your ring finger," I remember that Mom gave me the ring if something goes wrong. "Don't removed it, do you understand?" I whispered to myself as I memorized Mom's words.
I did squeeze it, What will happen next, huh?
Nakarating na kami ng rooftop, pero hanggang ngayon wala pa ring nangyayari, yung anxiety ko mas tumataas lang kada segundong lumilipas. Pinaluhod nila kami habang nakatutok sa amin ang baril, na naman.
Kung naririnig man nila yung sinasabi ko sa utak ko, sana naririnig nilang tino-talkshit ko silang mga hayop sila.
Nagulat kami ng biglang tumumba ang dalawang kasamahan nila, napatingin doon ang lola ni Mikee saka tumingin sa paligid. Nasaan ba si Lolo kapag kailangan sya? Sabi ni Mama laging handa si Lolo.
Mas tumataas ang kaba ko sa lumilipas na oras sunud-sunod na natutumba ang kasamahan ng kabila at wala akong ka-ide-ideya. "Anong ginawa nyo?!" napalaki ang mata kong tumingin sa kanya. "Sabi nyo talo na kami, malay ko bang may sapi yang mga kasamahan nyo?" sagot ko naman.
Sumama ang tingin nito sa akin saka nilipat sa Queen Mother, "Ikaw?! Anong ginawa mo?!"
"Wala, gaga! Kung mayroon man akong ginawa, pinagdasal ko lang na hindi ka makapasok ng langit, bobo ka!"
Kinasa nito ang baril at tinapat sa Queen Mother. "Ahh!"
Nabitawan nito ang baril saka tiningnan kung saan galing yon napalaki ang mata ko ng tumulo ng tumulo ang dugo nito sa palad nya. Biglang may bumabang helicopter sa may rooftop na pinaglalagyan namin. Sinipa ko ang Lola ni Mikee saka dinaganan sya at pinatulog gamit ang isang suntok.
BINABASA MO ANG
A Royal Contract (Royal Series #1)
General FictionI am your light through the darkness and you are my sunshine through the rain.