PROLOGUE
KRISTINE'S POV
Okay okay.
Candles? Check.
Locks? Check.
Peaceful atmosphere? Check.
I sat in the middle of the circle-formed candles. Hawak-hawak ko ang vial at ang papel. Tiningnan ko ang nakasulat sa likod na label ng bote.
One Time Use Only.
Ayy taray! So bawal magkamali.
Ito na. Wala na talagang atrasan 'to. Huminga ako nang malalim saka pumikit. Inalala ko ang mukha niya. Ang bawat galaw niya kanina. Hopefully, after this magiging akin ka na.
Napangiti ako nang maalala ko ang maamo niyang mukha. Ang neatly combed niyang buhok. Ang magaganda niyang mata behind his eyeglasses. 'Yung boses niyang cute. 'Yung simpleng ngiti na binigay niya sa akin.
"Please work," sabi ko nang idilat ko ang mga mata ko at tingnan ang vial. Binuksan ko ito at pinahid sa may pulso ko.
I just have to read this and say his name. And that's it. Muli kong tiningnan ang papel na kanina ko pa inaaral kung paano sabihin at talagang minemorize ko pa para mas sigurado. Pinikit ko ang aking mga mata, itinapat sa ilong ko ang pulso kong may pahid ng mahika, at saka inalala ang mukha ni Chad habang nakangiti.
Three times, then the name.
"Amabo te mihi in sempiternum."
You will love me forever in Latin.
"Amabo te mihi in sempiternum."
Napangiti ako nang maalala ko ang paglakad niya kanina.
"Amabo te mihi in sempiternum."
Masyado akong focused sa pag-aalala ng nangyari kanina, nang biglang pumasok sa isip ko ang lalakeng pinaka-ayoko.
"Jairo Guevarra."
Late na nang ma-realize ko na nasabi ko out loud 'yung pangalan niya at bago ko pa 'yun mabawi, nawalan na ako ng malay.
Potek!
BINABASA MO ANG
My Most Stupid Mistake [COMPLETED]
Teen Fiction~•~•~ Mistake Duology: Book 1 Cutiee Series X ~•~•~ A normal freshman, Kristine Abella, wanted nothing but to keep her peaceful life and have Chad's affection. Pero lahat ng iyon ay nawala dahil sa isang love spell. Imbes kasi na pangalan ni Chad an...
![My Most Stupid Mistake [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/237101335-64-k583454.jpg)