CHAPTER EIGHTEEN
THIRD PERSON'S POV
Isang linggo na ang lumipas simula nang madukot si Kristine, at isang linggo na rin simula nung huli niyang makita si Jairo. Ang tanging balita na lang niya sa binata ay ang pagdadala sa ospital ng ama nito.
Bryle told her about Jairo's situation. And she understands that. Family comes first before anything else. Sinabi rin sa kanya ni Bryle na ang dapat talagang pupunta para iligtas siya ay si Jairo. She understands that.
I understand that.
Pero hindi pa rin maiwasan ng dalaga na mamiss ang binata. 'Di pa rin mawala sa isip niya ang tanong na Paano kung si Jairo ang nagligtas sa akin?
It's actually unfair for Bryle, alam 'yun ni Kristine. Si Bryle and nagligtas sa kanya. Si Bryle ang nagtaya ng buhay, hindi lang siya mawala sa mundo. Si Bryle ang nandoon. Si Bryle na wala sa ilalim ng mahika pero kayang ibuwis ang buhay, maprotektahan lang siya.
If Jairo wasn't under a spell, would he have done the same?
Ano pa bang iniisip ko? I wouldn't even be in this moment if it wasn't for that spell.
Supposed to be, nasa eskwelahan si Kristine, pero for the first time in her history, pakiramdam niya ay sobrang sama ng pakiramdam niya at ayaw niyang pumasok.
Was it really because of that o dahil alam niyang hindi pa rin makakapasok si Jairo?
Napailing si Kristine at muling nagtaklob ng kumot.
Kinabukasan ng araw na makidnap siya ay hindi siya nakapasok, sa sobrang lakas kasi ng pagkakahila sa buhok niya at talagang sumakit ang ulo niya. Hindi pa kasama roon ang takot na mayroon pa rin sa katawan niya, dala ng pagdukot sa kanya.
Pero noong Miyerkules ay sinundo siya ng Black Dragons. Isinabay siya ni Bryle papasok ng paaralan, kasunod ng kotse nito ang iba pang miyembro ng grupo nila. Nung araw na 'yun din niya nalaman ang tungkol sa ama ni Jairo.
Pati noong Huwebes, Biyernes at Sabado ay buong Black Dragons ang sumusundo sa kanya. Kaya naman kaninang umaga ay tinext niya si Bryle para ipaalam na hindi siya papasok.
Bryle wanted to ask why. He wanted to make sure that Kristine is okay, but opted not to.
Because ever since he saw the disappointment on her face, on the day he saved her, he knew right there that she wasn't expecting him to save her. Hence, she wanted his best friend.
At that point, he knew where to stand. He promised himself that he will no longer interfere with their relationship.
He knew exactly where he belonged.
Not beside Kristine. Not in her arms.
~•~
KRISTINE'S POV
Napabalikwas ako ng bangon nang marinig kong magring ang phone ko.
Ayel Calling...
M-May balita kaya siya kay Jairo?
"H-Hello?"
(Tine! How are you? I heard from Bryle that you're not attending your class today. Are you alright? How are you feeling?)
"Ayos lang ako... Medyo masama lang ang pakiramdam. K-Kayo ba? Kumusta?"
(Tito was discharged yesterday. Uncle Kerby had a heart attack last week after landing here in the Philippines. The doctors said it was due to stress and of course, unhealthy and fatty foods.) Narinig ko pa ang mahinang tawa ni Ayel. (We were so worried because of Uncle's stubbornness. Now he faces Jairo's blazing words.)
"S-So... Ayos na naman lahat? Okay na kayo? P-Pati si Jairo?"
(Why do I feel like you're just using us as an excuse to ask about my cousin?) Halata sa tono ni Ayel na nang-aasar siya.
"H-Hindi naman sa ganon. C-Concern talaga ako sa inyo." Hindi ko mapigilang mamula ang pisngi.
(Yeah yeah, whatever. Anyways, are you sure you're okay? Coz if you really are, I'd rather take you with me and we'll go somewhere.)
"Saan naman 'yun?" Tine, diba masama ang pakiramdam mo? Sus! Okay na naman si Jairo kaya okay ka na rin! At tuluyan na nga akong nabaliw kakakausap sa sarili ko.
(—Hey Tine! You still there?) sabi ni Ayel na nagpabalik sa akin.
"H-Huh?"
(You don't seem okay to me. Forget about what I said.)
"S-Sorry... May iniisip lang. P-Pero sige, pwede naman kitang samahan. Saan ba?"
(Just somewhere near here. I'm gonna pick up some clothes and stuff. You know me.)
"Ahh... Sige... Pwede naman... Sabihan mo na lang ako kung anong oras."
(Sure sure. How about now?)
"H-Ha?"
(I'm outside your house.)
Agad akong pumunta sa sala at sumilip sa may bintana. Ampotek! Nandoon nga! "B-Ba't ka nandito‽"
(So that if ever you say yes, we'll go ahead.)
"But if I said no?"
(Well, bad for me. Besides, the route to where I'm going is this way. Now, are you coming or not?)
Wala si Tita, kaaalis lang pagkatapos ng tanghalian, kaya naman mag-isa ako dito sa bahay. So, if ever... "P-Pwede naman."
(Yehey! Are you still gonna take a bath? Coz if yes, can we at least come inside? I wanna have a glass of water if you don't mind.)
Agad kong binuksan ang main door, saka siya kinausap sa phone. "Pasok ka na. 'Di ka nagsabi agad, juice gusto mo?"
(Nah, water is fine. Thanks!)
Then we ended the call nang makalapit siya sa akin, agad niya naman akong niyakap.
"It's been a week! I missed you, Tine!"
Medyo natawa naman ako sa inasal ni Ayel. "Come on in. Pasensya na at maliit lang ang bahay namin—"
"I've been here, remember? And size doesn't matter, as long as you have a home."
Pinaupo ko si Ayel sa sofa bago pumunta ng kusina para kumuha ng maiinom niya. "Umm... Ano... Ligo muna ako, mabilis lang."
"Sure sure, no worries. I'm not in a rush."
"Really now?" I gave her a doubtful face.
"Really. I was just excited to see you and know if you're really okay."
"Fine fine. Maliligo muna ako, dyan ka muna. I'll be fast." Tumango naman ni Ayel kaya agad akong dumiretso sa kwarto para kunin yung towel ko at underwear, mamaya na ako mamimili ng susuotin. Kahit shirt at pants lang naman eh.
Mabilisang kuskos lang ng katawan, shampoo, at toothbrush lang ang ginawa ko bago lumabas ng CR namin.
Take note, yung CR eh malapit sa kusina. Meaning, paglabas na paglabas mo ng CR, sala na agad ang bubungad.
Paglabas ko ay napatulala ako. Totoo ba yung nakikita ko?
O-Okay siya... Hindi 'to simpleng panaginip lang, diba‽
"Come on! I know you like each other but hello? I have no time being the third wheel!" sigaw ni Ayel.
Saka ko lang na-realize kung anong itsura ko ngayon. Dali-dali akong tumakbo papunta ng kwarto ko.
So bale nakatuwalya lang ako—well, may underwear naman—na nakita ni Jairo!
Amporkchop!
BINABASA MO ANG
My Most Stupid Mistake [COMPLETED]
Teen Fiction~•~•~ Mistake Duology: Book 1 Cutiee Series X ~•~•~ A normal freshman, Kristine Abella, wanted nothing but to keep her peaceful life and have Chad's affection. Pero lahat ng iyon ay nawala dahil sa isang love spell. Imbes kasi na pangalan ni Chad an...