32

210 7 0
                                    

"Thank you, Crisan," ngumiti ang Lola ni Chance ng ipaghanda kami ni Ate sa loob ng kwarto. 


"Marami kayong oras para sa mga ganito," Chance looking at his grandmother as he looked away. "How about you? You have time for Jiara but not with your girlfriend," 


Roasted, pero masakit yon ah. Bakit ba namemersonal eh ako yung gustong kasama? Charot, mabait ako.


Baka i-roast din ako, ayokong madamay sa away ng mag-lola!


"Hindi ko gets kung bakit ngayon nyo lang sasabihin," reklamo pa ni Chance. "Even when I was a kid, you never told me, is this really the right time for you to tell?" 


"Yes, love." ngumiti ang Lola nito saka tumingin sa akin. "So, when I was in college I am just like you," tinuro nya pa ako, saka tumayo at pumwesto sa may bintana ng kwarto ko.


Tumingin-tingin sya sa paligid ng bahay namin, kung saan makikita nya mula roon ay mga bubong ng kapit-bahay pati mga puno di kalayuan saka ito huminga ng malalim, "Been studying like there's no tomorrow, been doing everything I love as my parents permitted. In those times, I know I could do more," she glanced at us saka nagpatuloy ng kwento, si Chance naman ay nakaupo, nakatingin sa malayo pero alam mong nakikinig. 


"In my time, the royal family begins to have tests for the next Crown Princess.." she looked at the side of the window, "And I was qualified.. my friends.. we're... we're also there, tinignan namin ang isa't isa bilang competition," you'll see her eyes begin to tell things we didn't know about. 


She opened her mouth but closed it again as if parang nauubusan sya ng mga sasabihin, she doesn't know where to continue, and it never happened before.. ngayon lang. Parang takot sya na naging Reyna sya. Hindi ko ma-explain, ano bang nangyari noon? 


"Tests?" napatingin kaming pareho kay Chance. 


"Bakit hindi na ginagawa yon ngayon?" napakunot ang noo nito habang nakatingin ng diretso sa Lola nya. "I mean, don't get me wrong, Ji I wanted to know, I needed to know, I must know. Hindi ko rin gets kung bakit namili nalang noon? Tsaka nasaan si Maica akala ko sya na yung Crown Princess? Bakit bigla nalang naging si Ji?"


Napatingin ako sa baba, oo nga pala... hindi nga pala ako yung una nyang nakasama sa Mansyon, si Maica pala. Sya ang unang naging karamay at kaibigang babae ni Chance.. hindi ako. 


Ngumiti ako ng salubungin ako ng tingin ng Lola nya saka ako tumango, humihingi rin ako ng sagot galing sa kanya. 


She sighed, "Naniniwala kasi ang Hari noon na kapag ginawa yung tests na yon, mas makikita nila kung sino ang deserving maging Crown Princess. Mas maraming options, mas maraming potensyal na maging Reyna, mas kampante sila." huminga sya ng malalim. "There this one fine lady.." tumigil sya saka uminom ng tea. 


"Alam naming lahat na isa sya sa makakapasok sa Top three na gusto ng Reyna," ngumiti sya sa akin, "Maganda sya, matalino, marespeto, lahat nasa kanya na." tumingin naman sya kay Chance, "Marunong syang makibagay sa lahat ng tao, sobrang galang, ikaw nalang yung mahihiyang lapitan sya, kasi parang kapag hinawakan mo sya, mababasag."

A Royal Contract (Royal Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon