CHAPTER TWENTY-TWO
SEAN'S POV
"Bad mood ka na naman?" bungad sa akin ni Bryle nang makaupo ako sa bandang likod.
'Di pa rin naman ako considered na late dahil wala pa rin naman si Misis Alfonso.
"Baka woke up at the wrong side of the bed," pang-asar pa ni Cyril. Pinasawalambahala ko na lang dapat sila pero nagdagdag pa si Nathan.
"Or maybe, nakita niya ang gusto niya na may kasamang iba." 'Di ko naiwasang samaan siya ng tingin.
"Tama na muna ang pang-aasar guys." Buti naman at may pakinabang si Jai.
Sakto namang pumasok ang teacher namin. Teka... hindi yan si Miss Alfonso.
Halatang gulat kaming lahat pero wagas naman ata yung kay Cyril.
Crush niya ba? O baka naman ex?
Paano ko nasabi? Syempre gamit bibig—kidding aside, 'yung naging prof kasi last year, hindi pinatawad ni Cy. Pati 'yun, jinowa. Kaya nung nag-break, awkward na awkward si Ma'am sa klase.
"Magandang umaga sa lahat. Ako nga pala si Binibining Rodelyn Reyes, ang inyong magiging pansamantalang guro sa asignaturang Filipino." Ngumiti ang bagong teacher sa amin.
What happened to Miss Alfonso? She's supposed to be our Filipino professor.
"Alam kong biglaan ang pagdating ko. Nagpaalam si Ginang Alfonso na siya'y magpapahinga nang saglit. Personal na rason sa aking pagkakaalam." The woman clapped her hands before looking at us one by one. "Para sa unang magaganap ngayong sandaling ito, gusto ko lamang kayong makilala kahit simpleng introduksyon lamang ay sapat na. Pangalan at ang tingin niyong rason kung bakit kayo nabubuhay sa mundong ito." Bigla siyang tumingin sa akin. "Magsimula tayo sayo, iho."
I stood up, smiled at her and my classmates before talking. "Magandang umaga po sa iyo, Binibini. Sean Agustin ang aking pangalan at para sa akin, ang rason kung bakit ako nandito sa mundo ay sa kadahilanang may isang babae ang aking dapat agawin, 'yun lamang po at salamat." Then I sat down, losing my smile.
Hay! Naalala ko na naman siya.
"Napaka-interesadong rason, Ginoong Sean. Salamat sa pagbabahagi. Dumako naman tayo sa kanyang kasunod." Napansin kong kakaiba ang tingin ni Miss Reyes kay Cyril nang bigla itong tumayo para magpakilala. Kahit naman si Cy, iba rin ang tingin kay Miss pero halatang pinipilit niyang ipagsawalambahala yun.
"Magandang umaga—" Bahagyang tumikhim si Cyril bago nagpatuloy. "B-Binibini. Ang pangalan ko ay..." Titig na titig sila sa isa't isa. Nakangiti si Miss at halatang naasiwa si Cy. "C-Cyril—"
"Hmm... Cyril... Kay ganda ng iyong pangalan." Ngumiti ulit si Miss. "Sige, maaari ka nang magpatuloy."
Tumikhim ulit si Cyril. "Ang pangalan ko ay Cyril Peredo. A-At ang rason ko sa mundo ay..." Biglang yumuko si Cyril. "Ang rason ko sa mundo ay ipakita ang halaga ng salitang pag-ibig." Agad umupo si Cy pagkatapos magsalita.
Ipakita ang halaga ng salitang pag-ibig? What a weird thing to say.
The Filipino period went on like that. Introductions and getting to know each other.
Hindi ko na masyadong inintidi ang nangyayari, 'di naman 'yun mahalaga eh. The important thing right now is the Science—Physics Class. Specifically, the woman standing in front of the whiteboard.
"Good morning, class. Let's pick up the lessons that we talked about at the last meeting."
At nagsimula nang mag-discuss si Miss April.
~•~
THIRD PERSON'S POV
"What did you do to Miss Alfonso?"
The woman smiled, pissing Cyril even more. "Oh, she's fine. She's having a vacation."
"What the hell are you doing here?" galit na tanong ni Cyril sa babae na naka-de cuatro sa harap niya.
Break time na nila at agad na tinawag ni Cyril ang atensyon ng babae upang makapag-usap sila sa isang pribado at walang lamang classroom. "Obviously, I found you and I need to get back what's mine." Nawala ang ngiting ipinakita ng babae noon sa klase.
Biglang napatigil si Cyril sa paglalakad at deretsong tumingin sa kanya. "I don't know what you're talking about."
"Kid, I taught you many things. You are smart, but not enough to make me believe your lie." Tumalim ang tingin ng babae sa kanya. "You do know what I'm talking about. Give it back before it's too late."
Tinalikuran ni Cyril ang babae at malalim na nag-isip ng susunod na sasabihin para maiwasan ang usapin.
"Give. It. Back." Madiin ang bawat bitaw ng salita. Ramdam na ni Cyril na nasasagad na niya ang pasensya ng babae.
"I don't have it—"
"Don't lie to me!" Malakas ang pagkakasigaw nito sa kanya na kanyang ikinabigla.
For the first time in history, she actually shouted at me. Cyril bitterly scoffed. "Binigyan mo nga si Kristine ng potion, tapos ako bawal magbigay ng gamit mo sa kakilala kong nangangailangan ng tulong?"
Naiinis na napailing ang babae sa sinabi ni Cyril. "You know the consequences of your actions. Itigil mo na 'tong kahibangan mo!"
Humarap na si Cyril sa babae at tumingin direkta sa mga mata nito. "I'm not gonna stop! I won't! I need her! I need Psyche, Mom."
Tuluyan nang bumagsak ang mga balikat ng babaeng tinawag ni Cyril na ina. "Son, how are you so sure that she's Psyche? Matagal na kayong nagkalayo. Iba ang takbo ng isip ng iyong ama. Maaaring pinaglalaruan ka lang niya. It was his way of punishing you—"
"Anong klase siyang ama‽ Ha‽ I don't deserve this kind of punishment! I—I don't deserve this, Mom."
"As the World's Matchmaker, it was your task to make sure that everyone has a partner. Pero anong ginawa mo? Nagkanda-buhol buhol ang red strings, and the reason? You were distracted with Psyche. Your Father has to do something to make things right, Cupid."
Sa halos ilang dekada ni Cyril na nabubuhay bilang tao, ngayon niya na lamang muling narinig ang kanyang totoong pangalan. "I—I don't care."
"Ilang taon ka na naming hinayaang mabuhay bilang isang tao. Hinayaan ka naming mamuhay sa gusto mong paraan noon para lang kalimutan mo si Psyche. But this is too much, Cupid!" Galit na galit ang babae kay Cyril.
"All I need is Psyche. At sigurado akong nasa katawan siya ni Xei! I can feel it, Mom." Siguradong-sigurado si Cyril sa iniisip dahil nang una niyang makita si Xei ay agad nang nahulog ang loob niya sa babae.
"And if you're wrong?"
"I'm not!"
"Son, inilayo ng ama mo si Psyche sayo. What makes you think he'll let you meet her in this world?"
Pinakatitigan ni Cyril ang ina. "You're messing with my head, Mom. She. Is. Psyche." And with that, Cyril left the room and went to his friends, kung saan alam niyang kasama ni Xei ang boyfriend nito.
I'll have you, Psyche. One way or another.
BINABASA MO ANG
My Most Stupid Mistake [COMPLETED]
Novela Juvenil~•~•~ Mistake Duology: Book 1 Cutiee Series X ~•~•~ A normal freshman, Kristine Abella, wanted nothing but to keep her peaceful life and have Chad's affection. Pero lahat ng iyon ay nawala dahil sa isang love spell. Imbes kasi na pangalan ni Chad an...