CHAPTER NINE
BRYLE'S POV
I was just walking behind Jairo who's carrying Kristine in his arms.
Bakit sa lahat ng babae, kailangang si Kristine pa?
Lahat kaming magbabarkada, kasama yung kambal, ay pumasok sa loob ng clinic. Lumingon naman sa amin ang naka-schedule na student nurse assistant na si Dani.
"Sinong pasyente?" she asked with a hint of annoyance in her voice.
"Kristine Abella." Sean pointed at Kristine.
"Siya lang?" Sabay-sabay namang tumango ang iba maliban sa amin ni Jai. "Eh siya lang pala eh, ba't andami niyo rito? Hindi ba kayo marunong magbasa? One guardian per patient." Tinuro pa ni Dani yung nakasulat sa may pintuan. Sabay-sabay kaming napatingin doon bago ulit tumingin kay Dani. "Ano? 'Di kayo lalabas? Gusto niyong turukan ko kayo ng anesthesia ha‽" Tinawanan lang siya ng boys.
"Ba't ka na naman ba badtrip, Dani?" tanong ni Cyril.
"Nagtanong ka pa, eh lagi namang mainit ang ulo ng babaeng 'yan," sagot ni Nathan. Magsasalita na sana si Dani pero naunahan na siya ni Jai.
"Daniela, pwede ko na bang ihiga si Kristine roon?" Tumingin si Jai sa isa sa mga kama. "Mabigat din pala 'tong babaeng 'to eh."
"Sino ba kasing nagsabi sayong 'wag siya ihiga? Ha? Alam mo namang automatic na ilalagay sa kama ang pasyente pero feeling groom ka riyan sa pagbubuhat kay—Ano ulit pangalan ng pasyente?"
"Kristine," sabay-sabay nilang sagot.
"Oh siya sige, kay Kristine." Tiningnan ulit ni Dani si Jai. "Oh ano? 'Di pa rin bibitawan?"
Naglakad na si Jairo papunta sa kama at hiniga nang dahan-dahan si Kristine.
"Hoy, kuya Bryle."
Napatingin ako kay Dani. "What?"
"'Wag mo kong ma-what-what. Sinasabi ko sayo, patigilin niyo na 'yang kapatid ni kuya Jairo sa kalalapit at kaaasar sa akin, kung hindi palalaklakin ko siya ng antibiotics." At muling tinawanan ng boys si Dani. "Wala pa rin kayong balak lumabas ha? Gusto niyo talagang masaksakan ng anesthesia?"
"Kalma lang Dani, lalabas na rin. Pero mukhang walang balak yang kapatid ni Jai na tantanan ka." Tumawa pa si JP.
"Sige. Kapag 'di ako tinigilan ni Karl, paiinumin ko kayong lahat ng pampapurga."
I muted all of them. I stared at Jairo and Kristine.
Bakit siya pa?
"Teka lang Dani! Ito na nga! Lalabas na!" narinig kong sumigaw yung boys. Pagtingin ko sa kanila ay may hawak na palang injection si Dani at pinalalabas na kami.
"Sino ang guardian ng pasyente?" tanong sa akin ni Dani nang tuluyan na niyang mapalabas ang mga kasama namin.
Tiningnan ko ulit si Jai na kasalukuyang hinahawi ang buhok ni Tine. "Mukhang hindi ako." Nagpaalam na lang ako kay Dani saka lumabas ng clinic.
"So ano na, boss? May plano na ba para bukas?" tanong agad sa akin ni Sean. Wala na pala yung kambal at mukhang nauna nang bumalik sa kanya kanyang room.
"Oo. Nagyayaya na naman ng away yung kabilang grupo," sagot ko sa kanila habang nagsisimulang maglakad pabalik ng room ko.
"Ano ba naman yun? Sila pa rin? Hindi ba sila napapagod na matalo?" Napailing na lang ako sa kayabangan ni JP.
"Basta same place, same time bukas," salita ko sa kanila.
Bigla namang nagreklamo si Nathan. "Ano ba 'yan? Male-late ako sa date namin ni love eh."
BINABASA MO ANG
My Most Stupid Mistake [COMPLETED]
Teen Fiction~•~•~ Mistake Duology: Book 1 Cutiee Series X ~•~•~ A normal freshman, Kristine Abella, wanted nothing but to keep her peaceful life and have Chad's affection. Pero lahat ng iyon ay nawala dahil sa isang love spell. Imbes kasi na pangalan ni Chad an...
![My Most Stupid Mistake [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/237101335-64-k583454.jpg)