CHAPTER TWENTY-ONE

525 50 7
                                    


CHAPTER TWENTY-ONE

KRISTINE'S POV

"Good monday morning, class. Aware naman kayo na kapag natatapos ang exam week natin ay nagkaka-foundation week tayo, tama?" Tumango naman kami sa sinabi ni Sir Rosas. "At kung noong mga nakaraang taon ay kayo ang customers, ngayon namang college na kayo ay mararanasan ninyong maging tindero't tindera." Naglakad si Sir papalapit sa white board saka nagsulat bago muling humarap sa amin. "Yesterday, nagbunutan ang class presidents para sa mga category ng booths niyo, and this class got?" Tumingin si Sir kay Xei, para hingin ang sagot.

"Food category, Sir."

"Thank you, Miss President. Now, we'll divide this class into five groups. I want you to find your group mates and create your business proposals for your booth."

"Automatic na 'tong magkaka-grupo tayong tatlo, ha? Kami nang bahala ni Xie sa paghahanap pa ng iba pang kagrupo." Tumango na lang ako sa sinabi ni Hyaciel.

Ilang linggo na rin simula nang unang beses na makasama ako sa dinner ng pamilya ni Jairo at simula nun kada mabibigyan ng pagkakataon, iniimbitahan ako nila Tita Jen. Ilang beses din akong humindi kasi nga nakakahiya naman, nililigawan pa lang ako ni Jairo pero masyado na akong feeling close sa pamilya niya.

Kahit nung exam week, pumayag ng husto si Tita Winette na kela Jairo ako mag-review. Ilang taon akong nag-aral mag-isa para sa exams tapos kung kelan college na ako saka ako pagre-reviewhin nang may kasama‽

Hindi naman talaga ako pupunta kela Jairo nun, kaya lang kaladkarin ka ba naman ni Ayel tingnan natin kung 'di ka pa sumama.

Anyways, hindi pa rin tumitigil si Jairo sa kaka-ligaw sa akin, at hindi rin tumigil ang puso ko sa tuloy-tuloy na paghulog para sa kanya.

Minsan nga hinihiling ko na lang na sana...

Sana hindi na makilala ni Jairo yung antidote niya...

Sana akin na lang siya...

Pero hindi ko pa rin maiwasang makonsensya. Sayang yung totoong mamahalin ni Jairo kapag hindi pa nawala itong spell niya.

"Okay na! Kumpleto na tayo sa grupo. So let's start discussing our business proposal." Narinig kong nasa tapat ko na pala sina Xei kasama ang tatlo pa naming kagrupo. "And I got desserts or sweets." Pinakita ni Xei yung puting papel na hawak niya. Mukhang bunutan din yung part na yun. "So! Any suggestions?"

"How about ube halaya, pastillas, leche flan, and stuff like that?" Nagustuhan naman ng kambal ang suggestion ng kagrupo namin.

"Tama tama. Dapat maganda rin ang pangalan ng booth natin, eye catching, para makakuha agad ng customers." Napatango naman ang lahat sa suggestion nitong isa pa naming kagrupo. I'm sorry, not sorry if I really don't know their names.

"How about Pinoy Desserts?" suggest nung isa pa.

"Too common." Nag-agree ang iba sa komento ni Xei.

"Leche Kayo."

"Excuse me?" Mukhang naoffend yung tatlo sa sinabi ni Hya.

"Sabi ko Leche Kayo." Natawa naman siya nang makitang naiinis na yung tatlong babae maliban sa akin at kay Xei.

"Are you saying that because that's your suggested booth name?" Natatawa si Xei, lalo na nang tumango si Hya.

"Hindi kaya isipin nilang minumura natin sila?" Natawa na rin ako.

"Sabi niyo kasi eye-catching and with that statement as a booth name, for sure macu-curious sila," pagde-defend niya sa side niya.

"Pero papayagan ba tayo ni Sir Rosas?"

My Most Stupid Mistake [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon